CHAPTER-1 TROUBLE, TROUBLE

Start from the beginning
                                        

^_______________________^

oha, talagang malapad.

(a/n: may sarili pong story si Acel, upcoming palang)

"sya nga pala, bat ka nagtransfer dito?, nagtataka lang ako" tanong ko.

"may iniiwasan kasi ako eh" wow, pamysterious effect ha.

Nagtatago sya, omo, baka killer sya noon sa dating school niya, tapos tumatakas sya sa krimen tapos, dito naman sya papatay, tapos, ako pala ang biktima niya. Hala.

"anong iniisip mo? mukhang malalim ah, gusto mong pala?" sabi niya.

Nagising naman ako sa kahibangan ko. Mukha namang mabait ito, may pagkamaldita nga lang kaunti sa pagmumukha.

"ah wala, he he" sabi ko.

Tumayo ako para itapon yung candy wrapper sa trash can, ng biglang...

Boogsh...

T__T aray, ouch, ang sakit.

Bumangga ako sa likod ni... Alert, Alert... Negative Vibes approaching, run for your life. (Thunder and Ligthning with matching Heavy rain, no, Storm, Hurricane, typhoon, ah basta lahat ng natural disaster)

Saturn Lee, my mortal enemy/nemesis/opponent/kaaway. Classmate ko sya since grade 3. Sikat sya dito sa school, dahil sa banda nilang 'pseudonym'. Nagtataka din ako kung bakit, kasi dito lang naman sa school sila nagpeperform pag may school activities. Well, whatever, wala akong pakialam sa kanila because of one main reason I REALLY HATE THAT STUPID JERK. Hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa akin nung first year kami. Ang kulit kulit nya, palagi niya akong pinagtitripan. Aish, the nerve talaga.

"aray, ano ka ba? Sigaw ko sa kanya.

Humarap sya sa akin. Leche kang tyanak ka, malas ka sa buhay ko. Shoo, shoo, go away come again another... teka, NEVER!!!!

Winagayway ko pa ang kamay ko for the effect sa pagtataboy sa kanya.

"aba, ikaw pa ang may ganang sumigaw, eh ako kaya ang nasaktan dito" sabi niya sa akin ng nakangisi.

"bulag ka ba? Nabukulan kaya ako." Tinuro ko ang noo ko, na hanggang ngayon ay masakit pa.

"aray.." bigla syang humawak sa batok niya. "ang sakit, nabalian ata ako ng buto, ANG TIGAS KASI NG MUKHA MO"

Talagang ginagalit ako nito ah. Isalvage ko kaya to, papahirapan ko muna, isasako at saka itatapon sa eroplano. Lord, help me, i'm being sinful. Sinigawan ko sya.

"leche ka, wag mo akong simulan, panira ka ng araw." Tinaasan ko sya ng kilay.

INHALE

INHALE

INHALE

And then EXHALE

"hala nag-aaway na naman sila"- echoserang froglet no.1

"hindi ata lulubungan ng araw ang dalawang yan ng hindi nag-aaway"- echoserang froglet no. 2

"Araw-araw silang ganyan, vitamins na ata nila ang pag tatalo"- echoserang froglet no. 3

"TSE, TUMIGIL KAYO!!!" sabay namin sigaw sa tatlo naming kaklase.

"tsk, abnormal talaga silang dalawa, tayo pa ang sinigawan" echoserang froglet no.3

"oo nga"- echoserang froglet no. 1 and 2

"kelan kaya sila mag-kakasundo?" -echoserang froglet no.3

Lumapit ako kay Echoserang Froglet no.3

"ahm, wait, let me think... NEVER!!! As in never, not now, not tomorrow, not next week, not next month, not next year, not EVER, not here, not there, not somewhere, not anywhere" sagot ko sa kanya. Inis na Inis talaga ako sa lalaking yan. Sandamakmak ang muhi na nararamdaman ko towards him. Kung may sobra pa sa salitang sobra, yun yun. sobrang sobrang muhi.

You + Me= Syntax ErrorWhere stories live. Discover now