Chapter Five

24 9 0
                                    

NAPANGITI ako nang makapasok ako sa kotse ni Ken. T-in-ext niya kasi ako kanina na susunduin niya 'ko dahil kakain daw kami sa Bueno Resto. Isang linggo rin siya hindi nagpakita kaya sobrang na-miss ko siya.

Sa loob ng isang linggo ay puro na lamang si Kelly ang kasama ko. Nagkaroon kami ng pagkakataon para makapag-usap at magkasama ulit. Ni hindi ko nga naramdaman na isang linggo na pala ang dumaan. Masyado yata akong nalibang habang magkasama kami ni Kelly. Si Kelly din ang kasama ko nang mamili ako ng mga pang-regalo para sa papalapit na pasko. Tatlong araw na lang kasi ay pasko na.

Medyo nabawasan na rin ang pagkaka-ilang ko kay Kelly magmula nang mag-confess siya na mahal niya 'ko. Sa loob ng isang linggo ay sinigurado niya talaga na magiging komportable akong kasama siya. At dahil isang linggo kaming magkasama na walang Ken ay pinaramdam niya talaga sa 'kin kung ga'no niya 'ko kamahal at ramdam ko na mahal niya talaga ako. Nararamdaman ko rin na kaunti na lang talaga ay babalik na naman ulit ang nararamdaman ko sa kanya noon.

Kahit na ramdam kong kaunti na lamang ay babalik na ulit ang pagmamahal ko kay Kelly ay hindi ko pa rin maialis sa 'kin na ma-miss si Ken. Mahal ko rin naman siya, e. Kaya ngayon ay litong-lito talaga ako pero isinawalang bahala ko na lang muna 'yon dahil sa oras na malaman ko kung sino ba talaga ang mas matimbang sa kanilang dalawa ay saka ko sila kakausaping dalawa.

Hindi pa umaandar ang kotse niya ay kinausap ko siya agad.

"Ken, nag-alala ako sa 'yo. Hindi ka man lang nagparamdam ng isang linggo. Saan ka ba nagpunta?"

"May pinuntahan lang akong importante. At saka may inasikaso lang ako." sagot niya.

"Gano'n ba? Sana nagpaalam ka man lang sa 'kin para hindi ako mag-alala. Alam mo bang na-miss kita?"

"Talaga? Hindi yata halata."

Napakunot ang noo ko sa paraan ng kanyang pagsagot sa 'kin. Napansin kong kanina pa nakakunot ang noo niya at nararamdaman kong parang ang bigat ng pakiramdam niya. At saka hindi rin siya nagbiro. Nasanay yata ako sa masayahing Ken.

"Ken, may problema ka ba?"

"Tell me, ano ba'ng ginawa mo sa buong linggo na wala ako?"

Nang tinanong niya 'yon ay nakaramdam ako ng guilt. Bakit? Kasi kahit na nawawala siya nang isang linggo ay wala akong ginawa para hanapin siya. Mas binigyan ko pa ng pansin si Kelly at mas pinaglaanan ko si Kelly ng oras. Pero wala akong magagawa ngayon kundi ang sabihin sa kanya ang totoo.

"M-magkasama kami ni K-Kelly."

Napansin ko na hinilamos niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang buong mukha.

"K-kasi niyayaya niya 'kong lumabas at nakakahiya namang tanggihan kaya sumang-ayon ako. At saka kailangan niya na rin daw mamili ng mga regalo para sa papalapit na pasko. Pero huwag kang mag-alala, friendly date lang ang lahat nang 'yon. Alam naman niya na..."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi ang mga susunod na salita. Bakit hindi ko masabi na mag-boyfriend/girlfriend kami? Bakit?!

"Na ano?"

"Na b-b-boyfriend kita." halos pabulong kong sabi.

Napatungo ako sa kadahilang nahihiya ako sa kanya at nahihiya akong tumingin sa kanya.

"Shanaia, look at me."

Inangat ko ang aking ulo at nang magtama ang mga mata namin ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makita kong kagat-kagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at kitang-kita sa kanyang magkabilang mata ang kalungkutan at sakit na nararamdaman niya (siguro) ngayon.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata, nagbabaka-sakali na baka mawala ang kalungkutan at sakit na bakas sa kanyang mga mata. Pero kahit ilang ulit ko pa ikurap ang aking mga mata ay hindi talaga mawala-wala.

The Last Cry (One Last Cry's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon