Prologue

72 10 0
                                    

BESTFRIEND. Siya yung taong akala ko makakaintindi sa 'kin. Yung taong akala ko ay kayang akong ipaglaban hanggang sa huli. At yung taong akala ko ay hindi ako sasaktan. Lahat nang iyon ay mga akala ko lang pala dahil ang lahat nang 'yon ay hindi totoo.

Mahirap ngang ma-in love sa taong tinuring ko na bestfriend kasi hanggang friendzone lang talaga ako.

Noon, nahirapan talaga ako sa pagtago ng aking nararamdaman para sa kanya. Natatakot kasi ako noon na malaman niyang mahal ko siya na higit pa sa kaibigan kasi baka magbago ang pakikitungo niya sa 'kin at baka masayang lang ang ilang taon naming pagkakaibigan. Pero nang gabing 'yon ay hindi ko na napigilan ang aking nararamdaman at nasabi ko nga sa kanya kung ano ba talaga siya para sa 'kin.

Sa huli ay nalaman ko rin na hindi kami magkapareho ng nararamdaman. At simula sa araw na iyon ay nangyari na nga ang kinatatakutan ko—nagkalimutan na kami at sa iglap ay nasayang lang ang ilang taon naming pagkakaibigan.

Hindi ako nagsisi na sinabi ko ang totoong nararamdaman ko sa kanya kasi simula rin nang araw na iyon ay nakaramdam ako ng kalayaan at do'n ko napagtanto ang totoo kong halaga na kailanman ay hindi nakita at ipinakita ni Kelly sa 'kin.

A/N: This is the sequel of "One Last Cry". Will Shana ever her one true love? Abangan...

The Last Cry (One Last Cry's Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon