Chapter 26

2.2K 79 0
                                    

Chapter 26: Horror Movie

Avianna:

"Rose, hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kaniya, hindi kasi siya nakain at nakatulala lamang siya sa kawalan.

"H-huh? Ah.. K-kakain ako.." mukhang natauhan naman siya kaya kinain na niya ang pagkain niya.

"Uhm, Rose, bakit ang laki 'nang problema mo? These past few months, you've been so.. Stressed, paminsan ay namumutla ka. What's wrong?" tanong ko sa kaniya, concern lang naman ako kasi ngayon ko lang siya nakikitang ganto katamlay.

"Ah, wala lang 'to, f-family.. P-problems.." napa-tango nalang ako sa sinabi niya, as if naman 'kung talagang problema niya iyan, hay.

Buglang nag-ring 'yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bag at tiningnan.

From: Chase Yabang
To: Avianna

- Puntahan mo ako dito sa mansyon, ngayon din. -

Kaya napatayo agad ako pagkatapos 'kong basahin ang message, "Uy Rose, mauna na muna ako. Nag-iinarte na naman 'tong si Chase." tumango na lamang si Rose at nakipag-beso sa akin.

Lumabas na ako 'nang DU at sumakay 'nang dyip papunta sa village nila Chase kaya hanggang sa makarating ako, agad akong pumunta sa kuwarto niya. Nadatnan 'kong nanunuod siya sa T.V.

"Chase?" tumingin naman ito sa akin.

"Oh, andyan ka na pala, gawin mo nga assignments ko. Dalian mo ah?" hayst. 'Yun lang pala ang sasabihun, nagmadali pa ako? Sana hindi na lang ako pumunta kasi nag-tatamad tamaran lang itong ugok na 'to.

Wala akong ibang nagawa 'kundi ang umupo sa study table at ipinatong ang mga librong kailangan 'kong sagutan, buti nalang at natapos na ako sa homeworks ko kaya madali ko itong natapos, "Tapos na, Chase." wika ko habang inaayos ang mga gamit niya sa bag.

"Halika dito." cold na wika ni Chase, kahit kailan talaga napaka-bipolar 'nang kulugong 'to. Argh!

"What is it?" sabi ko habang palapit sa kaniya.

"Nuod tayo 'nang movie." naliwanagan ako. Haha, akala ko masamang tao 'tong kulugong 'to. Buti naman. ☺

Uupo na sana ako 'nang nilagay ni Chase ang mga paa niya sa buong couch. Okay, so napaka-bipolar pala 'nang lalaking 'to. -.-

"San ako ngayon uupo?" tanong ko rito. Siya naman ay tumingin lang sa akin sandali at bumalik ang tingin sa tv.

"Dyan ka sa sahig, ma-virusan mo pa couch ko." pag-yayabang nitong si Chase.

"Pssh, yabang!" at dahil sa wala akong na-gawa, padabog akong umupo sa sahig, nakakahiya naman sa kaniya 'kung pipilitin ko pa siyang maki-upo ako sa couch. Nakakainis ka talaga, Chaseee!

Nag-play na 'yung movie pero bago pa man nag-simula iyun, kumuha ako 'nang kumot pati isang unan para naman 'kung sakaling antokin ako, makakatulog naman ako 'nang tahimik.

Kumuha siya 'nang popcorn tapos hindi man lang ako bigyan ni isa. Edi bahala siya diyan, isaksak pa nga niya 'yan sa baga niya. ANG YABANG MO TALAGA..

'Nang biglang namatay ang ilaw sa buong silid, ako naman itong nag-panic, Hala! ANONG NANGYARI?

"C-Chase, b-bakit nakapatay 'y-yung i-ilaw?" nauutal na tanong ko sa kaniya.

"Just enjoy the show.." tanging wika niya, nagsimula 'nang maging dugo dugo ang pinapanuod namin.

Ako naman itong hindi maka-galaw, jusko, sana pala hindi na ako pumayag! WAA!

'Nang biglang may lumabas na multo sa screen kaya napasigaw ako, "WAAA!" hindi ko mapigilang magtaklob 'nang kumot pero dinig na dinig ko pa rin ang mga sound effects.

'Nang mapansin 'kong nakatingin lang sa akin si Chase, I was confused kasi parang sa akin lang siya nakatitig. Tapos ako rin naman 'tong tinitingnan siya 'kung nakatingin siya sa akin. Okay, this is getting so awkward.

At 'nang biglang lumakas ang volume, "WAAA!" sigaw ko kasi may nakita akong nadun sa screen kaya nagtakip na ako 'nang tainga, ayoko na!! Paalisin niyo na ako sa impeyrno kasama ang mayabang na 'to, please?

***

Ms. Nerd Meets Mr. Yabang (Revising)Where stories live. Discover now