Chapter 13

2.6K 92 2
                                    

Chapter 13: Caldereta

Chase:

Naglalakad-lakad lang ako sa park nang makita ko si Avianna sa park. Nagtataka naman ako kasi nasa bench siya kung saan ko inamin na may gusto ako kay.. Uhm..

Nilapitan ko naman siya, "Gabi na ah? Andito ka pa rin." nakita naman niya ako kaya binigyan niya ako nang space sa upuan.

"Wala lang, nagpa-pahangin lang.." sabi nito habang nilalaro ang mga daliri." tumango naman ako sa sinabi niya.

Nakatingin lang kami sa langit at tila pinagmamasdan ang magandang langit at nguminingning na bituwin.

"Gutom ka na ba?" tanong ko sa kaniya, tumango naman si Avianna.

"Halika, may alam akong lugar.." at hinila ko siya mula sa upuan. Sinundan naman niya ako kung saan ako pumupunta.

Tumigil kami sa isang restaurant at agad naman din kaming pumasok. Nakita ko si Avianna na halos manghang-mangha sa nakikita niya.

Ngayon lang ako nagsama nang babae dito sa restaurant na to. Si Avianna lang tska si ano.. Argh! Ayokong sabihin ang pangalan niya.

Binigyan naman kami nang puwedeng ma-upuan, "Anong gusto mong i-order?" tanong ko sa kaniya, "Kahit ano." nakangiting sagot niya. Tumango na lang ako.

Agad naman ring nai-serve sa amin ang pagkain namin. Caldereta ang in-order ko.

"Waa!! Calderetaaa!!" excited na excited na wika ni Avianna.

"P-paburito mo ba ito?" tumango tango naman siya, "Since highschool pa!" tapos agad niyang nilamtakan ang caldereta.

D-Did she say.. Since highschool?

Hay, naaalala ko noon na gusto rin ni.. 'Yung cladereta.. Favorite na favorite niya iyun at kapag nakakita siya 'nun ay 'yung mga mata niya ay biglang liliwanag at para 'bang manghang mangha siya sa pagkain.

"Wow! Caldereta my favorite! Thank you talaga, Chase! Your the best boyfriend in the whole entire world!" habang yakap yakap niya ako.

"Love you." nakangiti 'kong sabi sa kaniya.

"I love you more." wika niya at sinimulan na naming kumain.

Gayundin si Avianna, kuhang kuha pa niya ang reaksyo ni.. --

"Chase, hindi ka pa ba kakain? Ang sarap kaya nito? Gusto mo?" alok niya sa akin. Natulala ako sa sinabi niya.

Habang nakain kami, ni hindi ko maigalaw 'yung pagkain ko dahil nga'y aalis na ako 'nang mga oras na iyun. Ito na lamang ang araw na makakasama ko siya, mamimiss ko siya dahil ngayong araw ko nalang siya makakasama.

"Chase? Bakit hindi mo manlang ginagalaw 'yung pagkain mo, masarap 'tong cladereta, gusto mo?" tanong niya sa akin habang susubuan na niya ako 'nang cladereta.

Gahd! Para akong bakla talaga, hindi ko talaga magets eh. Bakit ganun? Kuhang kuha niya ang galaw niya tapos nakukuha pa niya ang reaksyon ni Avianna sa kaniya. Aish! Ang gulo na talaga 'nang mundo!

Umiling nalang ako sa alok ni Avianna at tinuloy ang pagkain ko. Imposibleng maging siya si Avianna.

Avianna:

Ang sarap talaga 'nung Caldereta! Halos nakadalawang dangkal ako 'nang kanin samantalang 'tong si Chase ay tulala at hindi manlang ginagalaw ang pagkain. Ang wierd nga eh.

At syempre, treat niya 'to, inenjoy ko na ang pagkain ko at nabusog naman rin agad ako at uminom 'nang tubig.

"Uwi na tayo.." biglang sabi niya sa akin 'nang ikagulat ko.

"O-Okay.." ang tangi 'kong sagot sa kaniya. Ano 'bang problema 'nang lalaking 'to? Kanina ang bait bait niya tapos ngayo'y namumutla na. Abno talaga 'tong ugok na 'to. Hayst.

Walang umimik sa amin 'nang maka-uwi kami sa bahay ko, hindi manlang siya tumingin sa akin or what. Asa ka naman na titingnan ka niyang Chase na 'yan.

Kumaway naman ako sa kaniya pati naman siya ay ngumiti lamang. Problema ba 'nun? Siguro napipi na 'yung bibig 'non. Hayst. Bakit ko ba prinoproblema 'yun? Slave lang niya ako at hindi ko dapat inaalala 'yun kasi baka personal na bagay 'yung iniisip niya.

Tapos kapag tinanong ko baka mainis lang agad 'yun. Binale wala ko nalang 'yung nasa isip ko at pumasok sa bahay. Tulog na sila mama't papa kaya dahan dahan lang akong pumunta sa kuwarto ko at natulog.

Rose:

Time check, 10 P.M.

Marami akong ginagawa kasi bukas, may surprise ako para kay Avianna. Nagbabalot na ako 'nang mga gifts ko para sa kaniya, sa 14 na kasi ang birthday niya kaya kailangan ko 'nang maghanda para sa regalo niya. I know, I know. Ang tagal tagal pa 'nang birthday but hey, special kasi ito para sa kaniya kaya nag-iipon ako. Atsaka baka magtanong kayo 'kung pano ko nalaman ang birthday niya? She said it.

"Kailan pala ang birthday mo, Avi?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa room.

"H-Huh? S-sa Febuary 22 na eh.." nahihiya niyang sagot.

"Ay hala, ilang buwan nalang pala 'no?" tumango naman siya.

At dahil 'doon, pumunta ako sa France para dumalaw sa wedding 'nang tita ko, at habang andun pa kami, bumili ako 'nang mga regalo para kay Avianna.

Sana nga'y magustohan niya ito kasi lahat 'nang 'to ay para sa kaniya lamang. Tinulungan naman ako 'nang kaibigan niyang si Michelle, well.. Madali ko naman siyang nahanap kasi 'nung last time kasi, pumunta ako sa bahay nila Avianna and Michelle was standing there, tinanong ko naman 'kung sino siya at sinabi niyang best friend niya si Avianna kaya napag-isipan ko na sana puwede siyang sumali sa surprise ko at agad naman siyang sumang-ayon sa plano ko.

Susurpresahin namin si Avianna bago umalis si Michelle 'nang Pilipinas. Kaya nga'y excited na ako sa plano ko eh. Sana magtagumpay eh.. Hayst.

***
[[Edited Version]]

Ms. Nerd Meets Mr. Yabang (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon