1

46 1 0
                                        

Kambal..

"Andi.."

"Matt ! " Masigla kong bati sa aking kasintahan..

Niyakap ko siya ng mahigpit. Di ko akalaing makakapunta siya. Paano ba naman isang linggo na kaming di naguusap. Mabuti na lang at mukhang maayos na kami. Nakapunta siya e.

"Andi, may sasabihin sana ako."

"Ako din may sasabihin sayo, Matt" ngumiti ako.

Sinong di mangingiti? E nalaman ko kagabi na buntis pala ako? Magiging Daddy at
Mommy na kami.

Kaya lang yung sumunod na narinig ko.. Yun yung dumurog sakin..

"Andi, magbreak na tayo.." malamig na sabi ni Matt

"You're joking, right? Matt? Di ba joke lang yun?" wag kang iiyak Andi. Makakasama yan sa bata.

Bata.. Paano na yung magiging anak namin?

"Matt! Ano ba?! Sagutin mo nga ako!"

"I can't be with you anymore ! Celestine Andrea tama na ayoko na!"

Celestine Andrea... Sabi niya tatawagin niya lang akong Celestine Andrea kapag di na niya ako mahal.. Kapag ayaw na niya..

"Then give me a reason! WHY?!" wala na umiiyak na ako.. Desperado ako na makakuha ng sagot mula sa kanya.

May lumapit na maputing babae.. Maganda siya at kay Matt lang siya naka tingin. Sino to? Siya ba? Tumingin ako may Matt.

"Baby ! Nacongratulate mo na ba yung friend mo?" sabay halik nung babae kay Matt.

Pinunasan ko yung luha ko at ngumiti..

"Oo, baby. Zhai meet Celestine Andrea, Celestine meet Zhaireene. Girlfriend ko." damn ang sakit..

Bakas sa mukha ng babae na parang kilala na niya kung sino ako..

"Hi Celestine! Ako yung girlfriend ni Matthew. Sana naman wag ka na manggulo. One month palang kami pero pinagmumulan na ng away namin yung pag tetext mo." One month.. Ha-ha

"Makakaasa ka." atsaka ako lumakad palayo..

"MOMMY! WAKE UP!" nagsing ako sa sigaw at yugyog ni Leigh.. I groaned..

Oh shit?! After ilang years naalala ko na naman ang pangyayaring yun? Tsk..

"Mommy, I want pancakes. Please?"

"Okay baby" sabay ngiti ko sa kanya..

"Mommy? Gisingin ko na po muna si Allen. Para lahat tayo mag cook ng pancakes."

"Yeah, sure baby.."

Yes.. Kambal ang anak ko..

Allen James and Jeanne Alleighna

Mag tatatlong taon na sila kabirthday pa nila ang taong yun..

Bumaba na ako at nag handa na ng almusal namin..

Wala naman akong gagawin ngayon. Bukod sa maayos na kasi ang negosyo ko, dahil inaasikaso ng mga tauhan ko ay wala na akong dapat alalahanin.

Isa pa mayaman naman ako kahit di ako magtrabaho.. Well naglalagay ng pera ang mga magulang ko sa account ko at ng dalawang bata. kada kita naman ng bakeshop ko ay napupunta sa account ko at ng kambal. So bakit pa ako magtatrabaho?

"mommy?"

"Yes po, baby?"

"May tao po sa pinto."

"Sino baby?"

"Tito Fhil with Tita Lyn uhm.. Mommy all of your friends are here including Tita Arem (RM)" ahahaha di niya talaga masabi lahat ng pangalan nila..

Ano kayang ginagawa nila dito?

Pinagbuksan ko muna sila bago bago nag tago ng mga plato.

"Celestine ! Oh my gosh ! Mag mall tayo ! Ngayon lang kami nagka free day e." Rose Mae na yakap yakap ng asawa niyang si Francis

"Oo nga ! Tara na namiss ko na tong kambal e" Toni o si Anthony kaibigan kong bading

"Tseh! Tuturuan mo lang humarot si Leigh e !" Louie Jay at Lyndsy sabay tawa nila

"Tama na yan mag aaway talaga kayo sa harap ng bata?" Fhil Andrei bestfriend ni Louie Jay

"Ang totoo niyan balak ko talaga sanang umalis kami ng mga bata.." sabi ko sa kanila

"At talagang di mo man lang kami binalak isama?!" RM, Lyndsy at Anthony.

"Hey, stop shouting at my mom!" Allen

"Allen, no. They are just kidding." Sabay yakap na paiyak ng si Allen.. See? Mukha lang talaga nakuha niya sa taong yun.. Yung iba ewan ko kung saan hahaha di rin naman kasi ako mabait.

"Ang sweet naman ni AJ"

"Maliligo lang ako tapos alis na tayo. Ang plano ko kasi planuhin at bilhin na yung mga kailangan para sa third birthday nila.."

Paakyat na ako ng biglang nagsalita si RM

"Did you tell his parents? I mean kahit sa kanila lang?"

"No. Ayoko. Pinili niya yun kaya dun na lang siya. I won't take the risk to tell his parents and expect them to keep it a secret."

At saka ako umakyat para magayos na..

Bakit pa? Masaya naman kaming tatlo na wala siya..




Far AwayWhere stories live. Discover now