[/]Passenger's Necklace

Start from the beginning
                                    

Kanina ko pa hinahanap sa bag ko yung kwintas pero di ko talaga makita. Paano ako magpapaliwanag pag nagtanong si Sunny?

Naglakad na lang ako papasok sa Hospital at kinakabahan na pinuntahan ang kwarto ni Sunny. Nag iisip agad ako ng maidadahilan ko sa kanya. Pagkapasok ko nakita kong nagbabasa ng libro si Sunny, ng mapansin niya ako. Agad siyang ngumiti.

"Ate! Buti po dumating na kayo, sayang hindi niyo po naabutan si Dr. Myung, medyo kakaalis niya lang din po eh, ate?"

Bigla akong natigilan, baka napansin niyang hindi ko suot.

"Ano po yang dala niyo? Prutas?"

"Ay oo nga pala, binili muna kita nito kasi alam ko na paborito mo ito, gusto mo na bang kumain? Ipagbabalat kita."

"Uhmmn, sige po ate. Ahh, ate? Pwede po bang samahan niyo akong magpunta sa rooftop? Medyo na mimiss ko na po kasi na makapanuod ng sunset eh."

"Ah ayun lang ba? Sige, sasamahan kita, sa ngayon ay kumain ka muna."

Ngumiti siya at nag nod, nakahinga ako ng maluwag buti na lang at hindi niya napansin na wala yung necklace sakin. Pinagbalatan ko siya ng mansanas at mangga. After nun, ay dinala ko na nga siya sa rooftop dahil hapon na. Gusto niya talagang mapanuod ang sunset dahil yun ang isa sa mga paborito niyang gawin.

"Alam mo ba ate, yung kwintas na binigay ko sa yo meron yung lucky charm."

Natigilan ako bigla, at kinabahan. Hindi ko maipakita yung necklace kasi nga wala sakin.

Hindi ako tiningnan ni Sunny at hindi din siya nagtanong kung asan yung necklace. Patuloy lang siya sa panunuod ng sunset.

"Ang sabi nung tindera na pinagbilhan ko nun, kapag daw ang kwintas daw na yun ay nawala, magkakaroon ito ng kapalit, makikita mo daw yung lalaking makakasama mo sa habang buhay kapag naibalik sa iyo ang kwintas bago lumubog ang araw."

Nagulat ako, kaya ba niya binigay yun sakin ay dahil....

"Alam kong naiwala mo ang kwintas ate, sana bago lumubog ang araw ay maibalik yun sayo dahil kung hindi, habang buhay kang sawi sa pag ibig."

Napangiti ako sa sinabi ni Sunny at the same time, kinabahan. Paano kung hindi maibalik edi malas ko?

"Sunny, nandito ka pala sa rooftop." Napatingin ako sa lalaking tumawag kay Sunny.

"Dr. Myung. kayo po pala. Tapos na po ba kayo sa work niyo?" Lumapit yung lalaki samin at...

nagkatinginan kami.

"Ikaw yung sa bus diba?" Sabay namin sabi.

Napatango ako.

"So you must be Naeun, yung kinikwento sakin ni Sunny. Hi its nice to meet you."

Inabot ko yung kamay niya at nakipag shake hands, bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

"Oh wait." May kinuha siya sa bulsa niya at nagulat ako pati si Sunny nung ilabas niya yung necklace. " I think, its yours." Napalunok ako at saka ko kinuha yung kwintas.

"Yes, this is mine."

"Nakita ko yan sa bus kanina. Nahulog mo ata."

"Ate! Its Dr. Myung! Yay! Knikilig ako!!!"

Ewan ko ba pero bigla akong nag blush.

"Thank you."

Yun na lang ang nasabi ko. Ngumti lang siya sakin.

Makalipas ang ilang araw. Naging close kami sa isa't isa at sabay namin pinapasyal si Sunny. Hanggang nung isang araw.

Binawian ng buhay si Sunny, nakakalungkot pero kailangan naming tanggapin.

Gayunpaman, nagpapasalamat ako kay Sunny dahil siya ang dahilan para makita ko ang lalaking makakasama ko sa buhay, si Myungsoo.

~End




~



Salamat sa mga nagbasa. ^_______________^




Comment and Vote lang po!





MhizzEmina <3

One Shot Stories of APinkWhere stories live. Discover now