Hindi pa ako tuluyang nakapunta sa gilid eh nasagi naman ako nung isang kasamahan ni Mr.nabangga-ko-kanina dahilan para mapa-upo ako sa damuhan. "fuck." sabi pa nung lalaking nakasagi sakin sabay pagpag sa braso n'ya kung saan nagdampi yung balat namin. Nakatingin lang s'ya sa harapan, hindi man lang n'ya tiningnan kung sino yung nasagi n'ya, nagpatuloy na sila sa paglalakad.

Mukhang wala na ata akong planong tumayo kung di ko lang narinig yung tawanan sa paligid. Tumayo agad ako at hinayaan ang paa kong dalhin ako kahit saan. Napunta naman ako sa isang garden, wala akong ideya kung saang part ng school 'to basta walang tao okay lang.Hindi talaga ako hilig makipagsalamuha ano?

Umupo na ako sa malapit na bench. Kaya nga ako lumipat ng school diba? For a new life? Ang daming problema sa dati kong school. Akala ko magiging maganda tong school na 'to di pala.

"Bakit sila ganun?" kinausap ko yung sarili ko, naalala ko lang naman kasi yung nangyari kanina. Napa-iyak tuloy ako, self-pity maybe?

"Miss?" napalingon ako sa nagsalita.

"Bakit?" tanong ko dun sa babaeng tumabi sa'kin. Akala ko ba walang tao.

"Okay ka lang?" tanong n'ya sakin. Ano sa tingin n'ya. Never talk to me when I'm depressed or sad or anything like that.

"No! Just leave me alone!" tapos tinulak ko s'ya. FYI, I'm depressed right now.

"Ikaw na nga yung sinasamahan, Ikaw pa yung nagagalit! Kapal mo!" at ayun, umalis na s'ya.

Ilang minuto pa ang nakalipas at narinig kong nag-ring na yung bell, kailangan ko pa palang dumaan sa bulletin board!

"Section 3A" sambit ko habang nakatingin sa information section ng bulletin kung saan nakasulat ang designated sections ng mga estudyante. Inabot pa ako nang 10 years--deh joke lang, tawa naman kayo *clap* *clap*. Ayun nga inabot pa ako ng ilang minuto para mahanap yung sectiom 3A, new student right?

"Oh look we have a winner for first placer in being late for the first day of class." salubong agad nung teacher sakin pagkabukas ko nung pinto. "So what's your name?" tanong n'ya sakin, nakatayo parin ako sa pintuan.

"Audrey Delos Reyes po." bulong ko sa kanya, kumunot naman yung noo nung teacher, nagtataka siguro s'ya kung bakit ko binubulong, maybe she's thinking I'm a jerk.

"I can't hear you..LOUDER!" naka-caps lock na sabi n'ya.

"AUDREY DELOS REYES PO MA,AM!" kung marunong s'yang gumamit ng caps lock, ganun din ako!

"Okay take your seat." Pina-upo na rin ako ni Ms.malaki-ang-forehead. Kaya dumiretso na ako dun sa second to the last row kasi yun nalang yung may extra seat, as usual nasa harapan ang mga nerd-where I belong while yung mga matitigas yung ulo sa likod at dahil wala nang extra chair sa harapan, kailangan kong umupo sa tabi nung mga NASA LIKOD.

Nakatungo akong umupo sa upuan or not. Nung uupo na kasi ako imbes na sa upuan ako maglanding, sa sahig tumama yung butt ko (wow, sosyal butt, di ba pwedeng pwet nalang?)

Nagtawanan naman yung mga nasa likod. tumayo ako sabay lingon sa likod. Talk about luck.

Mr.nabangga-ko-kanina AKA Marc guy...with companies.

"Quiet there."sigaw naman ni Ms.malaki-yung-forehead nang hindi man lang lumilingon.

"sorry ma'am, may tanga kasi dito, di man lang maka-bulls eye sa pag-upo." sabi ni Marc sa teacher namin na kasalukuyang nagsusulat sa blackboard. Tch, if I know, hinila nila yung upuan ko, ba't ko alam? Observant lang talaga ako. Inayos ko na yung upuan ko at umupo na. This time hindi na ako sa sahig magla-landing!

"Okay, copy this." Sabi ni Ms.Malaki-yung-forehead na ang pangngalan pala ay Ms.Viloria. Nalaman ko kasi observant nga ako remember? "Copy your requirements." sabi n'ya ulit.

Kinuha ko na yung notebook at ballpen ko at nagsimula nang mag-copy.

"Pare, may ballpen ka?" tanong ni Marc sa lalaking katabi n'ya.

"Wala bro." sagot naman nung lalaki. Grabe first day of school walang ballpen. What do you expect from guys like him?Ang yabang-yabang, wala naman palang ballpen.

Time for revenge. Dahil marami akong extra ballpen, kinuha ko yun lahat at siniguro ko talagang makita n'ya lahat ng yun. At dahil nasa likod ko s'ya, kitang-kita n'ya yung mga ballpen na hawak ko. Through my peripheral vision (choss) nakita kong may binulong s'ya sa katabi n'ya sabay turo sakin.

"Miss, pwede manghiram ng ballpen?" tiningnan ko yung ballpen na hawak n'ya. Ba't kailangan pa n'yang manghiram sakin kung may ballpen naman s'ya? Alam na naman natin sagot dyan diba?

"No." pinilit pa rin n'ya ako pero hindi ako pumayag.. Binaling ko yung tingin ko kay Marc. "Kung gusto mong manghiram, why don't you ask me personally, hindi yung iba pa yung inuutusan mo."

Nag-tsked lang s'ya tapos umiwas ng tingin..haha. Sweet revenge.

The Possessive HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon