Chapter 8

4.4K 107 0
                                    

"You ok?" natauhan ako sa tanong ni Daddy sakin pati si Calvin na nag babasa ng newspaper ay nakatingin na sakin

Napa lunok ako ng napagtanto kanina pa pala sila nakatingin sakin

"Yeah. I'm fine"

"Oh kung ganun, dalian nyo na dyan at baka malate pa kayo"

Tumango nalang ako binilisan ang pagkain

"What happened yesterday?" tanong ni Calvin ng nakapasok na ko sa front seat

"Huh?! Ahh.. Nothing I'm just exhausted, maybe" hindi ko siguradong sagot

Baka mamaya pagnalaman nyang nahalikan ako kahapon, ano nalang ang isipin ng isang to?! Na malandi ako?

Bumaba na ko ng kotse nya matapos nyang i-park ito

As usual hindi kami mag kasabay mag lakad mas nauuna sya

"What's with the mood, atengs?" Tanong ni gabby pagka upo ko

"Ayos ka lang ba? Ano buntis ka na?"

Umiling ako sa tanong ni luisa

"O? Bat parang namatayan ka dyan?" Tanong ulit ni Gabby

Sasagutin ko na sana ng iniluwa ng bagong bukas lang ng pintuan namin si Jack together with Galung gong na anak ng may Ari ng school

Tumingin sya sa pwesto ko

Nag iwas tingin ako dahil hindi ko parin makalimutan ang kawalanghiyaan na ginawa nya sakin kahapon

Kahit na accident lang yun.

"O? Nàndyan na pala boss mo o" tukso ni Luisa

"Boss? Bossabos kamu! Kapal ba naman ng libag ng hinayupak na yan tsk.."

"Ahahhahahaha" nag tawanan nalang silang dalawa na dahilan kong bakit mas lalong nag init ang ulo ko

Pumasok na si Prof. Rios kaya nag sibalikan na ang lahat sa kanya-kanyang pwesto

"Ok class! This week mag kakaroon tayo ng Field trip sa Palawan! For 3days and 2nights"

"Yeeeees!" Hiyawan ng mga classmates ko

"But before that kailangan nyong mag copy ng 15 pages sa libro as a handouts dahil wala tayong klase para sa fieldtrip nyo!"

"Booooh!!! Sir naman ehhh!" Reklamo naman ng mga kaklase ko

"Anong gusto nyo nag leleksyon ako sa kalagitnaan ng fieldtrip nyo?"

Walang nagawa ang mga classmates ko kundi sumunod

"Yow secretary!" Tawag ni Tristan at alam kong ako iyon

"ano?" Nanggigil kong tanong

"You heard him, copy 15 pages for me"

"What the! Ayoko nga?"

"Ms. Cruz!!"

"Sorry po sir"

"What's the problem?"

"Ah sir si.. Si Tristan po kasi inuutusan akong sulatan daw sya ng...

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sumingit na agad si Mr. Rios

" Diba yan trabaho mo?"

"Huh?" Naguguluhan kong tanong

"Napag meetingan kahapon na ikaw ang bagong secretary ni Mr. Montelegro, kaya wala ka ng dapat abalahin sa pabagsak mong grades"

What the!

Umalis na si Mr. Rios sa harapan ko pero di ko parin ma absorb ang sinabi ni sir

So nakarating na ito sa owner ng school?

"Oh? Umpisahan mo na" Utos ng walang hiya

This is insane!!!!

~~~~
Author's note

Sorry maiksi tomorrow ang update ulit
By the way please support my story

Helplessly in love
Vote rin po kayo😝

Secretly Married to A campus Ice PrinceWhere stories live. Discover now