Pilit ko ng pinapatay ang anumang nararamdaman ko kay Kyle simula ngayon, pero ano tong ginawa ng Daddy niya? Balak ko na kasi siyang iwasan ngayon pa lang pero syempre, hindi ko yon ipapahalata at hindi kailangang maapektuhan ang trabaho ko. Pero eto, pinalalapit pa yata ako ng tadhana sa damuhong lalaking yon! Hindi ko maiwasang mainis! Bakit kasi siya pa?! Ang dami-dami namang iba dyan! Bwisit! At imposible namang maabot ko tong bilyonaryong to. Hamak lang na bodyguard ang turing niya sakin.

Gusto kong mapailing sa ideang yon. Of course, Maiah. Huwag kang magfeeling na special ka. Hindi ka sinuswerte. Oo na, kahit kelan naman talaga, mailap ang swerte sakin. Ang kaligayahan. Hindi ko nga alam kung may kaligayahan nga ba talaga ako sa buhay. Parang kinuha na kasi sakin lahat, kahit na nagpapakabait naman ako.

"Sir... I really don't---" I tried, again.

"Maiah... As if naman magpapaunder ka sa anak ko. I know kaya mo si Kyle. I didn't do this para ma-provoke ang anak ko. Ang ma-tempt siya sa yo. All I want is, to treat you right. Yun lang naman, anak. Kaya huwag ka ng tumanggi. That's okay. Kung iniisip mong nakakahiya, no. It's really okay. I insist, hija. Please." pilit ng matanda.

Shit naman o! Ano ba naman to? Pwede bang makipagpalitan na lang kay Tony? Umaarte pa ba ako? Pero ayokong makita ang pagmumukha ng lalaking yon.

Laglag ang balikat ko.

***

Mabigat ang mga paa ko na umakyat sa hagdan ng mga oras na yon. It's 11pm. Mr. Martin leave me no choice. Dala ang laptop, marahan kong pinihit ang pintuan ng kwarto ni Kyle.

And there I saw him. At topless na naman. Kung hindi ko lang niremind ang sarili ko na galit ako sa lalaking to, baka magdamag na akong nakanganga.

He's wearing another pajama this time, without wearing a shirt. And he's actually busy with his laptop on his lap, not knowing how he looks so hot right at this moment.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa abs niya na naiipit habang nakaupo, pero napakaganda pa ring tingnan. Ito yung tipo ng abs na nakakaadik tingnan. Ang sarap laging titigan.

May abs din naman si Tony, at yung ibang mga lalaking kliyente ko, pero itong abs lang yata nito ang kinahumalingan ko.

Oh shit. Talaga bang inamin ko na sa sarili ko na baliw na ako sa kanya? Noo! Oo at may nararamdaman ako, pero hindi ako baliw! Ayokong mabaliw sa isang tulad ni Kyle Joseph Martin at ngayon din mismo, papatayin ko na kung ano mang meron ang puso ko para sa kanya.

"Maiah?" at parang doon lang rumehistro sa utak ko ang boses niya.

Agad akong napakurap at natingnan siya. He's looking at me intently, and at the same time, smiling coyly.

Shit. For sure he will assume that I'm drooling over his body. Naramdaman ko na lang na nag-init ang mukha ko.

"Pwede ka namang pumasok. Don't worry, hindi na ako magdadamit para magsawa ka sa katawan ko." mapang-asar na sabi nito.

Just what I thought. Ang yabang-yabang talaga. Kung sapakin ko kaya siya? Hindi porke't gwapo at maganda ang katawan niya, gaganyan-ganyan na.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok sa kwarto niya, at agad dumiretso sa kama na nakalaan para sa akin, gaya nga ng sinabi ni Mr. Martin.

Agad akong naupo, at tumalikod sa gawi niya saka nagsimulang magtrabaho gamit ang laptop ko.

"I'm happy that you're finally here."

Well I'm not.

"Pero mababantayan mo ba ako kung nakatalikod ka?"

I still can.

"Baka naman attracted ka lang talaga sa abs ko kaya ka tumatalikod. Tell me, Maiah... Ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong abs? Parang shock na shock ka kasi." and he laugh softly.

For your information, may mas magandang abs pa kesa sa yo, no. Napakayabang. Ihulog kita sa bintana, eh.

"Maiah naman. Di pa rin ba humuhupa yang galit mo ? Kelan ba tayo magbabati? Kausapin mo naman ako, o." but I keep my mouth shut. I keep on ignoring him.

At naging busy na yata ako sa pagreresearch kaya hindi ko napansing, lumapit na pala siya sa kama ko na hindi kalayuan sa kanya at naramdaman ko na lang ang paggalaw ng kutson, dahilan para maramdaman ang pagtabi niya sakin. Agad akong napalingon, at napakunot ang noo. Utang na loob, Lord. Pwedeng pakilayo naman tong nakakainis pero ubod ng gwapong nilalang na to? Hindi na tumigil yung puso ko sa pagtibok ng mabilis.

"Maiah naman..." at inayos niya ang laptop niya na nakapatong sa mga hita niya.

"Ano ba ?... Why don't you just sleep? You're distracting me and I do have a lot of things to do. If you want to work, do it on your bed. Ang laki ng kama mo, huwag kang sumiksik dito."

"Bakit ba ang sungit-sungit mo? Are you having your period that's why you're acting this way? Ako na nga ang nakikipagbati, bakit ba napaka-arte mo pa?" nakangusong sabi niya.

"Hindi ako nag-iinarte. Huwag ka kasing manggulo. Dun ka na, nakakaistorbo ka, eh. Kung wala kang magawa, maghanap ka ng mapagaaksayahan ng oras mo, huwag ako."

Nagshower na ba to? Bakit ang bango-bango niya? Parang ang sarap amuyin ng buong katawan.

"Why are you suddenly blushing?" and I see his boyish smile.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Dahil ang sexy mo, ang gwapo mo, pero ang yabang mo! Pero hindi ko narealize na namumula na naman pala ako. Not until he noticed.

"Naha-high blood kasi ako sa yo. Kaya umalis ka sa tabi ko."

And I hear him laugh. Ayoko ng mag-angat ng mukha at tingnan siya dahil baka lalo lang akong mamula.

Aba't! Nananadya ba talaga to? At talagang umusog pa palapit sakin at ramdam ko na ang mainit at makinis niyang braso. Ang lakas naman ng aircon pero bakit ang init init sa pakiramdam?

"Alam mo, kung hindi lang kita bodyguard, at kung simpleng babae ka lang... Iisipin kong may gusto ka sakin."

My BodyguardTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang