Hinawi ko ang laptop sa ibabaw ko at nahilamos ang dalawang kamay sa mukha ko. I knew it. It's really a bad idea talking to her. Walang magandang maidudulot sakin ang pakikipag-usap sa kanya.

Wala siyang karapatang sabihin sakin ang lahat ng yon. Wala akong ginawang masama. Wala akong ginawang mali. Wala akong kasalanan.

At muli akong napabuntong-hininga.

***

MAIAH

Nalapitan ko si sir Kristoffer sa sala na umiinom ng kape at nakaharap sa laptop niya. Halatang nagtatrabaho ito.

"Sir?" basag ko sa katahimikan.

Nagtaas siya ng mukha at nangitian ako pagkatapos. Nginitian ko naman din siya. Sana talaga, nagmana na lang ang anak niya sa Daddy niya. Tutal naman, magkamukha sila.

I really don't know kung saan nakuha ni Kyle ang ugali niyang daig pa ang nagmemenaupause na babae sa bilis na pabago-bagong ugali nito.

"Maiah, hija. You're here. Sana hindi kita naistorbo?" tanong niya.

"No it's okay. I'm just doing some research bu Tony told me that you wanted to talk to me." pinatawag niya kasi ako kay Tony at may sasabihin daw siya sakin.

"Oh okay. That's great. Don't worry, this will be very quick. I just wanted to say, thank you so much for saving Kyle from last time. I know you're only doing your job but still, I should've thank you, hija. I don't know how you do it, but I am in awe to you. Babae ka, pero ikaw na yata ang pinakamagaling na bodyguard na nakilala ko..." at nginitian ako. Bigla naman akong nahiya. I'm used to hearing this kind of compliments since my first assignment, pero bakit ngayon, parang nahiya ako sa pagkakapuri ni Mr. Martin?

But I manage to smile back at him.

"...That's why, I'm going to make it into 400,000 hija."

At nanlaki ang mga mata ko? What?! 400k every month?! Wow, seriously he's a billionaire. Pero bakit? 300k nga, sobra-sobra na sakin.

"Sir, I'm sorry. But I think that's too much. Huwag na po. Isa pa, wala pa nga po kaming lead kung nasaan ang mga sindikato. Everything is too much, Mr. Martin. You don't have to increase the compensation." tanggi ko.

Natawa ang matanda. "Ikaw lang yata ang tumanggi sa ganitong offer."

"That's because I didn't need that kind of money. Everything is enough for me, sir."

Mataman niya akong tinitingnan habang nakangiti. "Wow... You're exactly different from the others. But anyway, the second thing is not something I wpuld like to offer. It's more like an order that I need you to follow, Maiah."

Tumango ako. Ano naman kaya yun?

"Napaayos ko na yung kwarto ni Kyle. Nagpabili ako ng isang kama para sa yo. Since you have to guard my son 24/7, nagpalagay na ako ng kama malapit sa kanya. Hindi naman sobrang lapit. Pero alam ko naman kasing bago pa makagawa ng kalokohan ang anak ko sa yo, mauunahan mo ng balian ng buto..." at natawa siya.

Napanganga ako. Like, seriously? Isang kama sa loob ng kwarto ni Kyle Joseph Martin? Oh my... Hindi dapat mangyari to.

"Ah sir... Hindi mo naman po kailangang gawin yon. Hindi naman po ako matutulog, eh. May mga gagawin din po kasi akong trabaho habang nagbabantay sa kanya."

"No. Ayoko nang maulit yung nangyari noon, na nakahiga ka lang sa couch gaya ng kwento mo samin. You shouldn't be treated like that. So, sige na. Huwag ka ng tumanggi. And like what I've said, it's an order. I'm not giving you any option to disagree."

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon