PACIFIED FEELINGS

Magsimula sa umpisa
                                    

       Araw ng Disyembre noon nang maisipan kong magliwaliw. Wala naman kasi sina mama sa bahay, alam niyo kung bakit? Magulang kasi sila. Magulang ang mga magulang ko. Nang dahil sa pagkatao ko bigla na lang silang nagbago. Saka, kapag nasa loob ako ng bahay, wala naman akong ibang naiisip kung hindi ang magpakamatay. Masyado bang morbid? Sorry ha.

       Bakasyon lang din naman kaya inisip kong pumunta sa tabing-dagat. Mas kumakalma kasi ang isip ko kapag naririnig ko ang tunog ng alon. Nakakapagkalma ng isip. Ang bawat sampa ng alon ay tila ba isang tapik mula sa kaibigan na nagsasabing "Kalma ka lang." Ang pangit nga lang sa mga oras na ito ay medyo mainit dahil sa sinag ng araw kahit pa Disyembre na ngunit isinantabi ko na lang ang bagay na iyon. Paglipas ng ilang oras, doon ko na lang namalayan na mayroon na palang payong na nagbigay sa akin ng lilim. Masyado ata akong natangay sa kawalan na hindi ko naman namalayang tirik na tirik na pala ang araw. Si Paolo pala, hawak ang payong na pula. Hindi ko maiwasang titigan siya sa mga mata niya; sa makakapal niyang kilay, sa mukha niyang walang bakas ng tighiyawat at sa mapupula niyang labi; sa mga labi na nabibigay  ng matamis na ngiti na siyang dahilan ng pagkabulabog ng aking puso.

       "Mukhang may malaking problema ang bestfriend ko, ah!," sabi niya sa akin saka umupo sa tabi ko at umakbay. Ayan na naman siya. Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkatabi ng ganito kalapit mula nang maging sila ni Sheena.

      "Para namang may bago," sagot ko sa kanya na nakaharap sa dagat. Pucha! Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Natatakot ako na baka bigla ko na lang siyang halikan.

      "Tara, kain tayo, kanina ka pa nandito. Mabuti na nga lang nakilala ko yang istilo ng buhok mo kung hindi, hindi sana kita lalapitan," sabi pa niya.

      Kaya pala, salamat sa buhok ko. Tumayo na lang ako para malaman niyang sasama ako sa kanya. Gutom na din naman ako at gusto ko din naman siyang makasama.

      Nakaka-ilang hakbang na ako ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya. "Akala ko ba kakain tayo?," tanong ko sa kanya. Nakita ko namang ngumiti siya saka naglakad na papalapit sa akin. Naku naman! Diyan tayo napapahamak sa mga ngiting iyan, eh!

      Nang sabay na kaming naglalakad, tinanong ko siya kung saan niya ako balak pakainin. Aba! Siya ang nagyaya kaya dapat libre niya, pero ang totoo niyan, eh, wala akong dalang pera.

      Hinawakan niya ako sa kamay saka hinila malapit sa isang cottage na parang canteen ilang metro ang layo sa tabing dagat. Habang hila niya ako habang nakahawak sa kamay, hindi ko maiwasang alalahanin ang mga alaala namin nung mga bata kami. Holding hands while running! Natuwa ako sa sarili kong ideya.

       Gaya noon, ramdam na ramdam ko ang tila malilit na kalyo sa kamay niya. Napangiti na lang ako ng palihim. Isa na rin kasi yun sa nagustuhan ko sa kanya, likas na ata ang kasipagan niya.

      Namalayan ko na lang na nasa harapan na pala kami ng isang mesa saka nakahain na rin ang mga pagkain.

      "Wow! Adobo!!!" bigla kong sigaw. Sa dami ng nakahain na ulam, yung adobo lang ang nilantakan ko. Wala eh, paborito ko kasi. Sa sobrang abala ko sa pagkain, hindi ko napansin na ako lang pala ang kumakain.

      "Oh! Ba't hindi ka pa kumakain?" tanong ko sa kanya. Saka sumubo ulit ng isa pang kutsarang kanin.

      "Nabusog na kasi ako nang makita kita," bulong niya pero narinig ko rin naman. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Mabuti na nga lang hindi ko naibuga yung sinubo kong kanin. Uminom muna ako nang nakaserve na juice saka kinumpirma ang sagot niya sa tanong ko.

FIRST PARTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon