Chapter 37- LEAPOT !

35.5K 365 8
                                    

Chapter 37- LEAPOT !


Tahimik na umibis mula sa sasakyan ang apat na alas kasama si Hannah.

Ramdam nila pare pareho ang nakaambang kaguluhan na maaaring maganap.

Humigpit ang kapit ni Hannah sa braso ng kasintahan.

Nagkatinginan ang apat na alas.

"Guys, before anything else. Wag ka ng epal Rom. Alam ko ayaw mo sa emo at madamdaming pag uusap. Pero hayaan mo muna akong makatapos. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagawa ninyo. Kung di dahil sa inyo, malamang na nabuwag na ang relasyon namin ni Hannah. Marami akong natutunan sa bawat araw na nagdaan. Maraming salamat." nakangiting pahayag ni Aldrin.

Nag thumbs ang tatlong alas sa kanya.

Napatingin sila sa mansyon.

Simbulo ng karangyaan ng pamilya Montefalco.

Napabuntong hininga si Hannah.

Mahal na mahal nya ang pamilya nya.. Ni sa isip, di nya mailarawan ang sarili na sinusuway ang mga ito.

Pero kailangan nyang manindigan.

Nakasalalay sa desisyon nya ang kaligayahan nila ni Aldrin.

Lalo nyang hinigpitan ang pagkakakapit sa braso ng nobyo.

Tila humihingi ng lakas and at the same time ay pinapasa naman nya ang kanya.

Napatingin si Aldrin sa kasintahan.

Napuno ng pagmamahal ang puso nya.

Di nya akalain na maaaring maramdaman ng isang partikular na nilalang ang ganitong damdamin..

Napakalakas na hatak ng emosyon .. Pinupuno nito ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao.

Ngumiti si Hannah..

"I love you Heart.. No matter what. ” bulong ni Aldrin.

Nagblush si Hannah..

Walang salitang kayang mamutawi sa kanyang bibig sa mga oras na iyon..

Tumingkayad sya at masuyong dinampian ng halik ang pinakamamahal na nobyo.

Batid nyang di nya kayang isatinig ang nararamdaman.. Kaya sa pamamagitan na lamang ng halik, maipadama nya sa nobyo ang kasagutan sa sinabi nito..

Napangiti lalo ng maluwang si Aldrin..

Kung ganito ba naman ang kailangan mong ipaglaban..

Sa tingin nya ay kakayanin nya ang lahat..

Tumikhim si Romeo.

Nag inat ang tatlong alas..

Nagkatinginan sila at nagkangitian..

“Mga tol.. Walang iwanan..” nakangiting sabi ni Romeo.

“Yeah !..” sabay na sabi nina Rhoi at Darius..

Ngumiti ng matamis sina Hannah at Aldrin..

Nilingon nila ang malaking mansyon..

Naunang pumasok si Romeo pero bigla din syang tumigil..

“You should come first.. Para di kami masabihan ng tresspassing..” biro ni ROmeo kay Hannah..

Bungisngis ang dalaga ..

Inalis nya ang pagkakakapit sa braso ng nobyo at nilipat ito sa kaliwang kamay nito..Napangiti ng maluwang si Aldrin at humigpit din ang pagkakahawak nya sa kamay ng katipan..

Kwadro Alas - Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon