Chapter 3 - First Sight !

48.7K 485 11
                                    

Chapter 3 -   First Sight

Lunes ng umaga.. Tulog na tulog si Aldrin.. Puyat sya pagkat halos umaga na sila nakatulog ng mga kaibigan nya..

Tahimik na binuksan ni Nestor ang kwarto ng anak.. Napatingin sya sa relos at napailing.. Dahan dahan syang lumapit sa anak ng nakanganga pa habang natutulog..

Paglapit nya dito ay di nya mapigilan ang impit na pagtawa sa kalokohang naisip nya.. Hinawakan nya ang kuston ni Aldrin at buong pwersang tinaob sabay sumigaw ng sunog!..

         

          "Mommy !!,, Daddy !!.." sigaw ni Aldrin sa ilalim ng kutson..

Di napigilan ni Nestor ang sarili at sumabog na sa katatawa.. NApahangos si Alona sa kwarto ng anak at nagulat sa itsura ng kwarto..

         

          "Labs!." sigaw ni Alona at napaupo na si Nestor sa kakatawa..

Gumapang si Aldrin palabas sa kutson at nagsalubong ang kilay dahil sa kalokohan ng ama..

         

          "WAaaaaaa!.." atungal ni Aldrin sabay takbo sa Ina..

Tawa ng tawa si Nestor pero si Alona ay nagalit sa asawa..

         

          "Kita mo tong ginawa mong lalake ka!.." sigaw ni Alona pero di pa rin tumitigil si Nestor sa kakatawa..

        

          "Mommy... Akala ko kung anu na nangyari.." sabi ni Aldrin at inirapan ang ama..

Pati si Alona natawa na rin kaya lalong umatungal si Aldrin..

         

          "May conspiracy dito.. Akala ko same team tayo Mommy !.." sigaw ni Aldrin at talagang natawa na ang mag asawa..

         

          "Joke lang anak... Anung oras na kasi.. Kanina ka pa namin ginigising eh.." lambing ni Alona sabay pigil sa tawa..

         

          "Sows.. " ungol ni Aldrin..

         

          "Hala sige na.. MAmaya andito na yung mga tropa mo at magpapaenroll kayo kamo di ba?.." sabi ni Alona..

         

          "Bukas na Mom.. Antok pa ko." sabi ni Aldrin ..

         

          "Oh no... Its your fault .. Nagpaschedule na kami ng Daddy mo sa dean ng skul nyo..Now nila kayo inaasahan .." sabi ni Alona at nagulat si Aldrin.

Kwadro Alas - Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon