Chapter 1

29 3 8
                                    

Summer. Summer. Summer.

Hays salamat wala ng pasok! Pero medyo boring din kasi walang gagawing assignments,projects at hindi na magr-review para sa mga Quiz at Test.

Hindi naman sa NERD ako pero sabihin na nating, matalino ako. Grabe diba sariling puri. Pero yan ang lagi kong naririnig sa mga tao kapag nababanggit ang pangalan ko.

Kalimitan na sasabihin ng iba kapag narinig ang pangalang, Sophia Ray Villaramos ay.

Matalino
Matangkad
Maganda
Sikat
Mayaman

Medyo parang sariling puri ulet pero, sawang sawa na ako kapag yan na lang lagi nilang sinasabi tungkol sakin. Kahit isang beses wala akong narinig na sinabihan akong, Unique, Inspirational, Talented,Creative. Nakakasawa na yung matalino at maganda. Sa bagay hindi ko naman pinapakita yung Music Side ko kaya hindi nila malalaman na isa akong Music Inspired na tao. Hay basta!

Eto ako ngayon inaayos yung kwarto ko, anggulo na kasi eh daming papel. Lagi na lang may pumapapel de joke lang XD gaga kasi Author neto eh.

Chinarge ko yung phone ko kasi malamang gagamitin ko nanaman yan 24/7. So naayos ko na room ko at bumaba na sa kusina. My favorite place in our house pati na rin pala yung Room ko and my secret room ;)

"Ate Tess ano po niluto nyo ngayon!?" Masiglang tanong ko kay Ate Tess kasambahay namin. "Oh! Gising ka na pala be! Pancake yung pinaluto ni mommy mo." Inabot sakin ni Ate Tess yung plato ko na may 4 layers ng pancake.

"Thank you Ate Tess! Good morning pala! Hehe" pahabol ko. "Good morning din be!" Sabi nya. Patuloy lang ako sa pagkain ko ng pancakes. Biglang nagsalita si Ate Tess.

"Ay be! Tignan mo nga kung gising na si Bryce aalis daw kayo sabi ni mommy mo" Sabi ni Ate Tess. Huh? First day of Summer aalis kaagad!? Umakyat muna ako para tignan si Bryce, kapatid ko. Malamang gising na naman tong gunggong na toh nag lalaro lang ng Computer yan! Tinignan ko yung kwarto at hindi ako nagkakamali.

"Hoy! Kumain ka muna! Aalis daw tayo ngayon sabi ni Mommy!" Sabi ko.
"What?! First Day ng summer aalis kaagad!? Osige maya maya na bumaba ka na don! Naglalaro pa ako eh!" Pag utos nya saken. Aba magaling ang baboy. "Fine" bulong ko. Pumunta muna ako sa kwarto ko at kinuha yung phone ko then bumaba na ulet.

Inubos ko na yung pancake sa plato ko at uminom ng gatas. Kahit na Gurang na ako, well 16, umiinom parin ako ng gatas. I can't live without Milk. Anyways, umakyat na lang uli ako dala yung phone ko. Nag s-scroll down sa aking news feed dahil wala namang makakausap. Well i have friends pero, i still feel alone sometimes.

*beep-beep* bumusina na si mommy. Kaya bumaba na din ako. Umupo lang ako sa sofa habang hinihintay syang pumasok. Bumaba den si Bryce siguro na-intriga ang gunggong.

"Malamang nasabi na sainyo ni Ate Tess na aalis tayo diba! So ano kumulos na po! Mag impake na!" Bungad ni mommy pagkapasok nya. "Eh gaano ba tayo katagal don mi? Atsaka saan ba yon!?" Tanong naman ni Bryce. "Basta 1 month tayo don kaya impake na bilis!" Sabi ni mommy. So nagimpake na kami, nagpalit na rin ako ng damit.

After 20 minutes.. "Oh tapos na ba kayo?" Tanong ni mommy. "Hindi pa mi!" Sagot ko. "Bilisan! Baka ma- traffic tayo." Sabi ni mommy.

Cellphone ✔
Charger ✔
Earphones ✔
Powerbank ✔
Laptop and charger ✔
Speaker ✔
Clothes and More ✔
And.. Journal.. Nasan na yung journal ko?!! Hinanap ko sa desk ko at sa kama pero wala! Ah! Sa ilalim ng kama! Well okay na lahat.

Journal ✔

Okay na ako kaya sinara ko na yung zipper nung bag and luggage ko. Bumaba na ako at nauna pa pala sakin si Bryce. "Bat Antagal mo?" Tanong ni Bryce. "Hinanap ko pa journal ko paki mo ba?!" Sabi ko then pinagtaasan ko sya ng kilay. "Oh pumasok na sa kotse! Mag aaway pa kayo eh" Sabi ni mommy.

Ready na kami. Nag pray muna kami bago umalis. Then habang nag d-drive si mommy.
"Ay Mommy saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Sa Cavite"
"Eh ano namang gagawin namin don?" Ako.
"Mag t-tutor ka."
"Huh? Ano ba yan summer na summer tutor agad!" Ako.
"Anak kasi nung kaibigan ko yon eh nahihirapan daw sa school nya, eh diba nag t-tutor ka naman so nag volunteer na ako, na ikaw ang mag tutor." Sabi ni Mommy.
"Okay Fine! Anong grade na ba nya at ilang taon?" Tanong ko.
"19 years old"
"Huhhh? College? Eh mag c-college pa lang ako!" Saad ko.
"Basta! Dun ko na lang i-eexplain pag nandon na tayo."
Sabi ni mommy.

"Hayyy" yan na lang nasabi ko.

How can i teach a person who has more experience than me. Yes nag t-tutor ako, ng masbata sakin pero never pa ng mas matanda sakin. Mukhang magiging school days din ang summer ko ah. Haysss. Dapat vacation toh eh hindi tutor. -_-

Haynako! I'm just gonna go with the flow.

Vote and Comment peeps. Sorry for everything lol. Don't plagiarize lol. This story is based on my dream so I'm sorry kung may kapareha or may kahawig yung story ko coincidence lang siguro yon. Thanks for Reading :)
~
Read my other story too. Easily Forgotten. Just go to my works then you'll see it there.

Fools.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon