Chapter 1

37K 603 36
                                    

ALEXIS' POV:

"HashtagOhMyGods! Seriously Lexi? Magpopropose na talaga sa'yo si Gino? As in? Ikakasal ka na talaga?" Excited na tanong sa akin ni Mayie habang papasok sa kwarto ko.

Sheez! Why do I always forget to lock my door? I'm really not in the mood to make kwento about that 'proposing' thingy. Duh! I'm not even sure yet. I don't want to assume dahil baka hindi matuloy. Duh!

"What are you doing here?" may halong pagkainis na tanong ko sa kanya. Well, hindi naman ako 'inis' talaga. It's just that, mas okay siguro kung kakatok muna sya bago pumasok sa kwarto ng may kwarto diba?

"Ay wow. Super halata na welcome na welcome ako dito ah. Ang cute mo talagang maging bestfriend." she said while rolling her eyes. Aba ang bruha, talagang ayaw magpatalo sa katarayan ko.

"You know me so well, Mayie. Alam mong kapag wala ako sa mood, ibig sabihin, wala talaga ako sa mood." mataray na sabi ko pa sa kanya.

"Yeah. But I don't care. Sanay na ako sa ugali mong yan. And I know na sanay ka na rin naman sa akin so alam mo na hindi ako aalis dito hangga't hindi ka nagkkwento." sabi naman nya sa akin kaya mas lalo akong napasimangot.

Please, pakisabi nga sa akin kung bakit ko naging bestfriend 'tong babaeng 'to?

"Mayie, not now please?" inis na sabi ko pa rin sa kanya.

"Ngayon na. So, when's the wedding?" nakangiting tanong na nya.

Tsk, basta talaga tungkol sa tsismis, ang bilis-bilis nya.

"That's the reason kung bakit hindi pa ako nagkukwento. Hindi pa kasi ako sure kung magpopropose nga sya or not." sagot ko naman sa kanya.

"Huh? Eh bakit sabi nung kapatid mo---"

"Well, my sister and her friends were at the mall kanina and they saw Gino na bumibili ng ring sa isang sikat na jewelry shop. So yon, they assumed na para sa akin yung ring. Nung tinanong daw kasi nila yung girl dun sa shop, sabi daw ng boyfriend ko, para yon sa future wife nya." kwento ko sa kanya.

"Eh di yun nga, para sa'yo nga yon. Duh! Pero depende rin siguro." sabi pa nya na parang nag-iisip.

I gave her a questioning look. Hello, depende saan?

"Depends on?"

"Depende na lang kung may iba syang girlfriend bukod sa'yo." sabi pa nya habang patango-tango.

Natatawang-naiiling naman ako sa sinabi nya.

"Seriously Mayie? Yan talaga yung inisip mo? Well, duh! Kung nakakalimutan mo lang naman no, 8 years na kaming dalawa ni Gino and sa walong taon na yon, never syang nagkaron ng ibang babae. At never kaming nag-away dahil sa third party." sabi ko pa sa kanya.

"Sabagay. May point ka naman dyan. Never naman talagang tumingin si Gino sa ibang babae. Minsan nga naisip kong akitin sya kaso nagbago yung isip ko, alam ko kasing mapapahiya lang ako kapag ginawa ko yon." natatawang sabi naman nya.

And instead na magselos, natawa na lang din ako sa sinabi nya. Naisip nya talaga yon? Oh well, good luck talaga sa kanya.

"Why don't you try it? Malay mo, maakit mo sya diba?" natatawang sabi ko pa.

"Asa naman ako diba? Papa'no ko naman matatalo yang ganyang mukha diba? And hello, bukod sa itsura, wala din akong 'say' sa yaman mo day! Kita mo nga o, hindi mo na kailangan magtrabaho. Kahit porebs ka ata tumambay dito sa kwarto mo, keri lang, mabibili mo pa rin lahat ng gusto mo." sabi pa nya.

Well, hindi naman sa ayaw kong magtrabaho talaga. Ayaw lang kasi akong payagan nila Papa and Mama. Sabi nila, magpahinga na lang daw muna ako tutal napagod daw ako dun sa ilang taon na nag-aral ako. Kaloka lang kasi para saan pa na pinag-aral nila ako diba kung hindi ko rin naman magagamit?

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon