Huling Limang Oras (Maikling Kwento)

13.6K 40 15

     sobrang maiksi lang po yan :"> hehehe bara bara lang po eh pero basahin nya po tas sabihin nyo kung maganda ibibigay ko yung link sa fb nxtx tym tas pa like tnx po god bless

---------------------------------***

     

Tumunog na ang bell hudyat para magsiuwian na ang mga estudyanteng kagaya ko.

Pero bakit ang aga? Siguro ay nagkaroon na naman ng biglaang pagpupulong ng mga guro para sa darating na foundation day.

Mukhang umaayon sa akin ang tadhana dahil ngayon din ang paguwi ng aking ina galling sa abroad.

Nasasabik na ako dahil noong limang taong gulang lang ako ng nakita ko sya anon a kayng itsura nya ngayon na ako ay nasa ikalawang baitang na ng pagiging high school.

       

      Sa aking pag uwi ay may nasulyapan akong isang babaeng umiiyak, tinulak ako ng aking pagkausyoso para tanungi kung bakit sya umiiyak.

“Ale, bakit po kayo umiiyak?” natanong ko sa babae.

“Hindi ko na kasi makikita ang aking anak habangbuhay” sagot ng ale.

“Hindi kop o mamasamain pero maari ho ba kayong sumama sa akin upang mawala ang inyong lungkot, iyon ay kung nais nyo lamang” ang di ko mawari kung bakit ko nasabi.

Ang pagtango nya at pag-abot sa akin ng kanyang kamay ay senyales lamang ng kanyang pagpayag.

         

        Hindi naming namamalayan ang oras habang kami ay magkasama, tila isang panaginip ang nangyayari . sa kalagitnaan n gaming kasiyahan ay nagwika ang ale “Maari mo bang ipikit ang iyong mga bata?” .

sinunod ko ang kanyang utos at gayon na lamang ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking noo at ang narinig ko ay ang kanyang pagsabi sa akin ng “Mahal Kita”.

Sa aking pagmulat ay nawala ang ale na hindi ko man lang naitanong ang kanyang pangalan. Biglang umihip ang malamig na hangin na niyakap ang aking buong paligid.

Hindi ko namalayan ang oras tiningnan ko ang aking relo

“Aba anong oras na kailangan ko na pa lang umuwi”nasabi ko sa aking sarili. Nilisan ko ang lugar na iyon ng may tanong na hindi ko alam kung kalian maisasagot.

         

        Sa aking paguwi ay nakita ko ang aking ama na tila kakatapos lang lumuha. Anong problema? Lumapit ako sa kanya at nagmano. Sya ay biglang nagwika,

“anak iniwan na tayo ng nanay mo, namatay sya sa aksidente limang oras an ang nakalilipas”.

Imbis na umiyak naitanong ko lang sa kanya kung may litrato sya ng aking ina, nagulat na lamang ako sa aking nakita…

           

         Hindi nya ako iniwan ng walang paalam,

ipinarating nya sa akin kung gaano ako kahalaga at kamahal niya.

Sya pala ang ale na aking nakasama kanina, ang umiiyak na ale,

ang inakala ko na isang istanghero ay ang mahal kong ina. Kahit sa kaunting panahon ay nakasama ko sya , sa huling limang oras na pinuno ang buhay ko ng kasiyahan na noon ko lang naranasan.

________________________****


maikli lang po pamproject lang hihiiihi maganda ba??? mas cute yung ginawa kong english version hihihi kaso feel ko pag tagalog hihih thanks for reading  lots of love --- silentwrider <3 

Huling Limang Oras (Maikling Kwento)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!