Chapter 26

36.6K 513 36
                                    

RATED SPG

Chapter 26

"N-nephew?!" halos mawalan ako ng malay doon sa huling sinabi ni Ate Sydney buti nalang agad akong nalapitan ni mommy at inalalayan. If pamangkin niya si Bubuy ibig sabihin anak ni Harry si Bubuy?!! Nakaramdam na naman ako ng pagkahilo ng maisip iyon. Ah! Panaginip lang 'to! Yung boyfriend ko na mukang inosente may anak na?!! Dinaig pa si Grant! Naiinis ako! Manloloko si Harry! Man--

"Are you okay Elaine?" natatawang tanong pa niya. Ano bang nakakatawa?! Siguro pinagtatawanan niya ako kasi nagpaloko ako kay Harry! Kung makapag judge ‘tong si Harry akala mo naman ubod ng linis tapos malaman laman ko may anak naman pala siya!! Pakiramdam ko namumula ko sa kinikimkim kong inis.

“Oh my gosh! Alam ko na what iniisip mo! Hahaha. Okay. Hindi siya anak ni Harry.” dahan dahan pa ang pagkakasabi ni Ate Sydney para masiguro na maiintindihan ko pero mas lalo akong naguluhan. Kung hindi kay Harry ang bata, sino ang ama ni Bubuy?!!

“So kaninong anak yan?! Please Ate sabihin mo na.” pakiusap ko sa kanya. Para akong nabunutan ng tinik ng malaman na hindi naman pala anak ni Harry si Bubuy. Napakainosente pa niya para magkaanak at alam ko na ako ang first girlfriend niya so napakaimposible!

“He is Miguel Wenceslao. Anak ng half brother ko sa father side. If alam mo na ang story ng pamilya namin anak ako sa pagkadalaga ni mommy. Anak siya ng kapatid ko sa isang err never mind.” gusto kong dugtungan yung sinabi niya ng ‘prostitute’ buti na lamang napigilan ko yung sarili ko baka malaman na kakilala ko pa si Paula.

“Anak ka ni Steven? Ano ‘to Elaine? Anak ni Priscilla Morales ang boyfriend mo?” biglang sabat ni mommy. Nakalimutan ko na dati nga palang nagtrabaho si Tita Priscilla sa firm nila Tita Brooke. Small world ha!

“Wow. Kilala niyo po pala ang mom ko? By the way ako nga po pala si Sydney Herrera. Yes, mommy ko po si Priscilla Morales and kapatid ko ang boyfriend ni Elaine.” Hinarap naman ni Ate Sydney si mommy at sabik na nagpakilala.

“Edi daddy mo si Steven Wenceslao?” napansin kong napangiwi si mommy ng mabanggit yung Steven Wenceslao.

“Yes! Kilala niyo rin ang daddy ko? How?” nagagalak na tanong ni Ate Sydney habang si mommy naman ay hindi maipinta ang mukha.

“Oo. Dati ko silang workmate sa firm. Please send my regards to your mom and dad.” Halata namang pinipilit lang ni mommy na ngumiti but I’m glad na hindi nahahalata yun ni Ate Sydney. Nakikita ko kasi yung disgusto sa reaksyon ni mommy.

“Sure po Mrs. Ronquillo. Elaine, we have to go na ha? Bye po Mrs. Ronquillo and Elaine. See you around!” nag wave na lamang kami ni mommy habang tinanaw sila paalis.

“Hmm. What’s wrong mom? Bakit parang sumama yung pakiramdam niyo nung nabanggit yung parents ni Ate Sydney? Tita Priscilla is very nice.” Puna ko sa kanya habang naglalakad lakad kami dito sa mall.

“Nothing. Hindi lang maganda ang samahan namin before. I’m glad at tuluyan ng nagbago si Priscilla and mukhang maganda na ang buhay niya.” Seryosong sagot ni mommy.

“How about Steven Wenceslao?”

“Ex-fiancee ng Tita Brooke mo before ang Uncle Yvo mo. Long story.” At naiwan na lamang akong nakanganga at sinundan si mommy sa isang store.

Ang mahalaga sa akin ngayon ay walang anak si Harry. Kinabahan talaga ako ng husto kanina buti na lamang at hindi. Ano kayang gagawin ko kung malalaman ko na may anak si Harry? Hindi ko ata kaya. Malalagay ako sa posisyon na katulad ng kay mommy. Hindi ako katulad niya, baka hindi ko kayanin ang mag-aruga ng hindi ko naman kadugo. Thanks na lang talaga!

TVFN 5 : Pure MagdaleneWhere stories live. Discover now