Bigla ko tuloy naalala kung bakit tinigil ko ang paggamit nito...

"Manloloko ka!"

"Walang nagsabing magtatagal ako sayo kaya wag kang umiyak! Kairita ka!"

"Ano bang ginawa ko para ipagpalit mo ako sa iba? Dahil ba sa maganda sya? Dahil sa sikat sya?"

"Oo! Pero alam mo, hindi naman problema yang itsura mo o kung sino ka eh. Mabait ka, maalalahanin at sweet pa, pero men! Lalaki ako at may pangangailangan! Sinasabi mo na mahal mo ako pero ni ay minsan hindi mo ako pinagbigyan!"

"Ah, ok? So manangyari na sa inyo? Ganon?!"

"Matagal na!.."

</3

"...kala mo ayos lang sa akin ang halikan lang? Kala mo masaya pa ako sayo ha? Parang hindi mo naman ako boyfriend eh. Kala mo hindi ko napapansin na dikit ka rin sa ibang lalaki? Ano bang pinagkaiba ko sa kanila? Sa mukhang yan, nakuha mo pang makipaglandian?"

"Wag mong ibalik sa akin ang ginagawa mo! Mapalit lang ako sa kanila pero ni minsan ay hindi kita pinagpalit ni isa sa kanila dahil mahal kita! Ikaw ang nangaliwa at hindi ako kaya wag kang magsalita na parang ikaw ang napag-iwanan dito!"

"Talaga lang huh? Kala mo din ba hindi ko alam na naghalikan din kayo ng bestfriend mo? Ikaw ang unang nanakit dito at hindi ako! Patas nalang tayo kaya wag kang iiyak-iyak dyan. Baka nga ang bestfriend mong talunan na mataba na yon ang nakauna sayo kaya wag kang magmalinis!"

*Pak!*

 


Sinampal ko ang boyfriend ko bago umalis, I mean, Ex ko pala. Totoong malapit ako sa mga lalaki kahit na naka-glasses pa ako noon pero hanggang dun lang yun. Pareho lang din naman ang turing ko sa kanila gaya sa mga babae. Sya lang itong malisyoso at seloso. Ang sama nya.  ;(

[NOTE: Pic nga pala ni Josh nung naka-glasses pa sya kasama ang Ex nya sa gilid. Sweet pa nga lang sila dyan. hehe]

Totoo din na nahalikan ko si Jon noon, ang bestfriend ko nung high school. Hindi ko alam kung paano nya nalaman pero meron naman dahilan kaya iyon nangyari. Hindi man nya ako binigyan ng chance na magpaliwanag. Agad nya akong hinusgahan. Ang sakit.

Pinagpalit ni mommy noon si daddy. Nakahanap din naman ng pamalit si daddy na ibang babae. Tapos ngayon naman ako, pinagpalit din sa iba? Naisip ko na baka ganyan talaga, ayos lang magpapalit-palit. It's my turn para marandaman ko naman kung paano magpalit ng iba but how?

Bratinella Series 2: Malandi ako. Paki mo.Where stories live. Discover now