Chapter Twenty-Eight

Start from the beginning
                                    

"Excuse me everyone." sabi ng pamilyar na boses na rinig sa speaker ng bar. Lumingon ako, nakita ko si Bae hawak-hawak ang microphone at ang gitarang nakasabit sa kanya. Woah! Astig ng dating niya, parang isang rock-star! "I like to sing a song for someone special." Sabay tingin sa akin at ngumiti. "Ray this is for you." At inumpisahang pitikin ang gitara.

Para akong naging estatwa, my jaw dropped literaly. 'Di ko ito inaasahan! Napansin ko ang napakaraming mga matang nakatingin sa akin. Ang iba ay nakangiti at ang iba ay walang reaksyon. Shit!

Nag-umpisang kumanta si Bae, napakalamig ng husky niyang boses. "I'm With You" by Avril Lavigne ang kinanta niya. Bagay na bagay sa boses ni Bae ang kanta lalo na pag bumibirit ito na parang isang totoong rock-star. Natigilan ako nang dumating ang kanta sa chorus, muling nagbalik sa ala-ala ko kung paano kami nagkakilala. I was there when he need someone. Siya naman ang sumagip sa akin noong nasa bingit ako ng kamatayan. He was my savior. Pagdating sa last chorus ay hindi maalis ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako, at ganoon din siya.

Napuno ng masigabong palakpakan ang buong bar. It's a flawless performance. Bumaba si Bae sa stage at naglakad palapit sa amin.

"Laban kayo? Rakistang-rakista pero sagad kaluluwa ang pagkanta!" yabang ni Kim sa manok niya.

Tumayo si Kazuki, nagkatinginan sila ni Bae. Ngumisi ang hapon.

"Nice song. Now it's my turn." Sabay lakad palapit sa stage.

"Wooohhh! Go Kazuki baby!" maka-basag tengang tili ni Lyn.

"Si Ray ba ang may birthday? Bakit siya na naman ang kinakantahan?" pagkontra ni Kim sabay ngiwi.

"Oo birthday mo teh, pero wag mong kontrahin ang manok ko! Bakit? Si Bae lang ba pwedeng humarana sa kanya?"

Napailing ako sa dalawa. Matulis kong tiningnan si Kazuki na noo'y kausap ang banda. Tumingin siya sa akin sabay ngiti. Pinandilatan ko siya ng mata, senyales na tigilan niya ako. Tumawa lang ito at pagkatapos ay hinawakan ang microphone.

"Good evening! I want to dedicate this song to my husband, Ray." Ngiting sabi ni Kazuki.

"Tarantado hindi kita asawa!" sigaw ko sa kanya. Tawanan. Muli akong tinunaw ng mga mata sa bar na iyon. Dumami ang mga taong nakangiti, siguro'y palagay nila ay pinagtitripan ako nung dalawang lalaki, kung alam lang nila na makukulit ito at gustong manligaw. Hmp!

Nag-umpisang tumugtog ang bass, sumunod ang gitara. Narinig ko ang light-textured at kalmadong boses ni Kazuki, his voice is so beautiful. Kinanta niya ang "Stay" by Tyler Ward. Bagay ang kantang ito sa nangyari sa amin noon. Bumigat ang dibdib ko, masakit sa akin ang hiwalayan namin noon, pero kinailangan kong makipaghiwalay kasi iyon ang makakabuti para sa aming dalawa.

Pagdating sa bridge ay dahan-dahan siyang tumingin sa akin, parang kinakausap ako ng kanyang mata at sinasabing manatili ako sa kanyang tabi ngayon at siya ang piliin ko despite everything.

Muling napuno ng palakpakan ang bar.


ROME

Pagkabalik ni Kazuki sa table namin ay nagpaalam ka papuntang comfort room. "Pare pagbalik ni Ray ikaw naman." Sabay tapik sa akin ni Jess.

"Di ako marunong kumanta." Pagdadahilan ko. Sa totoo lang ay ayoko nang makipagkumpetensiya kay Kazuki at Bae. It's pointless, In the end, ikaw pa rin naman ang mamimili. Isa pa, unti-unti kong nakilala si Bae sa bakasyong ito, he's a good man, at maaaring maging magkaibigan din kami.

"Okay lang iyan basta galing sa puso."

"Kinakantahan ko naman siya, pag kaming dalawa lang, at ayoko rito ang daming tao." Sabay iling.

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Where stories live. Discover now