"Joy, huminga ka." Sabi ni Kaloy sabay himas ng likod ko.

"Joy, mag trabaho ka na." Sabi naman ni Romeo at akmang papatayin ang tv, pero agad kong itinapat sa kanya ang hose dahilan para mabasa sya. Agad naman syang napatayo ng maramdaman ang malamig na tubig galing sa hose na hawak hawak ko.

"JOY!" Galit na sabi nya.

"Shut up! nanonood pa ako." Inis kong sabi.

"Mag trabaho ka muna!" Sabi nya.

"O ayan! ikaw ang magtrabaho." Sabi ko sabay bigay ng hose sakanya at umupo sa tapat ng tv.

Ang gwapo nya. Kumakanta sya habang nag gi-gitara. Urghhhh ijsdbhsh!!!!!!

Pero ang kaninang nakangiti kong labi ay agad ding sumimangot ng ma focus ito kay Angelo at sa babae nyang kasama. Yuck!

Agad kong kinuha ang aking cellphone at nag post sa nakakasurang pagmumukha ni Dale.

@LigayaRainbow: Yung ang gwapo gwapo ng kumakanta sa stage tapos biglang na focus sa pagmumukha ni baklang Dale. Yuck. So gross.

@Shen: I agree. Nakakadiri, biglang na focus sa kanya.

@ADLover: Bitter tsk.

@LigayaRainbow: Masisisi mo ba kami? e nakakasura naman talaga. Ewan ko ba kung bakit naging platinum ang album nyan e puro naman sya lip sing.

@ADLover: Lip sync bobo! may time kang mang bash pero wala kang panahon para magbasa ng dictionary.

@LigayaRainbow: Leche! bakla naman yang idol mo.

@ADLover: Gago!

"Wow! muli nating palakpakan. Paolo Madrigal!" Sabi ng babaeng kasama ni baklang Dale.

Urgh! di ko tuloy na panuod. Kaines naman e!

Pero mas lalong nagpainis sa akin ay ang pekeng ngiti ni Dale at pekeng pagpuri kay Paolo. Tsk, plastik.

"Wow!" Sabi nya sabay nakipag kamay kay Paolo. Leche mukha kang plastik bag.

Tumawa naman si Paolo sabay bumeso dun sa babaeng kasama ni baklang Dale.

@LigayaRainbow: Bakla na nga plastik pa! ano ba yan AngeloDale Fans? sinalo na lahat ng idolo nyo ang kabwisitan sa mundo!

@LigayaRainbow: Natawa siguro si Paolo dahil sa sobrang kaplastikan ni Dale. Yuck.

@LigayaRainbow: Wala pa sya sa kalahati ni Paolo. Mukha lang syang kuko ni Paolo sa paa. Kawawang Dale.

@LigayaRainbow: Ngayon siguro babagsak ang career ni Dale dahil sa kahihiyan.

@LigayaRainbow: Ano Dale? kaya mo bang kumanta ng live katulad ng ginawa ni Paolo? Hakhakhak hindi di ba?

@LigayaRainbow: #RIPDale kawawang Dale.

"Joy!" Agad din akong napabalik sa realidad ng marinig si kuya Mar. Napatingin naman ako sa kanya at... shit.

"Naku sir." Natataranta kong sabi sabay kuha ng hose. Nakatingin lang sa akin ang may ari ng kotseng dapat tapos ng mabanlawan, ganun din ang ginawa ni kuya Mar, ang titigan ako. Sabi ko ipagpatuloy ni Romeo e, gago talaga yun, lagot sya sa akin mamaya.

"Sorry talaga, Sir. Sorry." Paumanhin ko habang pinagpapatuloy ang pagbanlaw. Nabasa ko pa ng bahagya ang kanyang pantalon dahil malapit sya sa kotse, agad din naman akong nag sorry.

"Hintayin ko na lang." Sabi nya. Pinaupo naman sya ni kuya Mar sa dati kong inupuan kanina.

Nangmatapos na ay agad kong pinuntahan si kuya Mar para sabihing tapos na. Ganun din ang ginawa ni kuya Mar, lumapit sya sa may ari at sinabing tapos na.

Nang magbabayad na sya ay nagulat ako ng bigyan nya ako ng tip.

"Wow naman 500." Sabi ni Romeo. Agad ko naman syang kinutusan.

"Gago ka! di ba sabi ko ipagpatuloy mo." Inis kong sabi.

Gumanti naman sya "Kung ako yung naglinis, edi sana ako yung binigyan ng tip." Sabi nya sabay batok ulit.

Oo nga ano. Ngunit maya maya pa ay pinatawag ako ni Kuya Mar at katakot takot naman na sermon ang naabot ko mula sa kanya.

Napaupo na lang ako at tumunganga sa isang tabi. Yun ang last na nagpa car wash sa amin at hindi ko inasahan na bibigyan nya pa ako ng tip. Dinukot ko naman sa aking pantalon ang tip na binigay ng lalake.

Limang daan. Sinong costumer ang magbibigay pa ng limang daan kahit nahuli sa oras ang pagkuha ng sasakyan. Sabi pa nila Kaloy may gusto siguro sa akin yung lalake kaya sya nagbigay ng tip. Imposible.

Muli kong binalik ang limang daan sa aking bulsa at nagumpisa ng magtrabaho. Ang mahalaga nag bigay sya ng tip, tama yun na lang, wag ka na lang mag isip ng kung ano ano.

"Joy." Tawag sa akin ni Nikki "Patulong naman." Tumayo na ako at pumunta sa kanya para tulungan sya.

-.-.-.-.-

My Number One BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon