Guesting

5 0 0
                                    

Angelo POV

Kanina pa ako tapos kumain at nandito ako ngayon sa backstage habang nakikipag kwentuhan sa iba pang host. Hindi ko nakita si Audrey, kasama kasi nya si Jack na nasa stage ngayon.

"Dapat si Jack ang mag i-introduce dun sa guest natin, kaso pinalitan ka nya kaya naman ikaw na yung mag i-introduce." Kwento ni Fernando.

"Bakit ka ba kasi late?" Tanong ulit ni Mark.

Mula kasi kanina yan na ang tanong nila, pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa DR yan na agad ang bungad nila. Pero mula kanina hindi ko parin sila sinasagot.

"Basta." Sabi ko.

"Basta lang ang isasagot mo kay Direk pag tinanong ka nya?" Panghahamon ni Mark.

"Syempre kay Direk ko sasabihin lahat."Sabi ko.

Magsasalita pa sana sya ng bigla dumating si Darleen at sinabihan ako na mag ready na para mamaya.

"Sir Angelo, 5 minutes na lang po, mag ready na po kayo." Magalang nyang sabi. Nag nod naman ako bago tumayo.

Inayos ko muna ang aking sarili at naglakad ako kasama nya. Wala akong kaide-ideya kung sino ang guest namin, kaya siguro kailangan kong tanungin si Darleen habang kasama ko pa sya.

"Sino ba ang guest?" Tanong ko.

Tiningnan naman nya ako habang umaakyat sya sa hagdan, ganun din ang ginawa ko.

"Si sir Paolo po." Magalang nyang sabi, bago ako i assist sa pwesto ko. Hinanda na ang ilaw at camera, lahat ito tinutok sa akin. Hinanda na rin pati ang manila paper kung saan nandun ang aking babasahin.

Nagulat naman akong tiningnan sya, pero agad ko rin itong binawi. Umakto akong normal sa harap nya lalo na sa mga taong nakatingin sa akin ngayon. Nasa stage na kasi ako ngayon.

"Ako lang mag i-introduce sa kanya?" Tanong ko ulit.

"Hindi po, kasama nyo po si ma'am Andrea." Sabi nya. "Ay nandito na po pala sya." Sabi nya habang tini-tingnan ang babaeng parating.

Napatingin din ako at isang simpleng babaeng naka suot ng bistidang may bulaklak na design, nakalugay ang buhok at may simpleng flat shoes, ang tumambad sa amin. Tumatakbo itong papalapit sa amin.

"Andrea, madapa ka." Kunsuming sabi ni Sydney. Makeup stylist niya.

"Syd,Don't worry. I can handle myself, and I'm just trying if these flat shoes can run very fast." Sabi nya sabay jogging ng hindi umaalis sa pwesto.

Tumigil na lang siguro sya ng ma-realize na nakatingin kami sa kanya.

"Hey." Sabi nya sa akin sabay ere ng kamay para makipag apir. Nakipag apir naman ako sa kanya.

"Kanina ka pa?" Tanong nya.

"Ma'am Andrea, 3 minutes na lang po. Dito po kayo." Sabi ni Darleen bago ituro ang pwesto nya. Agad din naman syang sumunod.

Si Andrea ang isa sa makulit na babaeng host dito sa big show. Simple, parang bata, at masarap kasama.

"Ok. One, two, three." Bilang ng staff bago umere ang show.

"Welcome back sa Big Show." Panimula namin.

Binasa namin ang spiels namin at doon ko nalaman na kaya pala nandito si Paolo, para mag promote ng concert nya.

"And please welcome!" Nagkatinginan kami ni Andrea bago sabihin ang pangalan ni Paolo. "Paolo Madrigal!" Sabay naming sabi bago lumipat ang camera sa kanya.

Joy POV

"UMERGHEEEEEEDDD!!!1!!1!!!1" Tili ko habang hawak hawak ang hose.

Guest pala si Paolo shemay siomai!

My Number One BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon