Tumahimik ang paligid sa paliwanag ko. Para bang inaabsorb parin ni Abraham ang sinabi ko sa utak niya. Kumuyom ang kamao niya at nagtatagis ang panga. Tiim ang bagang niya.

"Paano na 'yan? Sabi ng doktor ay kailangan mo raw ipahinga 'yan. Bawal pwersahin ang balikat mo at baka lumala." hindi ako nakasagot sa sinabi ni Hilary.

Pinigilan ko ang pagtulo ng aking luha. Paano na ang pag-aaral ko? Paano ako gagalaw ng maayos kung baldado ang kanang balikat ko? Paano ako mag iigib ng panligo ko? Ayoko namang umuwi sa Abra dahil ayokong problemahin pa ito ng mga magulang ko.

"Hindi ko alam." Napahikbi ako.

Puno ng simpatya ang mukha ni Hilary. Linapitan niya ako at hinawj ang buhok ko.

"Huwag ka ng mag-alala. Si Kuya bahala sa'yo."

Sasagot pa sana ako ngunit dumating ang doktor. Madami siyang tinanong saakin. Kung anong nangyari at ano ang nararamdaman ko. Sinabi kong masakit ang balikat ko at ang bewang ko. Nasa likuran ko lang si Hilary at inaalalayan ako.

Si Abraham ay nasa sofa. Nakaekis ang kamay sa dibdib at nakayuko. Pakiramdam ko ay nagpipigil siya ng galit sa pagsusumbong kanina. Gusto ko siyang lapitan at kausapin ngunit natatakot ako dahil baka pagbuntungan niya ako ng galit.

Pinauwi rin naman ako kaagad ng doktor. Binilinan niya ako ng dapat gagawin. Hinigpitan nila ang bandage sa balikat ko at rinesetahan ng gamot. Tahimik si Abraham habang nag mamaneho. Hindi na namin kasama si Hilary at nauna ng umalis kanina dahil umiiyak na raw ang anak niya.

Nang makarating sa tapat ng boarding house ay inalalayan niya akong bumaba. Tahimik parin siya at hindi ako matignan ng maayos. Ang kamao niya ay nakakuyom parin. Mas kibakabahan ako sa kanya kaysa sa nangyari saakin.

"Lena! Diyos ko… kamusta ka?" salubong ni Aling Rosas. Lalapitan na sana niya ako ngunit hinarang ni Abraham ang katawan.

"Be careful." napatigil si Aling Rosas at napaatras. Ako mismo ay gulat sa lamig at tapang ng boses niya.

"Abraham… a-ayos lang." tinignan niya ako. Kumunot ang noo niya ngunit sinunod naman ang sinabi ko.
"Lena…" yinakap ako ni Aling Rosas. Humigpit ang hawak ni Abraham sa kamay ko. "Kamusta ka? Pasensya na sa tinuran ni Alexis."

"Maayos na po. Medyo masakit pa ang balikat ko."

"You're the landlady?" napatingin ako kay Abraham.

"Opo Sir."

"Alam mo ba kung ano ang ginawa nila kay Lena? Gusto mo bang ipagiba ko ang gusali mo?" kinurot ko ang braso niya. Sinsabi ko na nga ba at tama ang hinala ko! Kaya pala ang tahitahimik niya dahil may binabalak siya.

"Abraham! Hindi mo 'yan gagawin!"

"What would you like me to do? Hayaan ko ang behavior nilang ganoon? Paano kung ulitin nila? Atsaka hindi ligtas ang gusali nila. Kulang kulang sa materyales at hindi matibay ang pagkakagawa!" nasapo ko ang noo. Imbes na mag pahinga ay pinapalala pa niya ang sitwasyon.

"Sir… tatlong taon na po ang gusaling ito at maayos po ang pagpapatayo at pamamalakad namin."

"I'm an engineer. Hindi ako magsasayang ng limang taon sa pag-aaral-"

"Abraham!" napahinto siya sa pagsasalita. Sa inis ay sinuntok ko ang dibdib niya gamit ang kaliwa kong kamay. Napasinghap sila sa ginawa ko ngunit hindi man lang dumaing si Abraham.

"Tama na! Pwede? Makakalis ka na."

"What? Lena… are you out of your mind? You think I'll let you stay here? Hell no!" ginulo niya ang buhok at nagmura. Tinalikuran ko siya at hinarap si Aling Rosas.

I'd Rather Onde as histórias ganham vida. Descobre agora