17. Boom!

150K 2.3K 267
                                    

I don't know why but I was feeling down that morning after what happened between Xander and I. Naaawa ako sa kanya sa totoo lang. Hindi ko makalimutan ang hitsura niya dahil sa mga suntok ni Yto. Si Yto naman hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko hindi lang dahil sa pag-iyak ko ang dahilan niya kaya niya nasaktan si Xander. Pero kahit na ganoon – mali pa rin siya. Dapat hindi niya sinaktan si Xander. Naaawa talaga ako sa kanya pero kasabay naman ng awa ay iyong inis at galit.

Sa lahat ng tao si Xander pa ang gumawa sa akin noon. Sanay na ako na may mga nagsasalita ng kung ano-ano sa likuran ko but Xander, he's one of my trusted friends. I let him in my life, I loved him – as a friend. I treated him good pero sa huli iyon pa ang isinukli niya sa akin. Masama ba ako kung magagalit ako kay Xander? I felt so betrayed.

That morning, Yto went to my room. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakabenda ang mga kamao niya. Napatayo ako.

"Anong nanyari diyan?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang tigas kasi noong mukha noong Xander na iyon." Inis na sabi niya. Naupo siya sa kama ko at saka hinarap ako. Kunot na kunot ang noo niya. Tinititigan niya ako na para bang may ginawa akong masama. Napalunok ako. Bigla siyang ngumisi.

"Kayo na ba ni Zachary Drew?" Tanong niya sa akin. I made a face.


"Sinapak mo si Zach kahapon." Mahinang sabi ko. Ngumisi lang si Yto. Hindi ko talaga alam kung bakit siya ganito. Nitong mga nakaraang araw palaging mainit ang ulo niya. Palagi siyang nakasimangot pero sa labas lang naman iyon. Kapag sa akin at kay Nanay pati na rin sa mga kapatid naming palagi siyang nakangiti. Mabait naman si Yto. Malambing siya pero tago ang side niya na iyon.

"Hindi naman sadya iyon  saka humarang siya. And speaking of, nasa baba nga pala iyong boyfriend mo." Tumayo na siya. Lalabas na siya ng silid ko nang bigla siyang lumingon. "Hindi ko pa nakakaliskisan si Zachary Drew, Yza. No one will ever get through you without getting through me first."

Napailing ako. Alam kong seryoso siya pero hindi ko na lang pinansin. What's the worst that he could do? Wala naman. Kaibigan rin ni Yto si Zach kaya alam kong kahit anong mangyari, bubuhayin niya si Zach at hindi niya ito lulumpuhin.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba sa sala. I saw him in there. Mukhang kagagaling niya lang sa rehearsals. Nakasuot siya ng hood na kulay red tapos may nakasulat na Harvard sa harapan ng damit niya. Ngumiti siya nang makita ako. Bumaba naman ako sa hagdan at agad siyang nilapitan.

"Hi..." I greeted him. Damn. Nandoon na naman iyong butterflies sa tyan ko. Gusto kong tumalikod muna para makangiti ng sobrang lapad. Hi palang ni Zachary Drew kinikilig na ako.

"Kamusta iyong pisngi mo? Nagalit ba si Yana?" Kinakabahang tanong ko. He grinned. Hinawakan niya iyong kamay ko saka pinakita sa akin iyong gilid ng pisngi niya.

"Tago naman. Saka hindi naman halata." He cleared his throat. "May gagawin ka ba? Pwede bang sumama ka muna sa akin? Sandali lang naman." He said. Kinabahan ako. Saan kami pupunta ni Zach? Gusto kong tanungin pero hindi ko na ginawa. Alam ko naman na kahit saan kami pumunta ay hindi niya ako sasaktan. Hawak pa rin niya ang kamay ko – lumabas kami ng mansyon at tinungo ang sasakyan niya. May driver siyang kasama ngayon.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya sa akin. Tahimik lang siya sa tabi at dahil doon kinakabahan talaga ako. Ano kayang iniisip ni Zachary Drew? Bakit hindi siya nagsasalita? Saan kami pupunta at anong balak niya? I sighed. Napahigpit ang paghawak ko sa kamay niya.

Lumiko kami papasok sa isang village. Nanuyo ang lalamunan ko. Parang may ideya na ako kung saan kami pupunta. Nakumpirma ang hinala ko nang huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay. Napabuntong hininga ako.

The runaway heiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon