Kwentong Wattpad Turns into Reality

77 2 0
  • Dedicated kay Stephanie Danielle Mago
                                    

This story was my entry on The Voice Wattpad which unfortunately hindi napili hehe . and regarding sa Chat, wala na pong chat sa wattpad ngayon eh kaya baka malito kayo. :))

------

“…May mahal ako, pero meron akong crush

May crush ako, pero meron akong mahal…”

Waahh .. Binaliktad ko lang ata

“Hoy babae, ano na namang sinusulat mo diyan?” tanong sa akin ng etsusera kong pinsan habang tinitignan ang mga isinusulat ko sa papel.

“Wala. Kung anu-anong kapraningan lang. Kumain ka na ba couz?” sabi ko habang patuloy na nagsusulat ng kung anu-ano.

“Ako? Magpahuli? Walang Linet Mendez sa lahi natin ang nagpapahuli sa pagkain nu!” proud pa nitong pagkakasabi.

“Batukan kita diyan eh!” sabi ko habang nakatutok sa kaniya ang ballpen na hawak ko.

 “May mahal ako, pero meron akong crush May crush ako, pero meron akong mahal. Yung totoo couz, baliw ka na?” nakataas kilay na sabi ni Linet pagkatapos basahin yung sinulat ko.

“Tse. Wala kang pake!” tapos inakap ko yung notebook na pinagsusulatan ko para di nya na makita.

“Naku couz, umamin ka nga!”

“Anong aaminin ko?”

“Sino yung tinutukoy mo dyan?” sabay turo sa akap kong notebook.

“Wala nuh!”

“Weh?”

“Oo nga!”

“E, para saan yan?”

“Eto? Para ‘to sa contest sa wattpad. Yung THE VOICE.”

“E, bakit ayaw mong ipakita?”

“Bawal eh. Baka madisqualify ako pag nagkataon.”

“OA naman nito.”

“Kasama kasi yun sa mechanics.”

“Whatever! Ikaw eh. Napakaadik mo sa paggawa ng mga kwento kwento, di ka naman nagkocompose ng sarili mong kwento sa totoong buhay.” pangaral pa sa akin.

“Just a waste of time.” sabi ko at inirapan sya. HMP :3

“Huu, ang sabihin mo, takot ka lang masaktan!” animo may assurance na pagkakasabi nito.

Natigilan ako bigla. May punto ito. Hmn.

“Tse! Umalis ka na nga! Istorbo!” taboy ko dito at itinulak ko sya palayo.

“Gotcha! Try some other time couz. Its worth your time.” natatawang sabi ni Linet habang tinutulak ko.

Nung ako nalang mag-isa dito, nainis na ako!

Pinilas ko yung papel tapos tinapon ko sa bintana.

Pagkatapon ko, nagmamaktol akong parang sira..

“Waaaaahhhh!! Bakit ko tinapon yun! Dun nakasalalay ang 500 peso load ko!! Waaaaaahhhh!! Bwisit talaga!!” sigaw ko. Ako lang naman mag-isa tao dito e kaya okay lang.

Nanuod  nalang ako ng TV, iwas frustration.

“Steph, where are you?” tawag sa akin ng kung sino.

Nilakasan ko yung volume ng TV. Kunwari wala akong naririnig. Saka obvious bang nasa sala ako? Nanunuod nga di ba? May pa ‘where are you, where are you’ pang nalalaman.

“Dito ka lang pala.” sabi nung taong tumatawag sa akin kanina.

Di ko sya pinansin.

“Uy, Steph.” he poke me.

One Shot Collections :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon