Preview

42.4K 459 7
                                    

"Can you act?" tanong niya dahilan para matigilan ako at mapatingin sa kanya.

Nandito ako ngayon at nakaupo sa isang mamahaling restaurant na sa totoo lang ay hindi ko alam kung saang lupalop ba ng Pilipinas, habang kaharap ang isang lalaking na sa tanang buhay ko ay ngayon ko pa lamang nakita.

"Ha?" tanong ko ulit pabalik sa kanya.

Tama ba yung narinig kong sinabi niya o nabibingi lang ako?

"I'm asking you if you can act," saka niya kinuha yung kape na nakapatong sa harapan niya at ininom nang hindi inaalis ang mga mata sa akin.

Hitsura, pananamit, tindig, at pagkapino ng bawat kilos niya hindi na kailangang ipagsigawan pang galing sa mayamang pamilya ang taong ito. Pamilyang milya-milya ang layo sa estado ng buhay na meron ako mula pa pagkabata.

Teka sandali. Mabalik nga tayo sa reyalidad. Ano nga uli ang sabi niya?  'Act' as in arte? Hmmm... umekstra na ako sa pelikula dati bilang taga-serve ng kape bilang raket. Oo, pwede na siguro iyong ganun.

"Oo," sagot ko nang hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

"Then are you willing to work for me?"

"Ano namang klase?" Ni hindi ko na pansin kahit lumalamig na ang sa tasa ng mainit na kape sa harapan ko dahil sa mga lumalabas na salita sa bibig ng kaharap ko.

"Act as my girlfriend until I say so," sabi niya ng dire-diretso at walang bahid ng pagaalinlangan.

Nanalaki ang mga mata ko at dahil sa pagkabigla ko, di ko napigilan ang mapasigaw.

"Ano!" at lahat ng mga leeg ay napalingon sa direksyon namin.

Playing MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon