Chapter 2

12.4K 229 4
                                    


Chapter 2

"BUT THE RECEPTION has just started and the visitors will look for you—"

Itinaas ni Krizstian ang isang kamay bilang pagputol sa mga sasabihin pa ng babae.

"Isn't that why I married you? Deal with it." Anya habang niluluwagan ang kurbata sa kanyang leeg.

"Krizstian, they'll find it weird na wala ang groom sa mismong—"

"I.am.fucking.tired. And I'm going to go now. Ibibilin ko sa driver sa baba na ihatid ka na lang." He said dismissively.

She bit her lower lip at ilang segundong nakatingala lang sa kanya. Matapos ay tumango ito at lumabas sa pribadong silid na iyon kung saan sa labas ay ang event room ng hotel. Doon kasalukuyang ginaganap ang reception ng kasal niya.

Yes, fucking hell. His wedding. Ilang oras na rin ang lumipas mula nang matapos ang seremonya ng kasal na iyon. Pamilya lang nila ang dumalo at ilang bisita na karamihan ay miyembro ng board o may kinalaman sa negosyo. And he still can't believe he agreed to this bullshit.

Naalala niya ang mukha ng babaeng pinakasalan. He can't help but felt a little guilt sa klase ng pagsasalita niya. He shouldn't blame her. But he can't blame himself either.

Dumaan siya sa back exit upang makalabas ng mapayapa. Yung walang mga pinsan na haharang sa kanya.

Pagbaba niya ay sinalubong siya ng dalawang personal bodyguard-cum-driver niya.

"Encinas, ready the Volvo. We will be heading at the resort first." Agad na tumalima ang kanyang inutusan. Bumaling siya sa natitirang nakatayo sa harap niya. Nakangiti ito at naghihintay ng kanyang utos. "You stay at the Mercedes and wait for my... the bride. You know where to take her."

Sumakay siya sa backseat pagparada ng naunang sasakyan sa harap niya. Agad siyang sumandal at ipinikit ang mga mata. He felt so drained. He didn't know a wedding will be this exhausting. Sa pagod ay agad siyang nakatulog.

"YOU GO first. I still have things to take care of."

Hindi alam ni JL ngunit nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng lalaking pinakasalan. Kanina pa siya kinakabahan sa maaaring mangyari matapos ang pagdiriwang ng kasalan na iyon. Hindi niya alam ang gagawin niya kung sakaling sabay pa silang pumunta sa kung saan man nito binabalak na idaos ang unang gabi nila.

Sa pag-iisip pa lang ng unang gabi ay nanunuyo na ang lalamunan niya. Muli siyang napatingin kay Randal. Actually, he is good looking. A twenty-eight year-old business man.

Ngunit hindi niya parin maibigay ng buo ang damdamin niya sa kasal na naganap. Randal Nuesco can be any woman's dream. Hindi lang siguro talaga siya nabibilang sa mga babaeng iyon.

"Ihahatid ka nila Peter at George sa sasakyan sa baba. Wait for them here."

"I think I can manage. Bababa lang naman. Kailangan bang pabantayan mo pa 'ko. Diba parang huli na ang lahat para tumakas pa 'ko."

Matapang na tiningala niya ang lalaki. Nakataas ang kilay nitong yumuko para magpantay ang paningin nila. Nakaupo siya sa kama sa loob ng suite nila sa hotel kung saan ginanap ang reception ng kanilang kasal.
Hinawakan nito ang baba niya.

"You will do as you're told, woman." Matigas na sabi nito.

Iniiwas niya ang mukha at tinapunan ito ng masamang tingin. Hah! Do as she's told? Dapat ay humanap ito ng ibang papakasalan kung ang nais nito ay ganoon. Masunurin siyang anak ngunit hindi niya alam kung masunurin din ba siyang asawa. Sa palagay niya ay hindi dapat.

Hindi siya nililingon na humakbang na ito palabas ng silid. Nagkasya na lang siya sa pagtitig sa likod nito ng masama.

Ayon dito ay nagkaroon ng problema sa trabaho na kailangan munang ayusin bago sila makapag... bakasyon ng dalawang linggo. Shit! Ni ayaw niyang isipin ang salitang honeymoon!

What the hell will she do? Kahit anong gawin niya ni hindi niya maisip na gawin iyon kasama ang lalaking pinakasalan! How she wish she wasn't virgin anymore. Siguro ay mas madali kung ganon.

Mariin siyang napapikit at napatayo mula sa pagkakaupo. Tumatambol ang dibdib na nagpabalik-balik siya ng lakad. Dapat talaga ay mauna siya doon. Para makapag-isip pa siya. Baka sakaling malusutan niya ang gabing ito. Pagod siya sa buong araw. Baka pwedeng idahilan iyon? Pero ano na bukas?

Humigpit ang kapit niya sa malambot na tela ng bridal gown.

Nagtatakang lumingon siya sa pinto. Nasaan na ang maghahatid sa kanya. Dapat ay umalis na sila!

Lumapit siya sa pinto at binuksan ang seradura. Hindi na siya nag-isip at sumakay siya ng elevator na diretso sa parking lot kung saan alam niya naroon ang mga sasakyan. Paglabas pa lang niya ng elevator ay sinalubong agad siya ng unipormadong lalaki. Ngumiti ito sa kanya at bumati.

"Uh, I'm looking for—"

"Yes, ma'am. Ibinilin na po kayo sa akin ng asawa ninyo." Ngiti muli ng lalaki.

Halos mapangiwi siya sa salitang 'asawa'. Iginiya siya nito sa pulang Mercedes Benz A180.

"Malayo ba ang pupuntahan natin?" Tanong niya nang mapansin na papalabas ng city proper ang tinatahak ng sasakyan.

"Yes ma'am. Hindi po ba sinabi ni Sir? Sa private resort po ni Sir sa Batangas ang honeymoon ninyo." Masayang sabi ng driver.

"Ganun ba. Ilang oras pa pala bago tayo makarating?"

"Opo. Ma'am, kung hindi niyo po mamasamain, mas maganda po pala kayo sa malapitan?"

Napangiti siya at hinayaan munang kumalma ang sistema niya. Magaan kausap ang lalaki. Hindi niya na namalayan kung saan at kailan siya iginupo ng antok.

×××

AS#1: Bride Switch (Completed)Where stories live. Discover now