OVERFLOW
Ilang araw ng laging maganda ang gising ni Jimmy magmula ng sinabi sakanya ni Hailey ang posibilidad na malapit niya ng matapos ang antidote.
"Good morning, Hailey! Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita! How about waffles? I can make one for you." Masiglang sabi nito ng makitang kalalabas lang din ng kwarto ang dalaga.
Hindi na lamang nagsalita ang dalaga at agad nagtungo sa kusina. Alam niyang kaya ganun ang asta ng binata ay dahil sa sinabi niya tungkol sa antidote ng drug na nainom ng babaeng mahal niya.
Kumuha lamang ng isang basong tubig at dalawang pirasong cookies ang dalaga at nagtungo ito sa sala at naupo sa sofa.
Hindi niya napansin na sinundan pala siya ni Jimmy at naupo din sa tabi niya. "Kamusta? Ilang araw pa bago magawa 'yung antidote?" Nakangiting sambit ni Jimmy.
"Could you shut up, can't you atleast let me rest? I slept for only two hours. I am awake the whole night creating that antidote. Please, all I need is for you to shut your mouth." Inis na sagot nito. Naririndi na siya sa katatanong tungkol dito.
Sino bang niloloko niya? Naiinis siya dahil kaya nagkakaganyan si Jimmy ay dahil gustong-gusto niya ng makasama si Rachel.
Napatulala na lamang si Jimmy sa inasta ng dalaga. Hihingi na sana siya ng pasensya ng bigla niyang narinig ang tunog ng doorbell.
"Titignan ko lang kung sino 'yung nasa labas." Hindi komportableng sambit ni Jimmy lalo pa't tingin niya'y galit sakanya ang dalaga.
Hindi sumagot ang dalaga kung kaya'y tumayo na ang binata at tinignan kung sino ang bisita.
"Magandang umaga, Jimmy." Isang babaeng may magandang mukha. "Ako nga pala si Betty."
Inimbitahan ng binata na pumasok sa loob ang dalaga. Tinanong niya din ito kung anong maitutulong nito sakanya. "Katatapos lang kasi nung show ko then nabalitaan ko ang tungkol sayo, Mommy told me about you, she's one of the crowd on the Avenue Hotel Case. Sabi nila, para ka daw isang detective. Gusto ko sanang humingi ng tulong sayo. Wag kang mag-alala, magbabayad naman ako." Sabi nito saka binuksan ang bag niya. Nakita ni Jimmy ang puti at pulang mga panyo, pati na rin ang isang deck ng kulay rosas na baraha.
Ngumiti na para bang interesado si Jimmy sa nasabi lalo pa't hilig niya ang mga ganitong bagay. "You don't have to pay me. I'll do it for free."
Napailing na lamang si Hailey sa inasta ng binata.
"So what's really happening?" Biglang singit ni Hailey.
"Is she your assistant?" Tanong ng babaeng si Betty.
"Nope. She's my partner." Nakangiting sagot ni Jimmy na nagpagulo na naman sa tibok ng puso ng dalaga.
"Ah. I see. Ngayon kasi, kakain kaming magkakaibigan sa isang restaurant, we planned it yesterday. Pero, may biglang tumawag sa telepono sa bahay kagabi, the person is somehow using a voice changer."
"What did this person told you?" Jimmy asked.
Agad itong nanginig sa takot, "That person will kill James today, he's one of my friend."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Traitor Has Fallen
Bilim KurguCOMPLETED | TAGALOG DETECTIVE CONAN | FANFICTION Hailey Lodge, a soon to be scientist who was forced to create a drug. One day, she was asked to examine the effect of that drug to her only friend. Then due to unfortunate incident, she found herself...
