CHAPTER 2-Edited1

32.8K 759 44
                                    


Cover credits to Prudence Volkzki

"ARGHH! This is such a boring night!" Naaasar na sigaw ni Chyna sa kawalan habang lumilinga sa kabuuan ng rooftop ng Bachelor's Hotel.

May red leatherette sofa sa pinakagitna at may maliit na center table sa harap mismo noon. Walang duda na tambayan din iyon ng kung sino. Or maybe, sadyang ganoon ka-generous ang management na ultimo rooftop ay maayos at maganda sa paningin. Tiled ang floor at ang balustre ay yari sa makapal at mamahaling uri ng bakal. Siguro ay ginawa talaga iyon bilang tambayan.

"Wala man lang maski makaaway rito!" Naiinis na isasalampak na sana ni Chyna ang sarili sa sofa nang may marinig na tumikhim sa likuran niya.

"Let me do the favor." Came the soothing voice from her back.

Hindi napigilan ni Chyna ang mapalingon. And there she found a hunk and undoubtedly sexy man. Nasa anim na talampakan o higit pa ang tangkad nito. But he looked very tall and powerful while he was walking near her.

He had a prominent jaw and confident face. Maigsi at clean cut ang buhok nito. At ang mga mata ay nakakalunod kung makatitig sa kanya. Pabastang nakaalampay ang hawak nitong coat sa kanang balikat at ang mga butones ng puting polo ay bukas hanggang ika-apat na butones. Naglulumikot tuloy ang mga mata niya at para bang gusto niyang hawiin na ang telang iyon para makita ang kung anong tanawing tinatakpan.

And she was certain it was one heck of a view. He was nerve-wrecking!

Tuloy siya sa pag-appraise sa lalaki nang huminto ito sa harapan niya. She had an urge to smile at him. Higit ang pagnanais niyang ngumiti rito kesa sa pagnanais niyang ngitian ang mga lalaking nakilala at nakaagaw ng atensyon niya.

This man was way different from those. Malayo palang ito ay naghuhumiyaw na ang karisma na kahit sinong babaeng nasa matinong isip ay hindi pwedeng hindi maapektuhan.

Umigkas ang isang gilid ng labi ng lalaki at pinakatitigan siya. And it just added to his so manly character. Sa karaniwang sitwasyon ay baka nilalandi na niya ang estranghero lalo pa nga at aware siya sa attraction na biglang naramdaman pagkakita rito. Pero hindi niya magawa. Ang nais lang niya ay matulala rito habang nag-iisip ng mga makamundong bagay patungkol sa lalaki.

He was so, so attractive, so irresistible... so masculine in every way.

Para bang kay sarap matikman ng mamula-mula nitong mga labi. Hindi ganoon kaliwanag sa rooftop dahil sa lawak noon ay apat na poste lang ang may ilaw at malayo 'yun sa kanila. Pero sapat ang malamlam na liwanag upang makita niya kung gaanong nakakapugto ng hininga ang anyo ng bagong dating.

"I'm expecting na walang tao rito kaya ako umakyat. But see? May naligaw palang magandang binibini na naghahanap ng kaaway sa kawalan."

He was talking so softly that his warm breath touched her delicate face. At hindi maintindihan ni Chyna kung anong klaseng damdamin ang biglang nanulay sa kabuuan niya. It was just his warm breath for goddamn sake!

Hindi naman siya ngayon lang nakaharap sa isang mala-dios sa kagwapuhang nilalang pero hindi niya mahulaan ang sarili kung bakit ganoon nalang ang epekto nito sa kanya.

"I-I was just... so bored." Kandautal na tugon ng dalaga. Hindi maialis ang mga paningin sa napakagwapong tanawin.

He grinned and those expressive chocolate brown eyes studied her from head to toe. At katulad ng marami ay mabilis na lumarawan sa mukha nito ang matinding paghanga.

"Are you one of the guests from the party?"

Tumango si Chyna.

Oh, damn! Speak, your ass, woman! Kailan ka pa na-speechless?

Owning The Heiress (Completed And Published)Where stories live. Discover now