CHAPTER 1-Edited1

Start from the beginning
                                    

Yeah. Formal that it bored her to death.

Hindi nalang pinatulan ni Chyna ang sinabi ng ina. Of course the party should be formal. Maski ang mga tugtugin ay nakakapangilabot sa kanya. Not that she hates old songs. Marami rin naman siyang old songs na nagugustuhan. Pero hindi lang talaga siya natutuwa sa mga formal occasions na tulad nito.

Pangiti-ngiti nalang ang dalaga sa mga taong ipinakilala sa kanya ng mga magulang na wala nang ginawa kundi purihin ang anyo niya.

Nagtatawanan na ang mga ito over something na hindi niya maunawaan. O talagang wala siyang pakialam.

She wanted to get out from here, fast!

Nawalan ng pakialam si Chyna sa sinasabi ng mga magulang nang matanaw niya ang kaibigang si Loridee. Ang bunso ng mga Bachelor. They were best friends for time immemorial. Maigi nalang at may makakausap na siyang matino.

Nagpaalam siya sa ina na hindi na nakatutol dahil mabilis na siyang tumalilis mula sa mga ito.

"Hey, girl!" Masiglang bati ni Loridee. Nanlaki pa ang mga mata nito pagkakakita sa suot niya. "Himalang pinayagan ka ni Tita na magsuot ng ganyan?"

Hinagod ni Chyna ang sarili. "What is wrong with what I am wearing? Aint I'm hot?"

Red fine silk tube dress na mid-thigh length ang suot niya na may eleganteng detalye sa gilid. Hakab na hakab iyon mula sa dibdib hanggang bewang at pabuka naman sa paibabang bahagi. Tinernuhan niya iyon ng simple pero elegante ring choker. Sa magkabilang tenga ang pares ng one carat each na diamond stud earrings. Calvin Klein wristwatch at thin chain bracelet.

Ang magaganda at mahahabang binti ng dalaga ay lalong na-emphasize ng suot na three-inches high-heeled stilettos.

"Yun na nga mismo, apple pie! You are such a sultry sa suot mo."

Hindi na bago sa kanya ang bagay na iyon dahil parating ganoon ang bansag sa kanya ng mga nakikilala at nakakasalamuha.The sultry heiress. Na himalang hindi pa nakakarating sa mga magulang niya. She was falsely accussed of some people pero wala siyang pakialam sa iniisip ng iba. Gagawin niya ang gusto niyang gawin.

"And knowing Tita, she wouldn't allow you to wear that in this kind of occasion." Dagdag pa nito.

Well, tama naman si Loridee. Pinagtaluhan nilang mag-ina ang suot niyang iyon ng napakatagal. Pero dahil hindi rin naman siya paaawat, at sinabing hindi siya sasama sa party kung hindi iyon ang suot niya, idagdag pang naroon ang Daddy niya bilang back up ay napapapayag rin niya ang ina.

'Ganyan na talaga ang mga kabataan ngayon, darling.' Sambit ng kanyang ama na inakbayan ang asawa. Sumilip sa relos at binalingan sila. 'Late na tayo. Kailangan ko pang makausap rin si Mr. Hendrick. Naroroon rin siya sa party ngayon. At baka mawalan na ako ng pagkakataon kapag naharang na siya ng ibang competitors—'

'But Emmanuel! Look what she's wearing? Baka sabihin naman ng mga makakakita, sa yaman nating ito ay kinakapos ng tela ang unica hija natin?'

'Next time ay bibili tayo ng isang rolyong silk para kay Chyna. Pero sa ngayon, umalis na tayo at late na talaga tayo.'

Wala ding nagawa ang pagpoprotesta ng ina dahil gahol na sila sa oras. Sinadya niyang magtagal sa pagbaba para magahol sila sa oras at hindi na siya pagbihisin ng ina.

Her mother was such a conservative woman. O kaya ganito ay dahil nag-iisa siyang babae at parang Barbie doll nito na ito ang nagbibihis sa kanya. But when Chyna stepped into the age when she can chose and dress herself ay hindi na siya mapasunod ng ginang.

"Well, tranchè, you know me. Magagawan ko ng paraan kapag ginusto ko."

Endearment nila ni Loridee sa isa't-isa ang mga paborito nilang dessert since when they were seven years old.

Owning The Heiress (Completed And Published)On viuen les histories. Descobreix ara