Lumingon na ako pabalik sa kanila nang mapansin kong sinusuri nina Ky at Iza ang mga bahay kubo, tanging si El lang ang nasa tabi ko.

"I tell you this, France." napako naman ang paningin ko sa kanya nang bigla siyang magsalita, "Hinding hindi tayo makakatakas dito. Maniwala ka man sa akin o hindi, kahit na may nakaraan na tayo dito, hinding hindi pa rin tayo makakatakas kung tayong apat lang." pagpapatuloy niya. Tumingin muna ako sa dalawang nagsusuri sa mga bahay kubo at nagtanong.

"What do you mean by that?" seryoso kong tanong.

"Ramdam kong mas marami na silang alam kesa sa ating apat. Mas marami na silang alam tungkol sa lalaking iyon."

"Ibig mo bang sabihin, gusto mong makipagtulungan sa kanila?" pagtatakang tanong ko at tumingin sa kanya.

Tumango siya. Nakikita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo.

"No. It's impossible." sabi ko nalang.

"Nothing is impossible, France. It's not bad if we try convincing them, right?" nakangiting saad niya sa akin.

Magsasalita na sana ako nang mabigla kami sa biglaang pagbagsak ng isang bahay kubo. Sa sobrang bigla ko ay napakapit ako kay El, "N-nandito ba siya?" tarantang tanong ko.

Narinig namin ang paguubo ni Ky habang tumatakbo papunta sa direksyon namin ni El, "Damn Ky! What did you do?" galit na tanong ni Iza sa kanya.

Nang mahimasmasan na si Ky ay tinignan niya muna ang bumagsak at nasirang bahay kubo, "Hinawakan ko lang yung pintuan ng bahay kubo na 'yan at bigla bigla nalang bumagsak!" pagpapaliwanag naman niya sabay tingin sa amin.

Nakita naming bigla bigla nalang yumuko si El at pumulot ng isang bato na katamtaman ang laki. Hindi siya nagsalita kundi binato niya yung bahay kubo na nasa gitna gamit ang pinulot niyang bato.

Bumagsak din ito at nasira. Napailing siya at pumulot na naman ng isang bato sabay hagis nito sa natitirang isang bahay kubo.

Hindi namin inasahan na hindi ito babagsak, "Let's sneak inside." utos naman bigla ni Iza at sumunod nalang ako sa kanila papalapit sa bahay kubo.

Lalong bumibilis yung tibok ng puso ko at mas lalo akong nangilabot nang humangin ng napakalakas, malamig na hangin. Sana...sana mali itong kutob ko. Pagod na pagod na kami, gusto ko muna sanang magpahinga kahit ngayong gabi lang. Walang pagkain, tubig. Para kaming alila dahil sa village na ito.

"Wait" napatigil kami sa biglaang sambit ni Ky, "Find some things to use as our weapons before going inside." nagmadali kaming naghanap. Dahil nga malapit ang tatlong bahay kubo sa gubat, nagpasya kaming kahoy nalang ang kukunin. Malaking kahoy, matulis na kahoy at iba pa.

Natanaw kong napahinga ng malalim si El dahil siya ang magbubukas ng pinto. Nagprisinta siya dahil siya daw ang lalaki at kailangan niya daw kaming protektahan. Maswerte ako sa mga kaibigan na katulad nila.

"Here we go" bulong ni El. Binuksan namin dahan dahan ang pinto pero nagpalabas pa rin ito ng ingay habang binubuksan.

"Be careful" paalala naman sa amin ni Iza at unti unti na kaming pumapasok sa loob.

Mabuti nalang na sobrang liwanag ng buwan ngayon, dahil doon, nakikita namin ng medyo ang buong bahay kubo at may bintana din ito na katamtaman ang laki na doon naman pumapasok ang liwanag ng buwan. Wala kaming ibang gamit, even our phones are gone kaya wala kaming magamit na pang-ilaw.

"Walang tao dito. Maliit lang ang bahay kubo na 'to at nakikita naman natin ang buong bahay kubo dahil sa buwan." kampanteng sabi ni Ky sabay diretso nito sa bintana at parang may sinisilipan.

Deadly GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon