Chapter 3 : Alter Ego

7 0 0
                                    

Alexea

Tulad nung mga nagdaan na araw, inasahan kong magigising ako dahil sa sinag ng araw sa bintana sa tapat ng kama ko. Pero ngayon, hindi.

"ALEXEAAAAAAAAAAA!"

Ayan ang sigaw ni mama na may kasama yugyog at pagsipa sa kama. Ewan ko ba bakit sa sinag ng araw madali ako magising, pero yung mini fiesta ni mama walang ubra sakin.

"Opo Ma! Eto na po babangon na, eto oh bunabangon na. Nagiinat na nga eh, oh ganon" wala na kong nagawa kundi bumangon kasi di tumitigil ang fiesta ni mama hanggat di ako babangon

"Mabuti naman at ikaw na lang ang hinihintay" pumasok na ko sa cr at nagsimula na maligo. Sorry sa mga bumili ng ticket sa concert ko, mukhang cancelled ang concert ngayon due to my hectic schedule.

Binilisan ko na pagligo at pagbihis. Simpleng pantalon at pantaas lang sinuot ko, mageenroll lang naman aarte pa ba!

Nagmadali akong bumaba para kumain at nakita na nasa sala si Austin at Papa na nakabihis na at nanonood na lang ng TV

"Bilisan mo Alexea, lahat kami ay tapos na, ikaw na lamang hinihintay namin"

Tulad ng sabi ni mama, sobrang bilis akong kumain na halos mabilaukan na ko. Kelan pa ba ko naging mabilis? Ah. Yung panahong sobrang bilis kong nahulog sa kanya, kaya di niya ko nasalo.

Pagtapos ko kumain nag-ayos agad ako at sumunod na sa kanila sa labas na naghihintay bago pa nila ko tuluyang iwan. Ako, eto naghihintay parin sayo.

"Hay sa wakas! Tara na at magaalas dies na" pagpasok sa sasakyan, damang dama ko yung init sa pilipinas. Parang yung commercial sa ice cream, paran piniprito. Ako parang nasusunog na sa oven.

"Wala na bang naiwan?" pagsabi naming wala, pinaandar agad ni papa ang sasakyan at kahit papano nakakaramdam na ko ng hangin.

"Grabe napakainit sa Pinas" alam kong di lang ako ang nakakaramdam ng init

"Ay ate, sorry kung mainit ah. Namomroblema pa kasi ako pano mababawasan pagka-hot ko eh"

"Ha? Bat mo pinoproblema problema ko?"

"Corny mo naman ate eh! Minsan na nga lang ako magloko, babarahin mo pa ko"

Oh well, ano ba magagawa ko? Automatic na lang nalabas sa bunganga ko mga pambabara ko eh.

"Hay nako kayong dalawa. Manahimik na lang kayo para mabawasan yung init kaysa nagtatalo kayo kung sino sainyo ang 'hot'. Mahal, daan muna tayo sa convenient store para bumili ng inumin, nakalimutan ko magdala ng tubig" buti na lang at Manila to. Kahit san ka pumunta may tindahan o convenient store. Di din malalayo ang mga mall at school.

Pagdating namin sa 7-11 bumaba agad ako para makatakas sa init ng kotse. Parang mas mainit sa kotse kesa sa labas.

Pumasok na ko sa store at kumuha ng inumin. Ganun din sila mama, papa at Austin. Pero si Austin, di lang inumin kinuha niya. Bumili na din siya ng pagkain. Austin yan eh, bago pa ba yon?

At dahil mukhang hirap na hirap mamili si mama ng bibilhin niyang inumin, nauna na ko magbayad gamit yung pera ko.

"Good Morning Mam. May Reward Card po kayo?"

Napatingin ako sa cashier at nagulat ng makita ang isang matangkad at gwapong cashier. Wow.

"A-ha? W-wala po"

Nauutal ako di ko alam bakit. Ang pogi niya para sa isang cashier. Iniscan niya na yung binili ko at binigay ko na yung bayad ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HugoteraWhere stories live. Discover now