Chapter 2 : Kind Act

3 1 0
                                    

Alexea

Pagtapos ko ayusin yung mga gamit ko sa kwarto bumaba na ko para kumain ng tanghalian. Magaala una na din kasi.

"Oh kamusta naman kwarto mo? Ayos na ba?"

"Ah opo. Nalagay ko na po mga gamit ko. Konting paganda na lang magiging bongga ulit kwarto ko"

"Kelan ba naging bongga kwarto mo?"

"Lagi naman bongga kwarto ko! Sa panaginip ko nga lang, yung parang sa mga artista na kwarto. May mga vanity table tapos kung ano ano pa"

"Nako magipon ka muna ng pera para naman pag nagka varsity table ka may laman naman"

"Ma, vanity po, hindi varsity. Di ako sporty no!"

Di nanaman nagsalita pa si mama. Pano ko kaya masusulit mga huling araw ng bakasyon? Hindi na ko pwede magsummer job kasi matatapos na ang summer. Hilig ko kasi magsummer job dahil, ewan, siguro kasi madami akong nakikilala at nagkakaexperience ako.

"Ma pupunta akong mall mamaya ha?"

"Bakit ano gagawin mo don?"

"Kakain tapos bibilhin ko na yung libro na pinagiipunan ko. Tapos magpapark po ako pagkatapos para naman maging familiar na ko dito"

"Di ka kaya mawala?"

"Di yan ma. Sige aakyat muna po ako, dun lang po ako sa kwarto"

Pagakyat ko sinara ko agad ang pinto. Humiga ako sa kama, napakaboring. Tinignan ko mga online kong kaibigan. Mga di ko naman kaclose tong mga to. Ano na ba gagawin ko sa buhay ko? Help me please.

Dahil wala na talaga akong maisip na magawa, nagbihis na ko, ngayon na ko aalis. Wala naman akong ginagawa eh, bakit ko pa papatagalin? Mahal mo naman pala yung tao, bakit papatagalin mo pa diba?

-

"Good Afternoon Mam" bati nung security guard sabay tusok sa bag ko. Tinutusok lang naman, di naman talaga tinitignan.

Dumiretso agad ako sa National Book Store. Lugar na puno ng kaligayahan para sakin. Yung amoy ng mga libro. Yung kahit san ka tumingin may mga libro. Yung sandamakmak na ballpen. Yung cute na notebooks at planners. Rain some money please.

Pumunta agad ako sa Teens nung mga libro. Kinuha ko na yung pinagiipunan kong libro at pumunta na da counter. Biglang may nahagilap yung mata ko, nakita ko yung libro na hinahanap ko sa bawat NBS kasi laging out of stock. At nagiisa na lang siya dito! Tinignan ko laman ng wallet ko, yung pera ko isang libro lang mabibili. Ano gagawin ko?!

Biglang may kumuha ng libro na hinahanap hanap ko dati.

"Aba loko ka ah! Kita mong tinitig-"

"Maganda ba to?" napatigil ako. Bakit nandito siya? Di ko naman matanong, di naman kasi kami close diba?

"Ha? Oo naman"

"Sige bibilhin ko na to ah" ano?! HINDI PWEDE! Itatago ko pa yan sa pinakalikod ng mga shelves at babalikan ko pa yan!

"Ha? Ah! Bibilhin ko sana yan eh"

"May hawak ka nang libro oh" sabay turo sa libro na pinagiipunan ko.

"Ah- eh, yung dalawa bibilhin ko"

"Enough pa ba pera mo?" aba. May balak ba tong nakawin wallet ko at nalaman niya magkano laman ng wallet ko?

"Sige na ako na lang bibili Alex, papahiramin naman kita eh"

"Ha? O- sige okay. Wala na din nanaman talaga akong pera eh"

HugoteraWhere stories live. Discover now