Chapter 1 (The beginning of an end?)

546 25 2
                                        

Hi I'm Carla 18 years old from Valenzuela City. Okay naman ang height ko para sa babae, ang asset ko daw ay ang mata at ang lips ko. Matangos din naman ang ilong ko at maputi at makinis din naman ang balat ko. Sa makatuwid ay maganda naman daw ako. Kahawig ko nga daw si Coleen Garcia eh (as if naman na naniniwala ako). Lumaki ako na maayos naman ang pamumuhay kahit mag isa nalang ako. Namatay kasi ang mga magulang ko 9 years ago sa isang plane accident. yung kuya ko kasama sa aksidente pero hindi natagpuan ang katawan nya. Kasama din daw ako sa aksidente ngunit hindi ko maalala ang mga pangyayari kahit yung nga pangyayari nung mas bata pa ako. Amnesia daw ang tawag duon. Mula nuon ay kinaya ko ng mamuhay ng mag isa. Nakatira ako sa isang apartment at tinutulungan ako ng tita ko ( kapatid ni mama ) sa mga gastusin ko at pambayad sa mga bayarin sa University na pinasukan ko. Kahit scholar ako ay may binabayaran parin. Pero syempre nahihiya pa din ako kay tita kaya naghanap din ako ng trabaho. Umaga hanggang hapon sa School at at pag gabi naman ay sa McDo ako nagta trabaho bilang isang crew.

---

Isang ordinaryong araw sa school.
Pagpasok ko ay mukha agad ng bestfriend ko na si Jaquiline ang nakita ko.

"Hi Mare!!" Tumitiling bati sakin ni Jaq

"Ano ba yan! Ang aga aga bunganga mo agad ang tumambad sakin!" Iritado kong sagot.

"Eh namiss kita e." Sabay yakap sakin.

"Ano ba yan Mars! Pang umaga naman tayo ahh? Bat amoy pang hapon ka?" Tanong ko sabay tawa.

"Ay Grabe sya ohh! Mare alam mo ba na ang pawis ko ay ginagamit ng mga albularyo para manggamot ng mga kahit anong karamdaman?" Pagyayabang nya sakin.

"Ay nako Mars wag ako! Yung langis mo ginagamit na krudo hindi panggamot! Hahahahaha" natatawa kong asar sa kanya.

"Basta kahit anong sabihin mo. Maganda ako!" Sabi nya habang nakapang model pose.

"Sige Mars gisingin nalang kita mamayang 4:30" ang sabi ko sa kanya.

"Ha? Bat moko gigisingin? Tulog bako?" Nagtatakang tanong nya sa akin.

"Mars nananaginip ka pa ata eh hahahahahaha" pangangasar ko sa kanya.

"Aba loko tong batang to ah!" Sigaw nya sa akin. "Ay By the way mars, may pambayad ka naba para sa tour natin sa batanggas?" Tanong sakin ni Jaq.

"Wala pa nga mars eh." Sabay yuko ko. "Pero mukhang magkakapera naman ako eh, malapit na naman ang sweldo ko at magpapadala daw si tita kaya baka umabot ako"

"Mabuti yan mars! Para makasama ka. Sayang ang grades hahahahahaha" pag uudyo sakin ni Jaq.

Pumasok na kami ni Jaq sa school at simpleng mga lectures at recitations lang naman ang ginawa namin. Isang boring na araw lang. Kung wala siguro tong best friend ko ay baka napaka boring na ng College life ko.

Nasa cafeteria kami ni Jaq ng mapansin ko nanaman na parang may nagmamasid sa akin. At parang binabantayan ako.

Mula ng mamatay ang mga magulang ko ay pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin at binabantayan ako mula sa malayo. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba ito dahil nalulungkot ako dahil mag isa nalang ako o dahil minumulto ako nila mama at papa? *Jusko wag naman poooo! Takot ako sa mumu.*

Hindi ko nalang pinansin kung ano man ang nararamdaman ko at pinagpatuloy ang pagkain.

---

Andito ako ngayon sa trabaho ko. At super dami ng customer ngayong araw. Cashier pa naman ako today kaya pagod na pagod ako. Hanggang closing ako nasa trabaho.

Pag uwi ko sa apartment ko ay kumain, naglinis ng katawan at gumawa na din ako ng mga assignments ko. Habang nagbabasa ako ng libro ay naramdaman ko nanaman na parang may nakamasid sa akin.

My Vampire LoverWhere stories live. Discover now