4 years ago, sinimulan ko itong account na ito. Uso ang Wattpad, uso ang love stories, at parang napakadaling umaagos ng mga salita mula sa utak patungo sa mga kamay ko. Sabi ko gagawa ako ng kuwentong kung saan mangyayari lahat ng hindi nangyari - at hindi na kailanman mangyayari sa akin. Sa'yo. Sa ating dalawa. Dahil ano man ang dumating, ilang taon man ang lumipas, imposible nang magkaroon ng tayo. Hanggang ikaw at ako; ako at ikaw na lang. Ako, ikaw, at siya.
Voila! 15 Infinite Endings was born. Ang laki ng expectations ko sa kwento, at ang dami kong ideas noon kung paano sya patatakbuhin. Ang dami ko ring time, eh.
Pero somewhere between the fantasies I forced through reality, nagising ako.
Honey, ang tanga mo.
Hindi mo na kailangan gawin pa ang 15IE kung lolokohin mo lang din pala ang sarili mo.
Araw-araw mo naman nang ginagawa 'yan, diba? Hobby mo na nga rin ata eh. Bakit pa kailangan ng Wattpad?
Kaya tinamad ako sa 15IE. Napagod. Sabi ko magpapahinga lang ako. Eto: 2 taon na ang nakalilipas, 2 chapters up, 20 chapters postponed, and 5 drafts saved, niloloko ko pa rin ang sarili ko. Kaya di ko pa rin mapagpatuloy ang 15IE.
Baka eto, etong short story na ito, matapos ko pa.
Because this time around, everything's going to be different: I'm going to tell shit for what they truly were. May censorship for safety and a margin of fiction na around 5% para lang 'di ako tuluyang ma-expose, but things will be real.
Wala na munang lokohan, okay? Ilang taon na rin akong paikot-ikot.
Ooooooops, it seems like not everything will be different - because over the years, one thing has been as constant as the corruption in the country:
Every story, every piece of literature I've dropped my own blood into, every word that tells of romance has always been about you. Has always been for you.
Sa'yo pa rin. Screw this.
YOU ARE READING
Files From 2008 And Beyond
Short StorySabi nila wala raw forever. Meron naman ata. Ang makapag-move on, iyon siguro ang wala.
