16. What we're all waiting for...

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi na ako nagpaalam kay Gerd. Tinungo ko ang elevator at pinindot ang seventh floor para makita na at makausap na si Xander. Long overdue na ang usap na ito. Kailangan na naming gawin dahil kahit ako ay napapagod na sa pag-iisip.

Narating ko ang seventh floor at agad na hinanap ng mga mata ko si Xander. I saw him standing by the window looking down the building. Tahimik akong naglakad papunta sa kanya. Tahimik na tahimik sa loob ng gym. Walang ibang tao kundi ako ay si Xander. Naisip ko pa nga that if I will commit a crime today, no one will knew. I shook my head with that thought. 

"Mendoza." I called him. I stood by the window too. May distansya sa amin pero hindi naman ganoon kalayo. He looked at me.


"Remember that time when we used to play here a lot?" He asked me. Tanda ko iyon. Noong bata pa ako, si Xander ang una kong naging kaibigan sa lahat ng anak ng Pastels. Pakiramdam ko talaga kasi noon, mayayabang sila ng mga kaibigan niya but Xander befriended me and we ended up being best friends – pero ngayon we're torn apart and the reason is Yza.

Hindi ko naman siya masisisi kung ginawa niya ang lahat ng iyon. Somehow, I knew why he did that at naiintidihan ko siya. Simple lang naman ang rason.  Nagmahal siya. Kung ako rin siguro ang nasa posisyon ni Xander, gagawin ko din ang lahat para mapasakin ang taong mahal na mahal ko.

"Why'd you do it Xander?" Tanong ko bigla sa kanya. "You lied to me." I looked at him. He was still looking down. I heard him sigh.

"Hindi mo talaga alam?" Tanong niya. Natahimik ako. Ngumisi siya. "Alam kong alam mo." Humalukipkip siya.

"But you could've fought fair and square, Xander." Sabi ko sa kanya.

"Paano ako lalaban nang patas kung una palang lamang ka na?" He said in a plain voice. He looked at me. Wala akong mabakas na ekspresyon sa mukha ni Xander. "Una palang Zach, ikaw na ang gusto at para sa akin medyo tanga ka lang kasi hindi mo makita iyon. Pero sa akin wala iyon, iniisip ko na pwedeng turuan ang puso. Maybe if I do everything for her, I could turn whatever she feels for you mine and we will be happy." Huminga siya nang malalim. "Pero in the end, talo pa rin ako. Laging ikaw ang bukambibig niya. She's already in love with you without her realizing it. Kaya masisisi mo ba ako kung ginawa ko lahat iyon para makuha lang siya?"

Umiling ako. Hindi. Kahit kailan hindi ako nag-isip ng masama kay Xander. Oo nainis ako sa kanya, nakadama ng galit pero palagi kong inilalagay ang sarili ko sa kanya at naiisip ko na baka kung ako si Xander, mas malalala pa ang gawin ko.

"I know how much you love her, Zach. I was threatened. Ayoko siyang mawala. Akala ko noon, ako iyong safety net ni Yza, but as it turns out, siya ang safety net ko." Muli siyang huminga nang malalim.

"Alam mo bang nakita ko kayo kagabi? I saw her kissed you. I saw the damn whole thing and I was surprised because I didn't feel a damn thing. Hindi ako nasaktan Zach. Hindi ako nagalit sa'yo o sa kanya. Siguro kasi, I had always known that she was in love with you. Matigas lang ang ulo ko dahil pinilit ko ang sarili ko sa kanya."

Napailing ako. As I was hearing everything that he had to say. Nakakaramdam ako ng urge para bugbugin si Xander. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sapakin sa mukha hanggang sa hindi na siya makilala. After everything that he did to delay me and Yza, I wanted to at least have a shot on punching him. Pero hindi ko ginawa.

Kinalma ko ang sarili ko at pinilit kong makinig kay Xander. Naiintindihan ko naman siya at hindi tulad ng iniisip niya, hindi ako galit sa kanya.

"Pasalamat ka mabait ako." Kumento ko sa kanya. He grinned at me.

The runaway heiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon