"Okay.. Porsche. Pero sabihin mo sakin ha? Kapag sinaktan ka niya.. Pwede kitang ampunin kung sakaling makulong ang daddy mo."


"Tita please 'wag niyo pong kasuhan si Daddy. Promise ko po, sasabihin ko po agad sainyo kung may gawin siyang masama sakin. Thank you po sa concern." I hugged her tight at ganun din ang ginawa niya.




Love isn't "mahal ko siya kasi magkadugo kami". Si tita rina, she loves me kahit di kami magkadugo. Pero si dad.. I don't know. Never ko nafeel yung love niya.



Umalis narin si Tita Rina dahil medyo late na. Naiistress na naman ako kay Dad.. Hay. Itutulog ko nalang ito.


-


Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nagsuot ako ng plain red shirt dahil yun naman ang color ng college namin. Atsaka puting short.



Nagpahatid ako sa driver ko at nakipagkita kina Ivy at Aiko na busy makipag-usap sa mga players ng college namin.



"Good morning mga sis!" Bati ko sa dalawang bestfriend ko.



"Masaya ka ngayon kaligayahan ha. Anong ganap?" Aiko. Umiling lang ako at nginitian siya.




"Uhh. Si Callixte?" Unang tanong 'ko. Di ko kasi siya makita eh.




"Alam mo, parehas kayong naghahanapan. Hindi uso text?" Ivy. Oonga noh! Ano bang silbi ng phone ko? Haha.




"At.. Parehas din kayong maganda ang mood. Kayo huh! Anong nangyari! Nag-momol kayo noh?!" Nanlaki ang mata ko dahil sa semi-sigaw ni Aiko. SHET! Nagiinit nanaman ang mga pisngi ko sa tuwing naalala ko yung nangyari kahapon!




"Aiko ano ka ba! Ang ingay mo!" Tinakpan ko ang bunganga niya. Paano niya kaya nahalata? "Dumi mo mag-isip!"



"Ayy. So walang momol na naganap?" She giggled.



"Wala! Bakit naman kami magmo-momol? Ako? Hahalikan ni Callixte? Asa pa ko noh?" Pakunwari pa akong sumimangot.




"Ahh. Wala naman. Naisip ko lang. Parehas kayong fresh na fresh ang aura eh."



"Callixte pare! Tagal mo naman sa banyo!" Napa-ayos ako ng upo nang marinig kong tinawag siya ni Harvey.



"Gago. May binili ako!" Sagot naman niya.



Hindi ko padin siya nililingon. NAHIHIYA AKO! Paano ko siya kakausapin? Eh nakakahiya yung ginawa ko sakanya nung nasa kotse kami.. Ugh Porsche! Anong sumapi sayo at ginawa mo iyon?!



"Hoy Porsche! Ayan na yung kanina mo pa hinahanap oh!" Napapikit ako ng mariin dahil sa sigaw ni Jake. PUTMALU!!!!!



"Ahh. Hi." Hindi ko siya magawang tignan. He winked at me kaya napaiwas agad ako ng tingin. Naalala ko kasi yung nangyari kahapon!



"Ayieeeee! Namumula si Porsche oh!" Buset talaga 'tong si Aiko! Buset buset! Respeto naman sa hormones kong kilig na kilig? Ahahahah joke.



First game sila ngayon kalaban ang Architecture. Sabi ni Tita Rina ay player din ang anak niyang si Aldrin. Hmm. Hinahanap ko yung may Abrenica sa jersey. Yun kasi ang surname ni Tita Rina so..



Alluring II:  Alluring her innocenceWhere stories live. Discover now