CHAPTER 1:
"Gooooooooooooooooooooooood Morning Beautiful!" Masayang bati ko sa sarili ko pagkagising na pagkagising ko. Agad din naman akong bumangon para mag-ayos ng sarili.
Bakit parang ang saya ko ata? Tapos ang hyper ko pa o. Basta iba yung feeling ko ngayon. Ang good mood ko lang. Siguro may magandang mangyayare mamaya noh? :) Anyway may isa sigurong dahilan kung bakit ang hyper ko.
First day of school.
First time kong mag-aaral sa Pilipinas.
First time kong mahiwalay sa parents ko.
At first time ko ring mamuhay ng mag-isa.
Ano ba yan, nagda-drama na ko sa inyo pero di pa pala ako nagpapakilala.
I am Caroline Anne Montes Garcia. My family calls me Anne, while my friends (as in close friends) call me Carol. I am a 16-year-old-girl. Yung parents ko naman ay nasa States, andun kase yung family business namin e. May business din naman kami dito pero mas marami nga lang sa States kaya dun sila mas naka-focus. And nandito nga pala ako sa Pilipinas dahil ipinatapon ako ng parents ko together with my cousin-slash-bestfriend dahil sa pagiging pasaway namin.
Pasaway in a way na bumarkada kami sa mga mabisyong tao dun. Uso kaya yun sa States. Pero dahil sa kanila muntik na kaming matutong manigarilyo, uminom, and pati pag-drugs.
I used the word MUNTIK kase di pa naman natuloy e.
Over-acting lang sila mommy e. Kaya in return, dito na lang daw muna kami mag-aral. Baka daw kase sakaling tumino kami kahit papaano. Mababait daw kase yung tao ditto sa Pilipinas e. Baka maambunan daw kami kahit papaano.
Pero ang inaalala ko lang talaga is kung safe ba ako dito? Nag-iisa pa naman ako sa condo ko..
Ring
Ay palaka! Sino ba tong tumatawag? Tinignan ko naman agad ang screen ng phone ko. Si best pala yung tumatawag.
Si best at yung cousin ko ay iisa. Siya nga pala si Michaela Lacson Garcia. Dito naka-base yung family niya kaya dun na siya nakatira simula nung pinatapon kami ng magulang ko ditto sa Pilipinas. Mabait at maganda siya siyempre mana sakin e. Makulit, pasaway, at baliw din siya kagaya ko kaya naman mahal na mahal ko siya.
Naalala ko naman bigla yung mga kabaliwan naming nito. 2 days na din pala kaming di nagkikita kaya namimiss ko na siya, kaya sinagot ko agad yung tawag niya.
"BEST! ASAN KA NA BA?" Bungad niya agad pagsagot ko sa tawag niya.
"Teka anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya.
"At bakit sa akin mo tinatanong? Kelan ka pa naghirap at kahit orasan ay wala ka?" Pamimilosopo niya sa akin. Aha! Trip mo ko ngayon ha? Masakyan nga.
"Best.. hindi ko nga pala nabangigit sayo na kagabi.. kagabi may nakapasok sa condo ko.. tapos ano.. best.." Sinabayan ko pa ng iyak yan ha.
"Ano ulit best? Bakit di mo kami tinawagan sa bahay nila mama. Alam na bay an ng parents mo? Kung sa amin ka na lang kaya tumira? Hintayin mo ko sa condo mo ha best!" Agad niyang pinutol yung tawag at bigla naman akong napahalakhak.
Napaniwala ko si best nan a nanakawan ako kagabi. Di na siya magagalit kase late ako sa usapan namin. And last but not the least, may kasaba na akong papasok! Wagi. HAHA.
Sakto naman pagkatapos ko mag-ready for school, agad namang may nag-doorbell.
Binuksan ko rin agad dahil 30 minutes na lang ang meron kami para makapasok.
YOU ARE READING
Once Upon A True Love
Teen FictionWhat is true love? Paano mo nga ba masasabing true love ang nararamdaman mo sa isang tao? Sapat na bang dahilan ang pagiging masaya sa piling niya para sabihing "True love na nga ito."? Eh paano kung saktan at paiyakin ka ng taong mahal mo? Sign na...
