Partyin' All Night

16 0 0
                                    

Mickey's POV

Hi mga beks! Ako si Mickey, as in MI-KI! HAHA! Obvious namang baekla ako no? Sa ganda kong pang Miss Universe na 'to, iniwan pa ko ng jowa ko. Halos kaka break lang namin ni Baby boy. Pero, eto ako, Move -on kung Move - on. Sayang ang beauty! HAHAHA! Pero, mahirap. Alam nila Nica yun. Friendsung ko yang mga yan for 5 years. Pabalik balik lang kami from California to Manila, Manila to California. Wala, mayaman eh. HAHA! Ilang taon ko na ring hinaharot yang si Fafa Dever, pero hanggang harot lang. Mahal nyan si Nica eh. Wag kayong maingay ah? Baka mabugbog ako ni Fafa Dever. HAHA! Suki kami ng mga bars dito sa Quezon City, One way namin para mabawasan ang strees sa lovelife work at ganda. Nakakastress kaya ang sobrang ganda! Ay Sorry. Di kayo makarelate. Sige next time, kwento ko kung anong pakiramdam ng MAGANDA. HAHAHA! Ako ang pinakamagandang stand-up comedian sa bar ni Katty. Nuod kayo minsan ha? Basta rated SPG. HAHA! See you soon guys! 

---------------

" Ghurls, maaraw na sa labas di pa tayo natutulog. Aba! 6AM na mga G*ga! " Sigaw ni Mickey

" Matutulog pa ba tayo? HAHAHAHA! " Sabi ni Nica

" Yes. Matutulog po Nica. May trabaho pa si Katty mamayang gabi pati na rin yang si Mickey. Alam kong may pasok ka rin bukas pero mukhang di ka papasok. Linisin nyo na yan at matulog na. Sa kakainom nyo di nyo na namalayang umalis na si Dever. Sige na Mahal, matulog na dun sa kwarto. " Sabi ni Michael

" Ayan. Lika na NIca, tabi na tayo. Nagagalit nanaman ang ating Tatay. Mickey, ikaw na bahala dyan ah? " Paalam ni Katty

" Yes 'Te. Aura ba tayes mamaya? " 

" O'naman. Di pwedeng di tayo mag bukas ng bar. Alam mo na, Ang ating guest! "

" Kaloka ka Te! Sige na. Vorlog na! Magagalit si Michael. " 

" Sige. Nighty bakla! Tara na Nica! " 

Tumungo na sina Nica at Katty sa kwarto at sabay na natulog sa kama, Ang condo ni Nica ay may tatlong kwarto kaya mag kahiwalay ng kwarto sina Mickey at Michael; Sina Mickey at Michael naman ang nag linis ng mga kalat sa sala ng condo. Kinabukasan halos past lunch time na ng magising ang apat. Before 3PM na ng umalis ang apat sa condo at pumunta sa Bar ni Katty upang ayusin ang lahat ng gagamit for another gig mamayang gabi. Matapos nilang ayusin ang lahat, sila ay kumain sa isang resto malapit sa bar at nag kwentuhan, bago mag 6PM, sabay sabay silang bumalik sa bar para ma check kung all set na ang lahat. 7PM lang ay magbubukas na ang bar at open na for customers, pero ang start ng gig ay 9PM. Konting oras pa ay mag sisimula na ang show na may punong seats. 

" Mukhang maaga kayong lahat ah? Hayok sa mga bakla? " Sabi ng MC

Nag tawanan naman lahat ng customers dahil sa banat ng MC ng bar. 

" Nandito na ang baklang sisira ng gabi nyo at ang dahilan kung bakit nyo pag sisihan ang pag punta nyo rito, si MICKEY! " Opening remarks ng MC ng mag simula na ang show.

" Kapal ng peslak mo 'Te! Sa ganda kong 'to? *turo sa mukha* Luluhod kayong lahat at hihingin ang akin kamay! " Banat naman ni Mickey

" Hihingin ang iyong kamay para pakiusapan kang matulog na sa ilalim ng lupa! " Singit naman ng isa pang stand-up comedian habang nalakad papuntang stage.

Nag tawanan lahat ng customers dahil sa okrayan ng dalawang stand-up comedian sa bar. Hanggang maya maya dumating na ang kanilang guest. Natapos ang gabi ng puno ng tawanan, okrayan, inuman at kainan sa bar. Kahit sila Nica ay nanunuod ng show, imbis na mag pahinga. Dito, hindi namamalayan ni Nica na may nakapukaw na pala ng kaniyang ganda. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DayDreamer ♥ (ON-HOLD)Where stories live. Discover now