Chapter One

14 0 0
                                    



Ayaw ko ng commitment. Ayaw kong inilalagay ang sarili ko sa mga sitwasyon kung saan kailangan kong magbuhos ng lakas at oras. Gusto ko ang kalayaan na hatid ng mga pangungusap gaya ng, "Gusto ko pero h'wag na lang dahil nakakapagod."  Ganun akong klase ng tao. Ayokong makipagsiksikan, ayoko ng deadlines, ayokong mag-isip o mag-alala. INFP, ayon sa Myers-Briggs personality test. Kaya hindi ko maintindihan kung paanong nang dumating ang araw ng organization fair sa university, napilit ako ng mga kaibigan kong sina Steven at Kim na sumali sa isang organization.

Si Steven at Kim ay kaibigan ko na simula palang noong high school. Sabay sabay kaming nag entrance exam, at sabay sabay din kaming nagenrol sa UST. Ngayon, sa awa ng Dios, magkakasama parin kami sa kabila ng mahigpit at nakakastress na schedule. Si Steven ay nag-aaral ng Architecture samantalang si Kim naman ay Nursing. Ako, Psychology major.

Ayun na nga, isang araw habang break naming tatlo, napadaan kami sa harap ng Main building, at naroon yung mga tents ng mga organizations. "Oo nga pala, Org week ngayon, mga bakla! Tara, tingin tingin muna tayo." Panghihila ni Steven sa amin. Palibhasa ay isang social butterfly, hilig niya yung mga ganito. Gusto niya yung maingay, matao, makulay.

"Pero gutom na ako. Tara na, huy." Pangungulit ko sa dalawa habang nakikipag socialize sila. Panay ang hila ko sa sleeves ni Steve. Hindi ako nag breakfast, at isang oras at kalahati lang ang break ko, gusto pa nilang ubusin sa ganito. Please lang.

"Ano ka ba?' Irap naman ni Steven. 'Kaya walang nagkakagusto sa'yo eh." Bulong niya habang tumitingin sa mga flyers.

"Narinig ko 'yon." Sabi ko.

"Whatever." Sagot nya. "I know you love me." Sabay hila sa akin papunta sa sumunod na tent. Si Kim ay mabilis na nagpunta sa mga food stalls, si Steven naman, nakahanap agad ng mga chichikahing acquaintances. 

Nakalimutan na nila ako at ang kumukulo kong tiyan. Mukhang hindi papipilit, kaya naman naglibot narin ako. Napahinto ako sa harapan ng isang tent. May mga quotations kasi ng mga mahuhusay na manunulat at pilosopo ang mga pader ng tent nila. Black and white lang ang kulay mula sa font ng banners hanggang sa mga dekorasyon, simpleng simple pero hindi cheap tingnan. Naakit ako, pero ang talagang nagpapasok sa akin sa loob ay ang mga freebies nilang ballpen at bookmarks.

Sa 'di ko maipaliwanag na dahilan, mas masarap ang pagkaing libre, at mas maganda ang gamit na bigay lang. Bakit kaya ganoon ano?

Habang tuwang tuwa ako sa  pagtingin sa mga freebies, tumayo ang babaeng nakaupo sa likod ng lamesa. Unti-unti na sana akong aatras at tatalikod para maiwasan ang pangungulit ng babae na sumali ako sa org na ito pero biglang may humawak sa dalawang balikat ko mula sa likod.

"Huy. Kanina ka pa namin hinahanap ah." Malakas na bati ni Kim sa akin. Nagulat ako at napamura.

 "Ay pakshet! Kim! Ano ba, wala namang gulatan." Sabay hampas ko sa braso niya.          

"Aray ko!' Hinimas ni Kim ang braso sabay tawa. 'Ano 'to? Writing organization? Nagparehistro ka na?" Tanong niya habang inililibot ang mata sa paligid habang sumisipsip ng ice candy na mango ang flavor. Mahilig siya sa mango. Mango shake, mango cake, mango ice cream, mango candy, basta mango, sa kanya mo ipakain, wala pang five minutes ubos na.

Umiling ako. "Tara na. 'Saan si Steven? Saan galing 'yan? Ang daya! Ginugutom ako lalo sa kinakain mo eh."Sinubukan kong hablutin ang ice candy n'ya pero mabilis niyang naitaas ang mga kamay.

"Huy, ano ba? Bumili ka mag-isa mo! Papunta na dito 'yun, may kausap lang dyan sa kabilang tent.' Ngumuso siya sa tent sa kaliwa namin pagkatapos ay tiningnan ang mga freebies sa lamesa. 'Bakit hindi ka nagparehistro? Mahilig kang magsulat diba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SulatWhere stories live. Discover now