Simula

17 0 0
                                        

Scrolling, scrolling, scrolling and scrolling.

That's what on my mind while almost reaching the end of the newsfeed for it to refresh again.

Ang sarap basagin ng laptop ko sa sobrang boring, social media is kinda stressing me out these days. Ako ko na ang boring ang life at wala'ng magawa na maayos.

Nagtatalo ang isip ko kung lalabas ba ako, o hihiga nalang hanggang sa susunod na bukas. Haynaku Felice, napaka wala'ng kwenta mo talaga. Bumangon ka na at maghasik ng lagim. Bwahahahaha! Baliw na ata ako, jusko naman paano ba'to.

Napa baliktad ako ng may kumatok.

"Hija? Gising na, hapon na at di ka pa kumakain. Halika at sabayan mo ang kapatid mo." Si manang at boses talaga niya.

Tumayo ako sabay katok uli ng pinto sa labas.
Manang naman, dapat talaga kumuha nalang ako ng summer class na open or better yet sports clinic during summer. Unfortunately it's too late, I can't help but be sad at the thought.

"Opo manang! Sandali lang po, maliligo muna ako. Lalabas ako saglit!" Hala lakas ata ng boses ko, sorry naman. Tumayo na ako tsaka binuksan ko na ang pinto, nakakahiya naman kay manang.

"Oh hija? Galit ka ba? Ano'ng nangyari sayo?" Dami questions buti at mahal kita manang.

"Di naman po, akala ko di nyo ko naririning eh. Lam nyo na, tumatanda na kayo at humihina na ang pandinig." Sabay tawa para naman di ako masumbong kay mama naku! Tumawa siya.

"Ikaw talaga, pinapasabi ng Mama mo na 'di ka niya masasamahan sa pamilihan. Gusto mo ba ako nalang?" Si mama talaga, kahit kailan. Wala na talaga ako'ng choice nito. Ayaw ko pa naman lumabas at mag-liwaliw ng nag-iisa, akalain ng iba nakawala ako sa hawla ko.

"Di na manang, ako na po. Kaya ko naman, ligo at bihis lang po ako tapos baba na ako at kakain. Salamat po." Well I don't mind. I don't mind at all.

Ngumiti si manang, syempre nginitian ko pabalik. Alam na alam niya talaga paano pagaanin ang loob ko.

"Sige hija, hintayin ka namin ni Francis sa ibaba." Hinintay ko na tumalikod si manang bago sinarado ang pinto.

Paano na? Hindi naman sa cook book ang ina ko pero noooooo!

Wala ako'ng guide!


Yung akala ko di na ako matatapos, sana nalunod nalang  ako sa kubeta. Ayoko na, suko na ako.

Nag-bihis na ako, simpleng white V-neck Shirt, tattered pants and I wore my sneakers on. Staring at myself in the mirror I traced my necklace using my fingers, I kissed the pendant na hugis cross at sobrang nipis. Hmmm, Ewan ko.

Nag-suklay lang ako at pulbo kasi tuyo naman din ang buhok ko.

Sa hagdan pababa sinalubong ako ng mas wala'ng kwenta kong kapatid. Alam nyo yun? Kung wala ako'ng kwenta mas siya ng mga times one hundred siguro. Paano ba yan.

"Hoy Felice!" Sigaw niya sabay labas ng dila niya, ano aso'ng ulol lang? Aba at ang gago, di man lang ako tinawag na ate.

Leche na bata, saan kaya siya nag-mana. Imbes na pansinin, sumimangot nalang ako.
Walang hiya talaga, pero kahit baliw yan at naka-hithit ng katol mahal ko yan, syempre kapatid ko.

"Aalis ka ba hija? Magpapakuha na ako ng taxi hah." Nakita ako ni manang, syempre may naka-maong ba sa loob ng bahay? Siguro meron, pero di ako.

"Asan po ba si Manong Ernie? Pwede po ba magpa-hatid na lang?" Teka, dala pala ni mama ang isang sasakyan.

Paano na ako? Yari na, hike ang bagsak ko nito.

"Felice, di sumabay si Ma'am kay Sir iba ang lakad nila. May medical mission ang Mama mo eh." Bastos si manang ah, oo na naaalala ko na.

"Ah, okay po. Ako na po lalabas ng village para naman konting exercise. Hehe"

Stress, yan ang feels ko. Ba't ganun ang ina ko? Pinapahirapan ako.

Habang kumakain, iniinis ko si Francis. Stucking my tongue out sabay dilat ng mata.

Mukha siya'ng nandidiri sakin, try to think of it he's only 8 years old but acting like a man not a boy.

"Ate why are you so ugly? Ampon ka po ba?" Asik niya sakin, natigil ako sa pagkain.

Walang hiya, tumawa siya ng malakas ng mapagtanto niya'ng naka bulls eye siya.

"Francis! Halika ka nga dito!" Talim ng titig ko at lakas ng boses ko tatawa-tawa siya'ng tumakbo pataas. Buti tapos na ako'ng kumain, nakaka-walang gana tuloy. Ang oa ko naman.

Nag-paalam na ako kay manang. Naglalakad ako palabas ng village, habang hinahawakan at dinadama ko ang strap ng sling kong bag.

Random things clouded my thinking, bakit parang malayo?

Ba't nga ba ako magpapahatid eh ang lapit lang ng mall, buti nalang at di mainit.

Patingin-tingin ako sa daan, binabagtas ko na ngayon ang daan patungong mall. Memoryado ko lahat, galing sa garden ng pamilya Buenafe hanggang sa ilang gate at dulo ng nagtataasang pine trees. So serene, I love it.

Naagaw ng atensyon ko ang isang itim na SUV, ang ganda talaga sobrang astig yung tipong ang angas. Tsaka halata mo na sobrang bago pa, parang kaka-purchase lang kanina.

Di ko namalayan na nakatitig na pala ako dun, sa namangha ako eh. Kahit ano mang oras pwede talaga akong madapa.

Kailan kaya ako magkakasasakyan? Bakit di yun mabigay ng magulang ko? Isang architect ang papa ko, at doktor naman ang mama ko. Di ba kahit papaano eh pwede na talaga.

Kahit auto lang sapat na, Lord dinggin sana ng magulang ko ito'ng munti kong pangarap.

Unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan, may isang anghel na naka ngiti sakin ngayon. Grabe! Kaya naman pala ang gwapo ng sasakyan, mana pala sa may-ari.

Grabe, para siya'ng isang modelo, plus pang colgate smile. Gwapo is an understatement, I'm sure of that. Daig niya pa ang classmate kong si Xerxes na campus prince daw kuno.

I can't believe this, birthday ko ba? This is funny, pero madami naman ng ganyan ang mukha sa school.

Pero ba't iba ang dating niya, gusto ko siya'ng maging asawa na.

"Hey! Wanna ride me?" Sabi niya habang ini head-to-foot ako. Napa-nganga ako sa sinabi niya.

Wow at ang bait pa talaga niya, minsan na lang sa mundong to ang ganyan.

Yung katulad niya na napaka napaka di ko ma'describe sa sobrang hanga ko. Syempre di naman ako desperada, baka gahasain ako niyan.

Well kung siya naman gagahasa di ba why not?

Is he really offering me to... wait! Ang hunghang ko naman, ngayon pa nag sink in lahat ng kababuyan niya sa utak at kalamnan ko. Anak ng tilapia naman, eh gago pala siya! Hudas! Bastos!

"Gago! Manyakis! Tarantado! Hudas! Isa ka'ng kriminal!" Buong puso kong sigaw, narinig ko syang humalakhak sayang para sanang musika ang tawa niya pero mas lalo lamang nagpasiklab sa galit ko.

Habang yumuyuko ako may nakita akong mga bato, tiningnan ko siya at napagtanto kong ang akala ko'ng ngiti eh isa palang nakakatayong balahibo na ngisi. Walang hiya! Kapal!

Nakita niya ata ang pagkuha ko ng bato, kita ko sa mukha niya ang alarma. Buti nga sayo, gigil na gigil akong ibinato sa kanya ang napulot ko.

Kita mo nga naman at tirang-tira sa mukha. Sharp shooter ako, boy!

"Fuck! You freak!" Nanggagalaiti nyang sigaw, aba hinahamon ako. Pumulot ako ulit at tiningnan ko siyang muli. At dahil dun dali-dali niyang isinirado ang window glass ng kanyang sasakayan.

Di na ako nag-aksaya ng panahon pero bago yun binigyan ko muna ng dasal at matamis na air kiss ang napulot kong precious stone at binato ko ng buong kaluluwa at puso.

Pumikit ako at ngumisi, pinakiramdaman ang paligid at naghanda na.

Nang marining ko ang napakalakas na alarm ng sasakyan nya at mga nakakapaso na mura ay kumaripas na ako ng takbo.

Akin pa rin ang huling halakhak. Bwahahahahahahaha times one hundred

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Nov 12, 2020 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

If I Break ( If Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz