Kailangan ko ng maghanap ng boyfriend.

Pero Kailan?

Saan?

At Sino?

Napag-usapan na din namin na dapat ay may maipakilala na kami sa kanila sa loob ng isang linggo. Ang tindi noh? Pag wala kasi, ba-bye na kami na sa’min maipangalan ang company.

Hindi ganun kadali ang pinapagawa sa’min dahil mula pa sa kanunuan namin ang kompanyang nakatayo ngayon at kailangan namin itong mas payamanin.

Pumunta ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Bukas ko na lang toh iisipin, masyado ng maraming nag sink in sa’kin ngayon. Baka kung magisip pa ko, hindi na kayanin ng utak ko.

***

TOK. TOK. TOK.

Napa-inat ako sa kama ko dahil sa kumakatok. Masyadong malakas, para ngang gigibain na ata tong pinto ng kwarto ko. Walang patience, hindi marunong maghintay. Hindi ba nya alam na, paitence is a virtue?

Tumayo ako sa kama ko at lumapit sa pinto.

Alam kong gulo gulo tong mukha ko pero I dont care. Katulong lang naman tong pag bubuksan ko. Hindi sila ganun kaimportante para pag make-up an ko pa.

Hinawakan ko ang doorknob at saka ito pinihit. Unti unti kong binuksan ang pinto at tumingin sa kumakatok.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.

NAKATAYO LANG NAMAN SA HARAP KO SI IAN. Ang lalaking pinagpapantasyahan ko gabi gabi. Sya yung tinutukoy ko habang nakikipag usap ako kay Zia.

“A-anong g-ginagawa m-mo d-ditoooo?”

“Ahh, sorry. Pero pinapatawag ka kasi sa baba ng parents mo. Ako lang yung nautusan, kasama ko kasi yung pinsan mong si Zia”

“G-ganun ba?” sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. alam kong mukha akong tanga dahil sobrang pangit ko ngayon. Bakit ba kasi di nagsabi yung lukaret kong pinsan na dadalaw sya?

“Hehe, oo eh.”

“S-sige, sabihin mo bababa na ko.”

Hindi ko na hinintay na magsalita pa uli si Ian. Dali dali akong nagpunta sa banyo at naligo. Mabilis akong nagsabon at nag shampoo. Hindi dapat ako magtagal dahil baka umalis yung mga yun. Kailangan ko pa ng inspiration ngayong araw na toh at si Ian lang ang makakapagbigay nun. Sya ang energy ko at sya lang ang nakakapag bigay ng shakra sakin.

Lumabas ako ng banyo ng kwarto ko at humarap agad sa salamin.

BOYFRIEND: For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon