GL 4:

22.8K 767 21
                                    


#UNEDITED

...



GL 4:

"Sir sorry for interrupting but you have a visitor." Idinilat ni Devon ang kanyang mga mata, umaga na at nasisilaw na siya sa sinag ng araw na pumapasok sa kanyang silid. He heard a woman groan beside him. Nakaramdam siya ng inis dahil hindi pa ito umaalis.

"Hi babe." Masayang bati nito sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi nito ng malaman na hindi lang sila ang nasa loob ng kwarto. Nakita nito ang kanyang assistant na naka unipormeng itim kaya naman tinakpan nito ang hubad na katawan gamit ang comforter. Siya naman ay bumangon, hinila niya ang robe para itakip sa katawan sinuot niya na rin ang kanyang boxer na nasa gilid. Sanay naman ang mga tauhan niya sa mga ganitong tagpo. Ginagambala lamang ng mga ito ang kanyang pagtulog kapag importante ang dahilan.

"Get ready to leave, I don't want to see you again."he said heartlessly after giving away few dollars. Nagalit naman ang babae sa kanyang sinabi, she's blonde. Hindi niya alam kung bakit patuloy pang nag eexpect ang mga babaeng katulad nito sa kanya. Wala naman siyang i ooffer na iba ,just a piece of heaven.

"Sino ba ang bisita?" alangan pa itong sumagot pero sa huli ay sinabi na nito ang taong hindi niya inaasahang sadyain siya.

"Si- sir Dion po." Nilingon niya ito , hindi makapaniwala sa taong nandito ngayon, his twin hates him to the core. Paanong naatim ngayon nito na makita siya? Will he kill him dahil sa ginawa niya sa babaeng mahal na mahal nito? He must be ready din, hindi naman siya mapapayag na matapos lang ang buhay niya ng hindi lumalaban.

"Talaga?" Binaba niya na rin ang kanyang bisita. Hindi mahalaga kung ano hitsura nya ngayon, mas malinaw naman kung sino ang mas ungos ang kagwapuhan sa kanilang dalawa.

"What do I owe you for this woderful visit?" pang-aasar niya nang magkita ang kanilang mata ni Dion. His twin flash him a murderuous look. Hindi naman siya nakaramdam ng kaba.

"You owe me big time Devon. Kulang pa ang buhay mo na kabayaran."tumawa naman siya ng pagak sa sinabi nito.

"Hindi ka pa rin ba nakaka move on diyan? Ang tagal na noon, kung talagang mahal mo ang babaeng iyon , eh di puntahan mo, habulin mo, kunin mo ang loob niya. Magpakagago ka ulit gaya ng ginawa mo, dahil doon ka naman magaling!"

"Hayop ka!" hindi na siya nagulat ng sugurin siya nito, hinaklit ang kanyang robe at binigyan siya ng suntok na ikinatumba niya. Nanginginig ang kanyang kakambal sa galit, hindi na siya nagtataka, dito naman talaga siya magaling , ang ilabas ang galit sa loob ng kanyang kalaban.

"Akal mo ba madali? Hindi ko na kayang lumapit sa kanya dahil sa'yo. Sinira mo ang buhay niya na akala mo ako! Naghihirap siya ngayon, tapos ito , ikaw! Nagpapakasaya ka sa buhay mo na parang wala kang sinirang tao!" sumbat nito sa kanya.

"Tapos ka na? Ako na naman!" siya namana ng bumanat ng suntok dito, pinigil niya ang sinuman para awatin sila. Laban nila itong kambal, laban na matagal ng naundlot. Nakakasuntok ito, pero hindi kasing galing at alisto katulad niya. Siya na banat sa lahat ng kasamaan, kasinungalingan at pakikipaglaban. Mas matikas ang kanyang katawan, mas marami na siyang suntok na nagpatumba at muling nagpabangon sa kanya.

Hindi siya sa kamay ni Dion babagsak.

"Mahina." Panunuya niya nito sa kakambal, hindi na ito halos makatayo, duguan ang buong katawan. Pero nandoon pa rin ang determinasyon na makasuntok sa kanya, marami na silang mga gamit na nasira. Sa oras na makarating sa ama ang kanilang kahangalan ay siya na naman ang sisisihin nito, kahit pa ang pagkain naman ang lumapit sa kulungan ng leon, yung leon parin ang kakastiguhin.

Lugmok na ito at nakatakip ang kamay sa ulo, siya naman ay patuloy na sinisipa ang katawan nito. Hindi niya mapigilan na maisip kung paano ito ang pinili ng kanilang mommy noon na isama paalis habang ang kanyang kamay ay nakaabang para hawakan din.

Siya ang naiwas.

Devon, alam kong mabait ka...hindi ka tutulad sa iyong ama, alam kong mabuti ka anak....

Pero mali ang kanyang ina, hindi siya lumaki gaya ng inaakala nito.

Binalot siya ng kasamaan, mas malala pa sa kanilang ama...at walang sinuman ang makakasagip sa kanya.

"Tama na po." Pinigil siya ng assistant, hinihingal na tumigil siya sa pananakit sa kanyang kakambal. Malamang bali na ang mga ribs nito sa matinding pagkakasipa.

"Alisin nyo na sa harap ko." Yung assistant naman ni Dion ang sumugod agad sa alaga. Mabilis na umalis ang mga ito, siya naman ay nagpunta sa bar counter. Umagang umaga ay iinom siya kaagad. Nahagip ng tingin niya ang babaeng nakasama niya sa magdamag, takot na takot ito sa gilid.

"You're a devil!" akusa nito sa kanya. Ngumisi siya dito.

"I'll give you one hour to run...or else you know what will happen." Agad naman na itong umalis siya naman ay binalibag ang kanyang baso.

...

"Eunice."

"Yes." Nilingon niya ang boses kung nasaan si Marcy, nag –alala siya dahil sa boses nito.

"Eunice." Muling tawag nito, ngayon alam niya ng umiiyak na ito.

"Marcy, say it, kinakabahan na ako sa'yo." Tumayo siya para lumapit dito, maingat dahil sa kawalan ng paningin.

"May eye donor ka na!" and that's leave her unspoken. Matagal pa dago niya naintindihan ang sinabi nito. Hindi siya makapaniwala, umiiyak na siya wala pa man.

"Talaga?" pag kompirma niya dito.

"Yes, nasa hospital na si Ren para ayusin na maoperahan ka na agad." Masayang balita nito, agad siyang nagpunta kung saan natutulog ang anak...hinimas niya ang mukha nito habang umiiyak sa tuwa.

"Anak, makikita ka na ni mommy, sana ikaw ang una kung makita." She kissed her daugther's cheek. Hindi na siya makahintay at kung sinuman ang magbigay ng mata nito sa kanya ay labis labis ang kanyang pasasalamat.

...

Guilty Love (TLL Side Story ) / completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon