Chapter 27: For the First Time [Fast Forward]

Start from the beginning
                                    

~~~~~~~~

"Pasensiya na po, ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan"sabi ko sa mama ni Harrence.


"Itigil mo na ang pagsisi mo sa sarili mo sige ka magmumukha kang matanda diyan dahil sa stress. Ikaw talagang bata ka"pinisil ni Tita ang pisngi ko at hindi ko mapigilang mapangiti.


Dalawang araw nang tulog si Harrence at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Sinalinan siya ng dugo dahil maraming dugo ang nawalasa kanya at mabilis ang paghilom ng pasa at sugat niya ng dahil sa bagong gawang Serum ni Wycliffe na nakakapagbilis sa paghilom ng mga pasa at sugat.


"Salamat po"sagot ko sa kanya.


"Tama si tita kahit na mas matanda ako sayo mas mukha na akong bata sayo hahahaha! Forever young ako Vaughn hahahaha"tawa ng tawa si Terrence at binatukan siya ni Lauren.


"Kakagaling mo lang nagiging loko-loko ka na naman. Maligo ka na"naiinis na wika ni Lauren.


"Paliguan mo naman ako Sexy Hot Chilli Pie awww hoooo!"lumabas na silang dalawa habang pingot pingot ni Lauren si Terrence.


"Ikaw muna ang magbabantay sa kanya pupuntahan ko lang si Levi sa Technology Room. Isa pa yung batang yun sinisisi din niya ang sarili niya dahil hindi niya daw naprotektahan ang anak ko. Hay nako maswerte talaga ang anak ko sa inyo"sabi ni Tita at ginulo ang buhok ko.


Ningitian ko siya at umalis na siya. Tinignan ko si Harrence.


"Huy gumising ka na, siguradong naghihintay na ang Baby Pie mo sige ka baka si Dylan ang magbalik sa kanya dito. Bawas pogi-points yun diba? Namimiss ko na ang kabaliwan mo bumangon ka na diyan"kinakausap ko siya kahit na tulog siya.


Nakita kong gumalaw na ang index finger niya. Siguradong magigising na siya ngayon. Pinindot ko ang Red Button sa room na ito at nagsipasukan dito sina Kuya Zephyr, Hya, Terrence at Levi.


"Gumalaw yung index finger niya"sabi ko at nakadilat na ang mga mata ni Harrence.


Hinayaan namin si Kuya Zephyr na kausapin si Harrence tungkol sa nangyari sa kanila doon.


"Ilang oras na ba ang tulog Wallace?"tumingin siya sa akin na nakasimangot.


"Dalawang araw ka nang tulog"sagot ko sa kanya.


"May ipapakiusap ako sayo Kuya Zephyr, sapat na ang 2 araw kong tulog sa pagpapahinga ko. Gusto kong ako ang magligtas kina Ate Heramiah at Yeisha. Hindi niyo na po dapat ako alaahanin at sana mapagbigyan niyo po ako please"halata ang lungkot sa boses niya.


Ngayon lang siya naging ganito.


"Naiintindihan kita Harrence sige papayag ako pero kailangan mong isama ang protector mo pati na rin si Wallace. Mamayang gabi niyo isagawa ang Mission na iyon"sagot ni Kuya Zephyr.5PM na ngayon at kakain muna ako.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Where stories live. Discover now