"Anong peste po iyon?" I asked.



"Poging peste. Minsan katabi lang natin matulog.." At dun, humalakhak na silang tatlo. Joke kaya yun? Hindi ko magets. :-(



At.. Poging peste? Meron ba nun? Hay. Di ko naman magets ang joke nila.


Buong araw ako nasa bahay nila Callixte dahil inayos namin yung house model. Tuwang tuwa ako dahil nasa 3rd base na kami. Onting polish nalang ay pwede na namin siyang ipasa. Inabot na ako ng dinner 'to.



"Ame, Daddy.. Gusto 'kong mag-condo." Biglang sabi ni Callixte.



"Gusto mo sa condo ko noon? Kung san ka namin ginawa ni Marga?" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Tito Clarence. Hahahahaha ang kalog nila parehas.



"Bayan dad. Yung bago mo naman." Reklamo ni Callixte.



"Ang arte mo ha. Tss." Anang Tito. "Pero seryoso. Highschool ka palang binilhan na kita ng condo. Di ko nga magets kung bakit ngayon ka lang nagbalak mag condo eh. Ako highschool palang naka-condo na. Kaya naman 'don ko nasolo ng sobra si Marga my loves 'ko.." Inakbayan niya si Tita Marga at hinalikan sa lips. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Ang sweet grabe! Huhuhu!



"Sure. When can I move in?"



"Kung gusto mo ngayon na. Andyan naman si Porsche oh, magpatulong ka sakanya." Nagkatinginan kami ni Callixte.




He shrugged, "Galit naman 'yan sakin."



"Galit pero hinalik—hinalakhak. Tumatawa kayo diba? Diba? Narinig ko nagtatawanan kayo so I assumed bati na kayo." Napatigil si Tito Clarence at tumawa ng malakas nang pinandilatan siya ni Callixte.



Weird. Di ko magets joke nila. Bakit ang slow ko?



"Hindi naman ako galit.." I said.




"'Di naman pala, e. Sige na maghakot na kayo at baka ma-late pa kayo."



Umakyat kami ni Callixte sa kwarto niya at nagsimula na siyang kunin ang mga damit niya, gadgets, personal stuffs and everything. Toyota fortuner ang dala naming kotse kaya nagkasya ang mga gamit niya.



Tito Clarence gave Clarence the keys for his condo, "Sun residences, quezon city. Room 25**, 25th floor. Enjoy. Balitaan niyo lang kami kapag ikakasal na kayo." Kasal agad? Tito Clarence talaga. Hahaha.



"Anak.. Nakakainis ka. Baby padin kita, e." Hinug ni Tita Marga si Callixte. "Bumisita ka ha? Kukutusan kita talaga pag hindi ka bumisita."



"Opo, ame. Ang lapit lang ng Quezon City sa Taguig." Ngiti naman ni Callixte.



Nagpaalaman na sila at umalis na kami ni Callixte. Tumawag ako sa bahay para malaman kung andon si Daddy.



"Yaya? Si Dad?" I asked my favorite Yaya.



"Pupunta daw po siya ng Cebu at hindi sinabi kung kailan babalik." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Yaya.



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon