FFY 23

1.5K 48 2
                                    

Ng hapon ding iyon ay napagpasyahan kong pumunta sa batis.

Wala kasi si Nanay, nag service kasi siy, ito ang sideline niya para may makain kami sa pang araw araw, ang pag ma manicure.

Umupo ako sa malaking bato at pinagmasdan ang mabilis na paglagaslas ng tubig sa bato.

Tinignan ko ang kinauupuan kong bato, para silipin kung andun pa ito, at oo nga nandun pa ang nakamarka na
Michael & Katherina na nakapaloob sa puso.

"Anong gagawin mo?"

Tanong ko kay Michael, umupo kasi siya sa harap ng malaking bato.

"Relax ka lang mahal ko."

Sabi neto sakin,kumuha siya ng maliit na bato at sinimulang gasgasin ang bato na malaki.

Tinignan ko siya, napaka gwapo niya talaga kahit na saang angulo mo tignan.

Matangkad ito, moreno din siya at ang mga kilay nito na mejo makapal na mas lalong nag pahulog saakin, ang mga mata neto na kapag ngumiti ay nakangiti din, ang labi neto na hindi kakapalan, ang nakapangakit sakin para siya ay halikan.

"Bakit Mahal ko? Nagwagwapuhan ka nanaman ba sakin.?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Ang kapal mo!"
Sabi ko habang nakatawa.

Itinuloy niya ang kanyang ginagawa.

"Oh ayan tapus na!"

Sabi neto at hinalikan ako sa noo.

"Patingin nga ako."

Sabi ko.

Inalalayan niya ako sa pag upo at pinakita niya ang ginawa niya.

Napangiti ako ng malapad at hinalikan siya sa pisngi.

"Nagustuhan mo ba Mahal ko?"

Sabi neto at yumakap sakin.

"Oo Mahal ko."

Sabi ko at ginantihan din siya ng yakap.

"Bakit mo sa bato isinulat pwede naman sa puno."

Sabi ko sakanya sabay turo sa puno na merong upuan kung saan madalas kaming tumambay pag hapon, kasi nakikita mo doon ang pag lubog at pagsikat ng araw.

"Kase ang punong iyon, madaling putulin at sirain. Pero ang batong ito, kasing tibay ito ng pag mamahal ko, bago nila ito mawasak kailangan muna nilang maghirap."

Niyakap ko pa siya ng mahigpit.

"Pangako walang makakasira saatin."

Sabi ko.

"Pangako na kahit kailan hindi kita iiwan at pababayaan."

Wika niya.

Lumayo kami sa isat isa.

"Promise...
Sabay taas ng inliliit at pinag dikit namin ito.
...I will.. Habang magkadikit ang inliit ay pinagdikit din namin ang hinalalaki.
... Love you.. Ipina korte namin ito na parang puso.
..Forever." At ipinag salikop namin ang kamay namin.

At muling yumakap sa isat isa.

Di ko namalayan na nakangiti na pala ako sa kawalan.

Nakakamiss din pala, pero kailangan ko ng kalimutan ang nakaraan.

Kailangan ko ng tanggapin na alaala na lang ang lahat ng pinagsamahan namin.

Sa Tatlong taon at labing isa naming pag sasama, naramdaman ko kung paano magmahal at paano minahal.

Sana ganon din ngayon, sana ganon din kami ngayon ni Zach.....

----

Wieee! Naalala ko yung Vow nila, ginawa namin ni Ano ko yan hehe, at ganyan din kami katagal na nagsama, until now.

-share ko lang hihi.
charchar ❤

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon