FFY 3

2K 58 4
                                    

Nasa harap na kami ng kahoy na bakod ng aming bahay.

walang gustong bumaba samin.

"Maghanada ka 2 weeks from now ang kasal."

sabi neto.

bumaba sya ng kotse at binuksan ang pinto sa passenger seat at lumabas ako.
Ibinaba nya yung bisekleta ko mula sa likod ng sasakyan.

"S-salamat."

sabi ko.

hinintay ko siyang makaalis bago ako pumasok sa loob na bagsak ang muka.

"Oh, kateng anak, buti naman at andito kana si Sir Zach ba yon? bakit di mo pinapasok?"

tanong ni Nanay.

Yumakap ako sakanya na umiiyak.

"A-anong ngyari?"

tanong ng tatay.

"S-si ate Trina."

garalgal kong sabi.

"Oh kelan daw uwi ng ate mo?"

tanong ni nanay habang hinahagod ang likod ko.

"H-hindi na-- na siya uuwi Nay."

napa hagulgul ako.

"Sandali at pupunta ako sa tindahan para makitawag sa landline."

sabi ni Tatay.

"Wag na Tay."

pigil ko.

"P-pero anak, yung kasal ng Ate mo, malapit na."

alalang sabi ni nanay.

"Yun ng-nga po ang dahilan, k-kung bakit di na sya uuwi....

sumisinok kong sabi.

....ay-- ayaw nyang magpakasal kay Zach."

Nalungkot ang muka ng Tatay.

Alam kong nag aalala siya kay ate, pati sa bukid na sinasaka namin

yun nalang ang kabuhayan ng pamilya namin.

"G-gusto po ni Z-zach na, Ako nalang ang-- ang papalit k-kay ate."

napa hagulgul ako.

pano na si Michael, mahal ko ang nobyo ko at di ko sya kayang iwan. sa Isa at kalahating taon naming nag sasama di ko kayang kalimutan iyon ng ganon nalang.

kailangan kong tumakas.

oo may lihim akong pag tingin kay Zach pero hanggang crush lang yon.

Alam kong mahal niya ang Ate.

Alam kong gagamitin lang niya ko para saktan si ate Trina.

Kasi alam ni Zach na sobra akong mahal ng Ate.

...

Kagagaling ko lang sa trabaho at tinext ko si Michael para makipag kita sakin sa Batis.

Ilang minuto lang akong naglakad at narating ko din ang batis na sakop ng bayan namin.

Nasa malayo palang ako kita ko na si Michael na nakaupo sa isang batuhan.

Bumaba ako at nilapitan siya.

lumingon siya sakin at ngumiti.

Pantay lang ang antas namin sa pamumuhay.

pag sasaka lang din ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya, pero kahit ganon pa man, mas pipiliin kong makasama si Michael kesa kay Zach.

lumingon siya sakin at nilapitan ako.

niyakap niya ako hinalikaan sa Noo.

ito ang isa sa pinaka gusto ko sakanya, napaka lambing.

Tinignan niya ko ng diretso.

"May problema ba Mahal ko?"

tanong niya.

umiwas ako ng tingin at umupo sa batuhan.

"Hindi na uuwi ang ate."

tugon ko.

"Pero pano na ang kasal nila ni Sir Zach?."

tanong nya.

"Gusto Ni Zach na ako ang pumalit sa Ate."

nag uumpisa nanamang nabubuo ang luha sa sulok ng mata ko.

Hindi siya nag salita.

Kumuha sya ng bato at ibinato iyon sa tubig.

"Itanan mo ko Mahal ko."

sabi ko sakanya.

tumingin siya sakin at sumilay ang ngiti sa labi nito.

"Sabihin mo kung kaylan at saan tayo mag tatagpo."

mabilis nyang sabi.

"Bukas ng madaling araw, sa sakayan ng Bus. hihintayin kita doon."

sabi ko at niyakap siya.

Si Michael lang ang gusto kong makasama....

wala ng iba....

---

mejo magiging mabagal ang Update kasi nag aupdate din ako sa isa pang story na ginagawa ko.

The Bitch po basahin nyo din.

Thank You

Far From You: Katherina (Mueble Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon