"C'mon.. Oh I know! Hindi pa pala 'ko nakakapagpakilala sa 'yo." Good thing naalala mo. Tss.. "I'm Richard Dee. O ayan, kilala mo na 'ko. Don't forget my name after this night ah!" At ayun, kinaladkad niya an 'ko run sa bar counter.

Umupo kami tapos umorder siya. Ininom ko ng ininom ko lahat ng alcoholic drink dun. Best drinks in town daw yun eh.

Back to reality...

Tapos...

Tapos...

Tapos...

I can't remember anything after that!

"Hala..." Naiiyak kong bigkas.

"Oh ano, naalala mo na?" Napatingin ako kay sir.

"Hindi. Ang alam ko lang nalasing ako." Sabi ko sa kanya.

He smirked tapos lumapit siya sa akin. Yung mukha niya sobrang lapit sa mukha ko. Napapikit ako sa sunod niyang ginawa.

"You don't need to remember it all at once." Bulong niya sa tenga ko tapos hinawakan niya yung mukha ko. "Lets take it slowly like what happened last night." What?! Anong nangyari kagabi?

Pagkatapos niyang magsalita, iniwan niya na lang ako basta- basta. Omg! Isinuko ko na ba ang bataan? Ibig sabihin hindi na 'ko 'virgin' island? Huhuhu bigti na talaga, Yna.

Tinignan ko ang kabuohan ng katawan ko. Hmm I'm still wearing my clothes. Nothing's wrong with me naman. What happened nga kasi kagabi? Nakakahiya ako.

Bumangon na 'ko sa higaan. I looked for my things, na sa side table pala ng kama. Sinuot ko muna yung sapatos ko bago ako lumabas ng kwarto ni sir at bumaba.

"I prepared breakfast for you." Sabi ni sir.

"Thank you." Nahihiya kong sagot.

"Ihahanda ko lang muna yung pwede mong suotin sa kwarto ko. Sabay na tayong pumunta ng school. Maaga raw papasok ang kuya mo ngayon kaya hindi ka na niya masusundo." Sabi niya sa akin.

"How about our parents?" Tinanong ko na rin baka sakaling alam niya.

"They're out of the country." My gosh! Buti na lang at wala ulit sila.

Kinain ko na yung niluto ni sir habang siya naman eh nagpre-prepare ng clothes na pwede kong masuot for today. Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan ang buong bahay niya. Masyado itong malinis. Mahahalata mong lalaki ang nakatira sa bahay na ito dahil sa ambiance ng bahay. May swimming pool sa labas. Ang ipinagtataka ko lang bakit wala siyang katulong eh ang laki ng bahay niya? Nasaan kaya ang parents niya?

"Are you done eating?" Tanong niya sa akin pagkababa niya.

Tumango- tango ako bilang sagot.

"Sige maligo ka na. Yung pang palit mo na sa kama ko." Sabi niya habang kinukuha yung pinagkainan ko.

Umakyat ulit ako sa taas para maligo at magpalit ng damit. Yung labahan ko naman nilagay ko na lang sa loob ng backpack ko. Kasya naman eh. Isipin mo na lang na nakabackpack ako kagabi.

Hinatid ako ni sir sa school using his BMW car. Hmm ang yaman ni sir ah pero mas mayaman ako. Insert 'smirk' there.

Agaw atensyon ako kanina ng bumaba ako sa sasakyan ni sir. Everybody was looking at me pero dumire-diretso lang ako sa may garden kung saan walang maraming tao.

Pinili kong maupo sa ilalim ng isang puno. Ang sarap ng hangin dito. Makakapahinga pa 'ko dahil puro green ang nakikita ko.

"Hey" Sir Medrana approached me and before I knew it, nakaupo na siya sa tabi ko.

"Sir..." Sabi ko. "Ano pong ginagawa niyo rito?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala pa kasi akong klase. Mamayang hapon pa." Nagulat ako ng bigla niya 'kong akbayan.

"Sir bakit niyo po ako inaakbayan?" Tanong ko.

"Gusto ko lang. Di ba friends na tayo? Kaya wala namang masama rito." Sabi niya.

"Ah ok.." Sabi ko ng nakangiti pero naiilang pa rin ako.

"Para sa kaalaman niyo, garden ng universtiy ito at hindi park. Wag kayong maglandian dito sa loob ng university premises." Sir Perez? Hindi ko maintindihan kung may lahing mushroom 'to si sir eh bigla na lang susulpot.

"Excuse me?!" Biglang tumaas yung boses ni Sir Medrana. "Wag mo nga kaming paratangan agad." Dadag pa niya.

"Well what do you think you're doing, Mr. Medrana?" Shit! Yung dean ng school na sa harap ko.

"Nothing." Sagot ni Sir Medrana.

"Wala po kaming ginagawang masama." Sabi ko naman.

"Liar!" Sinuntok ni Sir Perez si Sir Medrana.

"Bakit ba Perez? You look so affected sa pag-akbay ko kay Yna." Sabi ni Sir Medrana, then he smirked. "Ah alam ko na. Maybe gusto mo si Yna. Gusto mong ikaw ang lumandi sa kaniya." Natigilan si Sir Perez sa sinabi ni Sir Medrana. Ano raw?

This time, Sir Medrana grabbed the chance para gumanti kay Sir Perez. Parehas silang putok ang labi ngayon.

"Hey you two! You're fighting over one student? Where's your manners? Nakakahiya kayo!" Sabi ni dean. "Perez, Medrana and you follow me to my office, now." She said it calmly but full of authority.

Nakakatakot pala ang dean nila rito at nakakatakot rin ang magiging parusa ko kung ganun. Pero ano ba ang ikinatatakot ko? Alam ko namang wala akong ginagawang masama, wala kaming ginagawang mali.

Silence inside the office. Not until the dean spoke up.

"So tell me, what is this all about?" Tanong ng dean. She's seating on her chair habang kami naman ay nakaupo sa harap ng desk niya. Magkatapat kami ni Sir Medrana habang si Sir Perez ay nakasandal sa dingding sa likod ni dean.

"Nothing Ma'am" Sagot ni Sir Medrana habang pinapatay sa tingin si Sir Perez at ganun din si Sir Perez sa kanya.

Hahayaan ko muna siguro na si Sir Medrana ang sumagot kay dean because I believe alam niya naman ang dapat sabihin.

"Oh c'mon Mr. Medrana, stop lying! I saw what happened at that garden!" Patay, ang init na ng ulo ni dean.

"Wala kaming masamang ginagawa." Sabi ni Sir Medrana.

"I want the truth to prevail in you Mr. Medrana at ayoko na ring uminit pa lalo ang ulo ko kaya tell me the truth. Do you have an affair with Miss Velasquez?" Tanong ni dean.

Tumingin ako kay Sir Medrana, he's looking straight to Sir Perez and he's smirking. Oh no, anong nangyayari?

No!

A/n:
Thank you for reading guys but votes and comments is mostly appreciated.

When We FallWhere stories live. Discover now