"Ay naku, delikado na sa daan ngayon. Stay for the night nalang. May guest room naman kami. Or unless gusto mo tabi kayo ni Callixte?" Humagikgik naman si Tita Marga. Huwhaaaat?



"Ame ano ba!" Callixte naman. Hmp!



"Nagbibiro lang ako. Oh ito, may extra akong damit incase na dito ka matulog. At eto pala, regalo 'ko sa'yo." Napanganga nalang ako nang bigyan ako ng shopping bag ni Tita Marga.



Pagkabukas 'ko ay bumungad sa akin ang puting tube dress at lingerie. LINGERIE?


"Ah, tita? Para sakin po talaga 'to?" Tinaas 'ko sa kamay 'ko ang sexyng lingerie. Kinuha ito sakin ni Tita Marga at natawa.



"Ay akin pala 'to. Hehe. Nasama pala d'yan, bigay 'to sa akin ni Clarence pang-romansa." What? Omg! Feeling ko tuloy umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi! P-pang romansa?



"Tsk, Ame! Matulog ka na nga!" Halatang nailang din si Callixte dahil sa pinagsasabi ni Tita Marga.



"Para may kapatid ka na, noh. Hehe. Osha, goodnight! Porsche, stay the night nalang okay? Text mo parents mo para 'di sila mag-alala." At lumabas na si Tita Marga sa room.



Busy sa pag-gawa ng house model si Callixte at mukhang walang balak pansinin ang cookies at milk na dinala ni Tita Marga. Kaya naman tumabi ako sakanya, mehehe.



"Say ahhhhh." I said. Napalingon siya sa akin at napasimangot.



"What are—" at sinubo ko na sakanya ang cookies. Hehe. Arte pa eh!



"Arte mo pa. Ikaw na nga sinusubuan, e." I pouted dahil masama ang tingin niya sa akin. "Say ahhh ulit."



Napailing nalang siya at kumagat naman sa cookies, "You're crazy, Porsche."



"Sayo lang naman." I chuckled. Napailing nalang siya at pinagpatuloy ang pag-gawa ng house model.



Pinapanuod ko lang siyang gawin ang house model. Hay, too bad 'di ako makatulong dahil sa kondisyon ng right hand 'ko. Pinapanuod ko lang siya hanggat sa maramdaman 'ko na ang makamundong pagka-antok.



CALLIXTE'S POV.


It's almost 2am at buti naman ay natapos ko ang first base. Napatingin ako kay Porsche na nakatulog na habang naka-indian seat. Tss. Nakatulog siya ng ganyan ang posisyon? Bata talaga.


Itinabi ko muna ang house model at niligpit ang kalat before I carried Porsche in my bed. Nakakahiya naman kung gigisingin 'ko pa, baka magpahatid eh inaantok na ako at tinatamad na ako mag drive. Tss.



Tinititigan ko lang siya habang tulog. Haha. Naka-nganga pa siya at naghihilik. Hay nako! Walang magagawa 'tong pagtitig ko sakanya. Nag-halfbath na ako at natulog nalang sa sofa katabi ng kama 'ko. There's no way in hell na magtatabi kami sa kama. Baka kung ano pa isipin niya.




... At kung ano pa magawa ko. Duh. Lalaki lang din ako.




Kinabukasan ay maagang nag-alarm ang phone 'ko. Agad agad akong nagising at tulog pa pala ang mahal na reyna. Tss. Nauna na akong maligo at nagbihis. Pagtapos nun ay ginising 'ko na siya.



"Hala! Dito na pala ako nakatulog!" Aniya.



"Maligo ka na, may extra akong mga gamit 'don like toothbrush, sabon. Sumunod ka nalang sa baba." Sabi ko at lumabas na ng kwarto.



Pagkababa ko ay as usual, naglalambingan na naman ang parents ko. Araw araw nalang ako nakakanuod ng live show.



"Kamusta tol? Okay ba?" Natatawang tanong ni Daddy at nagtawanan sila ni Ame. Huh?



"Anong okay ba? Ang alin?" Painosenteng tanong 'ko. Baboy talaga nitong dalawang to!



"Do i really have to say the word?"



"Dad, walang nangyari." Simpleng sabi 'ko.




"WEH?" Sabay na tanong nila ni Ame. "Kahit momol?"



"Wala nga. Di ko naman girlfriend yun." Inirapan ko nga ang dalawa. Tss.



"Bakit, kami nga ni Marga nag start sa friends with benefits—Aray! Totoo naman diba?" Binatukan tuloy ni Ame. Haha.



"At isa pa, 'di ko siya type." Pag-amin 'ko.



"Choosy ka pa? Ang ganda na nga ni Porsche. Mabait pa at magalang. Ang mga ganyang babae, 'di na pinapakawalan." Natatawang sabi ni Dad. Dinedma ko nalang silang dalawa at sila naman ang naglambingan.




"Good morning po.." Sumulpot si Porsche. Napa-second look pa ako sakanya dahil suot-suot niya yung puting dress na gift ni Ame.



"Oh my god! You're so beautiful, Porsche! You should wear dress more often!" OA naman ni Ame. Di naman ganun kaganda.



"Thank you po, Tita Marga. Ganda po nito." Aniya at umupo sa tabi 'ko.



Ngumiti sakin ng nakakaloko si Daddy habang tinutusok pa ang tagilirian 'ko. "Ano ba Clarence, tumigil ka nga." I hissed pero humalakhak lang siya.



Tss.

Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon