Nanahimik na siya after nun. Sinusulyapan ko siya pero tahimik lang siya habang nahihirapan kumain. Mukha siyang malungkot at parang onting pitik nalang ay iiyak na. Bakit? May nasabi ba akong masama?



Mauubos ko na yung meal ko pero yung kanya, 'di padin nangangalahati. Hay nako. Magmamagandang loob ba ako o hindi? Baka umasa siya.



TSS.


Tumabi ako sakanya at halatang nagulat siya. Hinimay-himay ko muna yung manok para mas mapabilis ang kain niya.



"Say ah!" Nakatitig lang siya saakin at halatang gulat sa ginawa ko. Tss. "Subuin mo na uy!"



Dahan-dahan siyang ngumanga at kumain. "Callixte.. Okay lang, 'di mo kailangan gawin 'yan."



"Para mas mabilis ang pagkain mo at mapagusapan na natin ang house model." Excuse 'ko naman.



Natapos siyang kumain at nag-burp pa. Ewan ko pero napangiti ako. TSS. Para siyang bata. Nakangiti na agad siya, ang bilis niya talaga pasayahin. Ang babaw ng kaligayahan niya. Para talagang bata. Kaya siguro kaligayahan ang last name niya?


Pinagusapan namin yung about sa house model. Nadidistract ako kasi lagi siyang nakangiti. Tss. Ano ba naman 'tong babaeng 'to?



"Bakit ka ba ngiti ng ngiti?" Tanong 'ko.



"Wala lang.. Thank you ha? Mabait ka naman pala." She smiled. Takte. Pa-cute!



"Oh ano? Kinilig ka noh? Tss. Sakin ka lang naman kinikilig kahit ano pa man ang ibigay ng mga admirer mo sa'yo." I smirked.



I watched her rosy cheeks na mas pumula pa dahil sa sinabi 'ko. Kilig nanaman siya oh. Haha. Bumalik na kami sa Brentville para 'di kami ma-late. Sinasabayan niya pa yung kanta sa stereo. Tss. Para talagang bata.



PORSCHE'S POV


Oh my gosh. Talaga bang nangyari yung kanina? Sinubuan ba talaga ako ni Callixte? As iiiiiin?



Halos mapunit na 'tong labi 'ko sa kakangiti. Hay Lord! Sana laging ganito! Kahit naman nasaktan ako sa sinasabi niya kanina ay nabawi naman agad iyon dahil sinubuan niya ako. Kahit naman pala papaano ay may pakealam siya sa akin.



Nasa gym ako ngayon at hinihintay matapos ang training ni Callixte dahil gagawa pa kami ng house model sa bahay nila.




Nagulat ako nang may iilang varsity players ang tumayo sa harapan 'ko. Si Romeo! Kinantahan niya ako ng "diwata by abra and chito miranda" at binigyan niya pa ako ng boquet. WOAH? Pangalawang boquet ko na 'to sakanya!



"For you, Porsche." Anang Romeo.



Napanganga nalang ako dahil sa ganda ng boquet. Wooooowwww. First time ko makatanggap ng ganito kalaki at kagandang boquet! Wow talaga!



"Uy... Thank you. Grabe. Ang gandang boquet nito!" Gusto ko ng maluha dahil sa sobrang pagka-overwhelm!




Nagulat nalang ako ng hilain ni Callixte ang wrist ko na naman at muntik ko pang mabitawan ang boquet.



"Pare! Ano 'to bastusan? Nakikita mong naguusap kami ni Porsche tapos bigla bigla mong hihilain?" Galit na sabi ni Romeo at kinakalma na siya ng teammates niya.



"PARE, may lakad pa kasi kami ni Porsche eh. Atsaka, ako naman ang gusto niya diba? So bakit mo pa siya binibigyan ng ganyan? Tss."


Nag apologetic smile nalang ako kay Romeo at nagpatianod kay Callixte. Hay nako! Bakit ba badtrip na naman siya?



Tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako. Kinuha niya yung boquet na hawak ko at tinapon. Pagtapos niyang itapon ay inapak-apakan niya. Hala shet? Galit na galit?



"Callixte ano ba! Bakit mo ginawa 'yun?" Nakakainis na talaga siya! Bakit niya ba lagi tinatapon ang mga bigay ni Romeo sakin?




"Ayoko ng kalat sa kotse. Sumakay ka na nga!"



Tinitigan ko lang siyang badtrip na badtrip habang nagddrive. Hay nako. Kung di lang kita crush, siguro baka nabigwasan na kita. Kaso di ako marunong manakit. Mehehe.

Alluring II:  Alluring her innocenceWhere stories live. Discover now